“Ma’ ayos lang naman kami dito. Saka mabait naman talaga ang mga magulang ni Lars.” Kausap ko si Mama, hindi kasi daw siya mapakali dahil may trust issues na daw siya sa mga tao dito lalo nang malaman niya ang totoong kwento kung bakit ako pinadeport. “Hay kahit na noh! Namimiss na namin ng Papa mo ‘yang si Hiraya, paki sabi dalian niya sa paglaki para naman kahit siya na lang ang bumisita sa amin dito.” Walang preno talaga ang kaplastikan ni Mama, if I know miss na miss na din niya ang mga chika ko. “Alam ko naman na ako ang miss mo, mama. Hehe, ilang lata ba ng biscuit nag kailangan mo?” sagot ko, nakita ko naman kung paano umakto na nasusuka ang nanay ko sa harap ng camera. Tawang-tawa naman ako, kasi kahit ang chow-chow naming na si Balot ay na cocorny-han na sa pag-acting pa ng kani

