Nakita ko si Lola Carmella at Lolo Mariano kaya agad akong bumaba sa stage at patakbong pumunta sa kinaruruonan ng mga matatanda. “Babe be careful!”....shout up kanina ka pa bida-bida moment ko 'to. Agad akong nagmano sa dalawang matanda at niyakap ko sila. “Laki na ng pinagbabago mo apo, at talagang nakakalimutan mo na kami ng Lolo mo.”...si Lola Carmella nag-emote. Ay naku hindi ko po kayo nakakalimutan, mas nakakalimutan ko pang magsuot ng bra kaysa ang kalimutan kayo. “Gagi, bakit hindi mo sabihing mas nakakalimutan mo pang magsuot ng panty kaysa limutin sila Lola Carmella.”....singit ni Clea na ikinatawa ng lahat. Kahit kailan bruha ka talaga Clea, ikaw yata dyan ang walang panty eh. “Jusko mga bata kayo kababae ninyong tao bunganga ninyo mga burara.”....si Tita Sylvia. “Naku

