Hinawakan ko ang promise ring na binigay ni PJ sa akin. Inikot-ikot ko ito habang nakasuot sa daliri ko. “Natatandaan mo ‘yung painting na ni-request mo sa ‘kin?” “Oo… tapos na?” “Hindi pa rin. Nasa kalahati pa lang ako.” Bakas sa mukha ni PJ ang pagtataka dahil mag-iisang buwan na mula nang i-request niya ito sa akin para sa Cup of Twist, ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito natatapos. “Hindi mo sinagot ang tanong ko kanina.” Lumabas muna kami ng function hall ni PJ at nagpunta sa hardin ng orphanage para mas makapag-usap nang maayos tungkol sa nakita niyang gamot galing sa bag ko. I can try to share some parts of my past for now… but not everything. Hindi pa ako handa. “Antidepressants.” Isang salita lang ang sinabi ko. Pagtingin ko kay PJ ay seryoso ang ekspresyon sa

