“Welcome home Less!!!” Agad akong niyakap ni Afsheen. Napahikbi ako habang kayakap siya. “Hoy bakit ka umiiyak hmmm?” Para akong baliw natatawa na umiiyak. Para ka kasing si ate Leah napaka-caring,...nagpupunas pa ako ng luhang humarap sa kanya. “Asus ikaw talaga ang drama mo.” “Tatay Lito, nanay Sonia kumusta po ang byahe?” Naku anak nakakatakot pala sumakay ng helicopter parang bumabaliktad ang sikmura ko. Itong si Lito at Zyle lang ang tuwang-tuwa..... pagkukwento ni nanay. “Masasanay din po kayo nay, pasok po kayo maupo muna kayo para mawala ang hilo niyo. “Ace triplets come here, your tita Lessy is here. Meet your another Lolo and Lola and baby Zachary Zaile.”....agad naman nagsitakbohan ang mga triplets ni Afsheen. “Hello Tita Lessy!” hello kids.... “Hello Lolo and Lola.”.....

