Araw ng pag-alis ng mga kapatid ko papuntang maynila. Si nanay iyak ng iyak pati si tatay ay napaiyak na rin. Alam nyo naman sama-sama kami sa isang bubong sa loob ng maraming taon. May makain man o wala sabay kaming nagsasakripisyo. Mami-miss ko ang mga kulitan at asaran.
Si Lerian umiiyak dahil ma mimiss daw niya si Zaile. Lukaret na babae si Zaile lang ang mami-miss.
“Nay Sonia, huwag na kayong umiyak susunod din naman kayo sa maynila after few months o baka nga madaliin ko
Aayusin lang namin ng asawa ko ang matutuloyan ninyo.”....si Afsheen
“Salamat anak napaka buti ng iyong kalooban at napaka swerti namin dahil kami ang napili mong tulungan.”...si nanay.
Lumakad na kami patungo sa bahay ni Lolo Mariano. Wala naman masyadong gamit sila Leandro at Lerian. Sabi nga ni Afsheen siya na ang bahala sa pagbili ng mga kagamitan. Nakakahiya dahil sobrang sobra na ang naitulong nya para sa amin. Sana balang araw sa pagtatagumpay namin masuklian namin ang kabutihan ni Afsheen.
Nagpapaalam na ang lahat kay Lolo Mariano at Lola Carmella. Pati ang mga matatanda ay naging emotional dahil sa dulot na saya ng magkakaibigan.
“Mga apo ipangako niyong babalik ulit kayo dito para bisitahin kami ng Lola Carmella ninyo.”...si Lolo Mariano.
“Huwag kang mag-alala lo pupuslit ako palagi para dalawa kayo at Makita si Lessery.”...si Axel
“Pakkkkk!!!” “Arayyy!”
“Pre, Kung makabato ka nang tsinelas akala mo walang tae ng kalabaw.”...reklamo ni Axel dahil binato lang naman siya ng tsinelas ni shokoy.
“Nakahanap din ng katapat at mukhang tinakasan ng bayag.”...dagdag pa ni Axel na ikinatawa nilang lahat.
“Less, naka 50 million likes and positive comments na ang video mo kahapon. Pipili tayo ng magaling na producer, malapit ka ng maging artista at si pareng Zhykher ang magiging julalay mo.”...nakangiting sabi ni Justine.
“Na upload mo ang kinanta ni Lessery kahapon?”... tanong ni Ryan
“Naka-live kaya ako kahapon. How about kaya kung ako nalang ang magiging producer ni Lessery. I can invest for her career because she have a potential in music”....proud na sagot ni Justine.
“Lumayas na nga kayo, nilalason nyo utak ng tao eh.”....pagtataboy ni shokoy sa mga kaibigan, ang sama talaga ng ugali.
“Baby Less, see you again soon and we will be miss you.”...natawa ako dahil kumindat pa si Froilan.
“Less, mag-iingat ka diyan dahil hindi yan makakapagtiwalaan.”....turo ni Gian kay shokoy.”
“F*ck you moron!”.....nagsi-sakayan na sila sa helicopter. Ang kuya ni Afsheen ang nagmaneho sa helicopter ni Afsheen.
At ang magkakaibigan ay hati sa dalawang helicopter. Ang saya nilang tingnan, parang mga walang iniindang problema sa buhay.
Pumasok na rin ako sa loob ng bahay ni Lolo Mariano kaysa mag-emote ako dahil sapag-alis ng mga kapatid ko maigi pa kung tatapusin ko nalang ang mga gawain ko. Hinugasan ko muna ang mga pinagkakainan at nagwalis nagwalis sa bawat kwarto kung saan sila nanatili. Pinalitan ko na rin ang mga bedsheets at cover ng unan. Nilinis ang mga bathroom at inilabas ang mga basura.
Sa may lamp shade may nakita akong sobre at sulat na ang nakalagay:
“To our precious new found friend Lessery.”
