Skull. Tiger. Big Snake. Ilan lang ang mga tattoo designs na ito sa nakita kong pinagawa ng ibang customers na nakasalubong ko pagpasok ko sa tattoo and piercing shop na nahanap ko online. Karamihan pa sa kanila ay mga lalaking malalaki ang katawan. Kaya naman sobrang na-intimidate ako at na-out of place. Ano ba itong pinasok ko? Mataas naman ang rating sa shop na ito pero dahil sa matinding kaba ay nagbalak akong umatras. Ayon lang ay may babae akong nakausap na kakatapos lang magpa-tattoo ng “MJ” sa kanyang balakang. Nagkabanggaan kasi kami nang magmadali ako palabas ng shop. Tinanong niya kung anong pina-tattoo ko at nang malamang aatras ako ay agad niyang pinigilan. Sunny ang pangalan ng babaeng nakausap ko. Maligalig ito at mukhang adventurous. Todo ang kanyang pag-advertise sa

