Zhykher pov Hindi ko na alam ang gagawin ko sa babaeng ito. Mauubusan ako ng pasyensya sa katigasan ng ulo nya. Oo aaminin ko may mali ako, ganito ako eh kapag galit hindi ko mapipigilan ang bibig ko kung ano nalang ang lumalabas. Sobrang nagseselos ako kahapon dahil napaka ganda ng ngiti niya sa lalaking iyon. Samantalang sa'kin napasungit niya, ni hindi man lang kayang ngumiti kahit konti. Ilang gabi na akong kulang sa tulog dahil iniisip ko kung paano siya paamuhin o susuyuin. Hindi ko ugali ang manuyo o magpaamo ng babae dahil sila ang kusang lumalapit sa akin. Sila ang kusang nagbibigay motibo para maging karelasyon ko o ka one night stand ko. Kagaya ng anak ni mayor siya pa talaga ang umamin na gusto niya ako. Kung sa ibang lugar pa lang sana baka hindi na ako makapagpigil pa.

