Nabitawan ko ang aking hawak na cellphone. At namalayan ko nalang na nag-uunahan sa pagtulo ang aking mga luha. Minahal ko na nga ba talaga siya ng husto? Ito na ba ang tinatawag nilang pag-ibig. Dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa ngayon ng masaksihan ko ang sweetness nila ng babae niya. Bakit ba naman kasi ako umaasa sa babaerong tao na yun. Sakit na niya ang pagiging babaero kaya kahit anong pagbabago ang gagawin niya hindi parin niya kayang panindigan. Nagulat ako ng bigla na namang umingay ang cellphone. Video call parin ito, nanginginig ang mga kamay ko. Agad kong dini- decline ang kanyang tawag at sinwitch-off ito. Patuloy paring nag-uunahan sa pag-agos ang aking mga luha. Sobrang sakit ng nararamdaman ko, mas nasasaktan ako para sa mga anak ko more on for myself. Takti an

