Mabilis kong itinaob ang phone ko sa lamesa sabay tingin kay PJ. He looked unfazed. Hindi siguro niya nabasa kung sino ang nagtext. Diretso lang kasi ang upo niya, nakahalukipkip at nakatingin sa plato pero hindi pa nagsisimulang kumain. Alam ko kasing hindi niya gusto si Dylan. Siguradong hindi siya matutuwa kapag nabanggit ko ito. Pero sinilip ko ulit ang phone ko para mabasa ang text ni Dylan. Baka mali naman kasi ang nabasa ko. Kaya lang nang makita kong hindi naman ako nagkamali ng intindi, nagsalubong ang kilay ko at napaisip dahil dito. Muntik ko nang makalimutang may balak nga palang manligaw si Dylan! At dahil hindi naman ako tumanggi noong nabanggit niya ito sa akin noon, actually wala nga akong isinagot, baka akala niya ay applicable sa akin ang silence means yes! Sa gili

