Excited na ang lahat dahil sa makalawa na ang aming kasal. Hindi parin nakapag usap si mommy Malou at Papa Mhiel. Nirerespito nalang namin ang desisyon ni mommy. Nagulantang kami ng sumigaw si ate Reese dahil biglang nawalan ng malay si Papa Mhiel habang pinapakain niya. Kaya hindi nagsasayang si Afsheen ng oras para iluwas ito ng maynila. Dinala namin kaagad siya sa Della Torres Medical Hospital. Sinuri ng mga doctor at ginawan ng mga test. Dahil sa rush order ni Afsheen nakuha agad namin ang result. Ang findings ay nag-failed function na ang kanyang kidney. Kailangan na itong palitan o ipa-transplant sa sa lalong madaling panahon. Si Zandra at Zhianna ay nag-iiyak na, iniisip nilang ito na ang huling mga sandali ni Papa Mhiel. Si ate Reese ay nakatayo lang sa isang tabi at mukhang tin

