Kabanata 102 (Part 1)

2293 Words

Nagsabi ako kay PJ na gusto kong umuwi ng Batangas – gusto kong dalawin ang mga magulang ko at puntahan ang bahay namin. Alam ko kasing handa na akong harapin ang mga iniwan ko; at handa na akong balikan ang mga tinakasan ko. Hindi naman nagdalawang-isip si PJ. Pumayag siya sa gusto kong mangyari at ngayong gabi rin kami bumyahe papuntang Batangas. Pagkagaling sa Cup of Twist, umuwi muna kami sa bahay nila upang makaligo’t makapagpalit ng damit. Kumuha rin kami ng ilang gamit pang-overnight. Ito ang unang beses na mamamarkahan ako ng absent sa eskwelahan dahil kakasimula pa lang ng linggo. Ngunit ayos lang dahil alam ko sa sarili kong hindi na ako makakapaghintay pa ng weekend. Sa totoo lang ay long overdue na rin ito kaya ayaw ko nang mas patagalin pa. Sa mga susunod na araw din kasi,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD