Masayang nairaos at napagsaluhan ang kasiyahan ng aming pangalawang pag-iisang dibdib ng aking mahal na asawa. Nagsi-uwian na ang mga bisita mula sa limang araw nilang pagbabakasyon dito sa aming resort. Pauwi na rin kami bukas sa UK. Pero bago kami umuwi may isang lugar pa kaming nais puntahan o bisitahin. Ang lugar kung saan ngayon ay himlayan na ng aming pinakamamahal na kapatid. Nais namin siyang bisitahin at alayan ng dasal at pasasalamat. Kasama ang aking mga grandparents, tita Lily, Tito Steve, George at Steven. Ang pamilya ng aking asawa pero hindi ang buong angkan. Nauna ng umuwi sina daddy Yuan, mommy Malou, Zhin at Zhia at ate Reese dahil may pasok pa sila sa trabaho at eskwela. Isang malaking pabor na rin sa amin na naka attend sila sa aming kasal at nakapag celebrate ng vale

