It's a prank na 'to? Grabeh kayo, baka maglupasay na ako sa tuwa tapos at the end sabay-sabay ninyong isisigaw it's a prank. May cameraman pa at organizer ano ba yan? Please naman, huwag naman na ganitong prank. “Ang OA mo Less, naghihintay na yung groom mo sa loob. Baka isipin na naman nun na itinakas ka namin.”....si Afsheen. Ipinasuot na nila sa akin ang pinakamagandang top ng gown. Bali ang suot ko kanina sa binyag ay ang pang ilalim. May make-up artist din na nagre-retouch ng make-up ko. Kaya pala pariho silang lahat ng gown na suot. Ang mga lukaret naisahan ako, buong team pa talaga ang naging kasabwat. Kaya pala kapag nagsasalita sila kapag may kamuntikan ng madulas tinatakpan kaagad. Isa-isa na silang naglalakad ang maid of honour ko daw ay ni-raffle nila para pair. Ang nabun