Alam namin na ikaw ang maglilinis sa mga kalat namin pagkaalis namin sa room na ito. Pagpasyensyahan mo na kung sobrang makalat kami. Bilang pasasalamat sa kabaitan at kabutihan mo. Ito ay isang maliit na halaga bilang regalo namin sa'yo. Huwag mong tanggihan dahil maliit na halaga lang yan. Maraming salamat sa mini concert mo napasaya mo kaming lahat. Huwag kang malungkot, dahil balang araw magkikita ulit tayong muli. Mag-iingat ka palagi kasama si baby Zaile mo.
Sincerely yours,
The Engineers Squad:
Gian, Justine, Jeremy,
Froilan, Ryan, Afzal, Axel,
Maliit na halaga ba ang 50K? Di KO namalayan na umiiyak na pala ako, dahil na touch ako sa minsahe nila. Grabeh ang mga iyon aalis nga lang pinapaiyak pa ako. Nagpupunas ako ng luha habang lumabas ng guest room dala ang mga labahin.
“Oh anong nangyari sa'yo bata ka at bakit umiiyak ka? Nadulas ka ba sa banyo o may masakit ba sa'yo?”....tarantang tanong ni nanay Nida.
Eh kasi nay, ang mga baliw pinapaiyak ako. Tingnan mo ito may sulat pa sila at may 50k na ibinigay para daw sa'kin.
“Naku bata ka akala ko napaano kana. Deserve mo yan hija kaya itabi mo na. Makakatulong yan sa tatay mo at sa anak mo.”
Pero nay ang laki naman po kasi ng binigay nila sobra-sobra na po yon. Wala naman akong sobrang ginawa na ikinapagod ko para bigyan nila ako ng ganoon kalaking halaga. Nay, sa'yo nalang ang kalahati, 25k sa'kin at ang 25k sa'yo na.
“Ikaw talaga Lessery para kang baliw. Yong ibang tao kapag may natanggap tinago at hindi pinapaalam sa iba. Pero ikaw pinagkalat mo na, ibibigay mo pa ang kalahati. Huwag kang mag-alala dahil binigyan din nila ako ng 20k.”
Bakit sa'yo konti lang po, napaka unfair naman po nun.
“Aanhin ko ang malaking halaga eh wala naman akong anak at asawa na paglalaanan. Ikaw may sakit ang tatay mo at may maliit na anak kapa kaya mas higpit mong kailangan yan. Natutuwa ako sa kabutihan ng puso mo anak. Sana makahanap ka ng taong tunay na magmamahal sa'yo balang araw.
Nay, pwedi pakitago po muna ito kasi maglalaba pa ako. Kukunin ko nalang po sa'yo pagka-uwi ko sa amin.
“O sige akin na yan.”
Sinimulan ko ng maglaba yong iba kinusot ko nalang para mas mapadali. Hindi ko pa nilinisan ang kwarto ni shokoy dahil nandun pa yata siya.
Kapag umalis na siya saka nalang ako maglilinis ng silid niya.
You're the light, you're the night
You're the colour of my blood
You're the cure, you're the pain
You're the only thing I wanna touch
Never knew that it could mean so much, so much
You're the fear, I don't care
'Cause I've never been so high
Follow me through the dark
Let me take you past our satellites
You can see the world you brought to life, to life
So love me like you do, la-la-love me like you do
Love me like you do, la-la-love me like you do
Touch me like you do, ta-ta-touch me like you do
What are you waiting for?
Hindi naman siguro ako maririnig ni shokoy sa taas kasi ang kwarto niya nasa harapang bahagi ng bahay. Feel kong kumanta eh para madaling matapos ang mga nilabhan ko....baliw kong kausap sa aking sarili.
Fading in, fading out
On the edge of paradise
Every inch of your skin is a Holy Grail I've got to find
Only you can set my heart on fire, on fire
Yeah, I'll let you set the pace
'Cause I'm not thinking straight
My head's spinning around, I can't see clear no more
What are you waiting for?
Love me like you do, la-la-love me like you do (like you do)
Love me like you do, la-la-love me like you do
Touch me like you do, ta-ta-touch me like you do
What are you waiting for?
“Ay shokoy ka!” Napatalon ako sa gulat ng makitang nakaupo sa isang upuan si shokoy habang aliw na aliw ang mukha.
Kanina ka pa diyan?
