Sa ilang araw na pananatili ng mga bisita pinasyalan nila ang mga popular tourist spot ng UK. Naging masaya di ang bakasyon ng Lolo at Lola ni Zhykher. Sabi nga nila ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakarating sila sa ibang bansa. Kaya ipinapangako ni Zhykher sa kanila na madalas na silang magbabakasyon sa ibang bansa at siya ang magiging sponsor. Pero hindi naman nagpapatalo ang dalawang bilyonarya dahil kada taon may two months contract ang mga matanda na mamasyal sa Canada na labis namang ikinatuwa ng mga ito. Nag-o-offer din si Froilan na isasama sila sa USA pero tinutukso pa siya ng mga kaibigan na kapag makahanap na siya ng mapapangasawa saka sila dadaku sa America. Ang ina naman ni Zhykher ay halos ayaw ng umalis sa tabi ng quadro dahil natutuwa daw siya sa ka-kyutan ng mga ito

