Wala akong tulog kaya pakiramdam ko ay para akong zombie kinabukasan. Sa kabila ng lahat ay sinikap ko pa rin na gumising ng maaga para maaga ng makaprepara ng almusal ng mag-anak. Nakita ko naman na pupungas-pungas pa si Karen habang pababa sa hagdan. Nagtaka naman ako at maaga siyang nagising, kaya agad ko siyang dinaluhan. “Hey Baby! How was your sleep?” tanong ko sa kanya habang humihikab pa siya. Nag pout lang siya sa akin atsaka padabog na humakbang. “Uncle Lars will get married to that b***h! You’re not doing anything Ate May-may!” she screamed at my face then she started sobbing. Nagulat naman ako sa reaksyon niya, akala ko kasi ay panay lang ang pangbubuyo nila sa amin nang uncle nila, hindi ko naman expected na ganito pala magiging reaksyon ng batang ito. Yumuko na lang ako up