“Oo kanina pa!”...tipid na sagot niya
“Rinig na rinig ka ni shokoy hindi mula sa taas pero mula dito sa likuran mo.”
Anak ti baybay, nalawag a nangngegna dayta.
“Nalawag pay laeng manipud iti danum ti gurong Lessy.”
Mahabaging San Martin!....anas ng isip ko.
Sorry po senyorito kung naiingayan kayo. Nagapapawala lang po ako ng pagod habang naglalaba.....malumanay kong sabi.
“Hindi naman ang kaingayan ng kanta mo ang pinoproblema ko eh. Iyang kaka-shokoy at kaka-senyorito mo ako naiinis. Tapos sinabi mo pang anak ako ng dagat dahil malinaw kong narinig.
“Po??? Sinabi ko ba yon?”
Hahaha kung shokoy ka nga syempre anak po kayo ng dagat....hindi ko mapigilang huwag matawa sa sinabi niya.
“Talaga kadi a maawatanyo ti Ilocano?"...tanong ko sa kanya.
Nalawlawag ngem ti danum ti karayan. Saanmo nga umdas ti ammom.
Mangan iti adu a tukak hahaha.
“Pakakainin ng palaka pala huh. Sumosobra kana sa kakapintas sa'kin bawiin mo yung mga sinabi mo.”
Ano ba senyorito nababasa na ako eh, marami pa akong gagawing trabaho na hindi pa tapos.....nakikipag-agawan na ako sa hose ng tubig.
“Stop calling me shokoy o senyorito.”
“Diak kayat!"
“Agbalin a natangken, bwesit ka."
“Ayaw mo pala huh!”
Ikaw ang tatapos ng mga labahin ko. Wala ka talagang ibang magawa kundi ang pestihin ako nakakainis naman eh. Bakit mo ako binasa, wala pa naman akong dalang extra na damit.
Pauuwiin mo ako sa bahay namin na basa ang suot?...himutok ko.
“Yung damit ko ang isuot mo.”
Aba Apaka malas ko kung susuotin ko ang damit mo, nauyong ka. Mas gugutohin ko pang magbilad nalang sa araw para matuyo ang damit ko kaysa magsuot ng damit na hindi akin....himutok ko.
Pinagpatuloy ko nalang ang aking paglalaba. Naiinis na talaga ako sa kanya, ang ganda na sana ng mood ko habang naglalaba ako. Nang matapos kong labhan lahat, isinampay ko na ito.
Pagkatapos ay nagwawalis ako ng tuyong damo malapit sa pool. Sinadya ko yon para matuyo ang damit ko. Hindi ko na tiningnan kung saan siya pumunta. Napaka salbahe niya, KSP rin eh utak dilis.
“Lessy, maligo kana baka lamigin ka. Ito muna isuot mo, don't worry hindi ko pa naisusuot yan. ”
Tiningnan ko siya ng masama, pati ang damit niya kinuha ko ito at nakita kong bahagya siyang ngumiti. Isang t-shirt,boxer short at jogging pants. Agad ko itong tinapon sa swimming pool.
“What the f*ck are you doing Lessery.”
Kibit balikat lang ang sagot ko. At ipinagpatuloy ang pagwawalis ko sa bakuran. Pawis na pawis na ako pero okay lang dahil natuyo naman ang damit ko. Sabi nga nila mindset ba mindset hehe.
Nakita kong lumabas siya ng gate kaya mabilis akong pumanhik sa itaas para linisan ang kwarto niya. Inayos ko ang kobre kama at nilinis ang bathroom niya. Sinalansan ko rin sa closet ang mga damit na na-iron ko na. Nang masigurong tapos na ang lahat ay agad akong bumaba dala ang mga marurumi niyang damit.
Konti lang naman ang mga marurumi niyang kasuotan kaya kinusot ko nalang ito. Hindi na ako kakanta baka dumating na naman ang buwesit.
“Bakit hindi kana kumakanta? Nag-e-emote kana ba sa pagkusot ng brief ko my Lessy?”
Ay tukak na shokoy ka, naibato ko tuloy sa mukha niya ang brief na kinusot ko.
“What a f*ck Lessy?”
Huwag mo akong murahin,
Mahal ako.......