“Tapos na po,” sabi ko kay Ms. Rina bago pa man siya magsalita. Nilapitan ko na siya para magpaalam dahil tapos na ang shift ko ngayong araw. “’Yung mga hugasin?” humalukipkip siya at nagtaas ng kilay. Buong shift ko ay matalim ang tingin niya sa akin dahil sa pagsagot ko sa kanya kaninang umaga at hindi pagpayag tumulong sa ikalawang date sana nila ni PJ. Nag level up pa nga ang gusto niya at ngayon ay overnight pa. “Kanina pa po nahugasan,” sabi ko pa. Akala niya siguro hindi ko narinig na talagang ‘di niya pinagalaw sa iba ang lababo kahit may ilan namang libre at pwedeng gumawa nito bukod sa akin. I have no idea why she thinks what she did before would still work on me now. Oo’t mabait ako pero ‘wag naman niya akong gawing tanga. Wala man akong karanasan sa pagtatrabaho sa isang cof

