I used to like Sunny. She can easily brighten up someone’s day with her jolly personality, but little did I know that she can also do the opposite. Ngayon ay para bang kumulimlim ang kaninang maliwanag na araw. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ni Sunny at kailangan niyang sirain ang mood para sa lahat dahil sa masyadong personal niyang tanong. Pwede naman namin ito pag-usapan pero sana in private na lang. Hindi ‘yong kailangan ko talagang ipangalandakan sa lahat kung ano nang estado ng relasyon namin ni PJ. Lalo na’t bago pa lang kami at sa totoo lang, gusto ko itong protektahan kahit anong mangyari. Nakatayo na lang ako sa tabi ni PJ ngayon imbes na yakapin siya. Napayuko ako dahil sa nakakailang na katahimikan. At nang magsasalita na sana ako para lang bumalik ulit sa n

