Pagkatapos namin kumuha ng mga litrato nang aming munting selebrasyon ay agad naman na nilantakan ng dalawang bata ang cupcake, pinauna ko na sila siyempre. Nang akma na akong kukuha ng pagkain saka naman tumunog ang doorbell, napatingin naman ako sa mga bata na nakatingin din sa akin. Nagkibit balikat lang silang dalawa saka tuloy sa pag-nguya, agad naman akong lumabas at baka deliver iyon ngunit nagkamali ako, si Lars pala. Bigla siyang napangiti ng makita niya ako at agad na iwinagayway ang kamay may dala siyang paper bag kaya naman kahit ayaw ko siyang makita ay pinagbuksan ko siya ng gate. “Hey! Can I come in? Are the kids already home? I brought some foods and toys for them.” Nagtaka naman ako, hindi naman soya madalas mag bigay ng ganito, nakita ko naman na nagtatakbo ang mga ba

