Chapter 6: Unveiling Intentions

1339 Words
Roel's POV Biyernes na naman. Pero parang hindi ito ordinaryong Biyernes. Mula pa kaninang umaga, may kakaibang sigla akong nararamdaman—parang may isang bagay na inaabangan. At habang naglalakad ako papunta sa school, narealize ko kung ano ‘yon. Si Diana. Halos isang linggo pa lang kaming magkaklase, pero parang lagi na siyang laman ng isip ko. May kung anong espesyal sa kanya na hindi ko maipaliwanag. Hindi naman siya katulad ng mga babaeng kilala ko. Tahimik siya, pero may pagka-sassy rin kapag kinikilit ko. Gustong-gusto ko siyang asarin, lalo na kapag nahuhuli kong nakatingin siya sa akin at bigla siyang iwas ng tingin, namumula pa ang pisngi. Kaninang umaga, nakita ko siya sa jeep habang nakabaon ang ilong sa libro. Harry Potter pa yata ang binabasa niya. Hindi ko maiwasang mapangiti, kasi mukhang sobrang invested siya sa binabasa niya na halos hindi na niya napapansin ang paligid. Kaya nung muntik na siyang mabunggo sa pader, mabilis ko siyang hinila. Hindi ko mapigilang mang-asar. "Dapat pala hindi ko pinahiram sa’yo yang libro," sabi ko habang tinatapik ang balikat niya. "Muntik ka na mabunggo dahil d’yan. Buti na lang nakita kita, kundi bubukol yang noo mo at bigla kang magkakaroon ng third eye!" Tumingin siya sa akin, medyo asar na. "Kasalanan ko ba na maganda yung part na binabasa ko?" Sinubukan kong hindi matawa, pero ang hirap pigilan. "Baka hindi ka rin nagbayad sa jeep na sinakyan mo, sa sobrang pagka-focus mo sa libro." "Hoy! Nagbayad ako, okay? Wag kang ano d’yan!" sabay mabilis na lakad palayo sa akin. Tinitigan ko lang siya habang nagmamadali siyang lumayo. Hindi ko mapigilang humanga sa kanya. May mga pagkakataon kasi na para siyang fortress—hindi basta-basta mapapasok. Pero kapag nakikita ko siyang nagre-react ng ganito, parang bumubukas ang pinto at unti-unti ko siyang nakikilala. Pagdating sa classroom, pinapanood ko siya mula sa likuran ng aking libro. Abala siya sa pagbabasa, seryosong-seryoso. Pero napansin kong paminsan-minsan, tumitingin siya sa akin. At kapag nagkakahulihan ng tingin, agad niyang iniiwas ang mga mata niya. Napapangiti na lang ako. Pagdating ni Ma’am Santos, nagsimula na ang diskusyon tungkol sa upcoming foundation day ng school. Tumayo kami ni Diana sa harap para ipresenta ang mga plano para sa booth ng klase. Kitang-kita ko ang kaba sa mukha niya, pero humanga ako kung paano niya ito tinakpan habang nagsasalita. "Good morning, classmates," panimula ko, sinusubukan na maging casual. "Napag-usapan namin kahapon na ang booth na gagawin natin ay tindahan ng mga something sweet, para may income tayo. Ang income na malilikom natin ay magagamit natin sa mga next activity and other expenses here inside our classroom." Tumingin ako kay Diana, binigyan ko siya ng maliit na tango para ipaalam na siya na ang magsasalita. Huminga siya nang malalim bago nagsalita, steady ang boses niya. “Hello, classmates. Napagdesisyunan din namin kahapon sa meeting na ang mga sweets na ibebenta natin ay ibibigay ng bawat isa sa atin.” Habang nagsasalita siya, pinanood ko siya nang mabuti. Parang may kung anong pader sa pagitan namin, pero paminsan-minsan, lumalabas ang totoong Diana—yung hindi takot magpakita ng emosyon, ng excitement, ng pagiging natural. Habang nangongolekta na ng pera ang treasurer, naupo si Diana sa tabi ko, halatang pinipilit na huwag pansinin ang presence ko. “Good job,” bulong ko sa kanya, hindi mapigilang asarin pa siya ng kaunti. Tiningnan niya ako nang masama at pinamulutan ako ng mata, na nagpatawa sa akin. Hindi ko napigilan na itapik ang kilay niya ng marahan. “Wag mo kong iniirapan, makakatikim ka sa akin.” Her reaction was priceless—she swatted my hand away and gave me a look that was a mix of confusion and exasperation. Hindi ko napigilang matawa, kahit na kitang-kita ko na pilit niyang pinipigil ang epekto ko sa kanya. Halata na determined siyang iwasan ako, pero kasi sarap nya asarin kasi gusto ko yong mga reactions nya sa tuwing iniinis ko siya palagi. Pagkatapos ng presentation ni Anna Marie ng booth design, nagbigay ng instructions si Ma’am Santos. “Congratulations, officers. Hindi tayo nagkamali ng mga piniling officers, diba class?” “Yes, ma’am,” sagot ng buong klase. Lumapit si Ma’am Santos sa amin, tumingin kay Diana at sa akin. “Class officers, kayo ang mamimili bukas ng mga kailangan para sa booth natin. And on Sunday, lahat pupunta dito sa school dahil gagawin ang booth.” Pagkatapos ng discussion, nagbalik kami sa mga upuan namin. Hindi ko maiwasang mapansin yung relief sa mukha ni Diana nung malaman niyang sabay kami mamimili ng mga supplies. Napangiti ako, iniisip na baka pagkakataon ko na ‘to na mas makilala siya. Hindi pa ako kuntento sa pang-aasar ko kay Diana kaya nag chat ako sa kanya sinabi kong "see you tomorrow with smiling emoji... Tumingin ako kay Diana, na busy na nagche-check ng phone niya. Nang mabasa niya ang message ko, kitang-kita ang gulat sa mukha niya. Tumingin siya sa akin, at nag-widen ang eyes niya nang ma-realize niyang magkikita kami bukas. Hindi ko napigilan ang sarili, kumindat ako sa kanya at nakita kong namula ang pisngi niya. Agad siyang umiwas ng tingin, pero kitang-kita ko na flustered siya. Interesting talaga ang weekend na ‘to. habang tumatagal gusto kong makilala si Diana kasi pag pasok ko dito sa classroom eh siya agad ang naaninag ng aking mata na parang nag sasabi na kilalanin ko siya at maging kaibigan. umalis na si Ma'am Santos, hinihintay namin ngayon ang next subject namin tumitingin ako kay Diana at nakikita kong nagbabasa nanaman sya ng libro. Napa isip tuloy ako na same kami ng favorite na basahin. Natapos ang next subject namin at recess time na, naisip kong pumunta ng canteen kasi niyayaya ako ni James siya ang una kong na close at naging komportable kami sa isat Isa or matatawag na itong friendship basta yon na yon., sabay na daw kami sa canteen hinihintay nya ako dahil inaayos kopa ang aking mga gamit dahil ayaw kong iwan ang mga gamit kong nakakalat sa aking lamesa at sa aking kina uupuan hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Diana. nakita kong nagbabasa parin sya na naglalakad palabas ng classroom kasama ni Anna Marie, hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil ang cute nyang tignan. nagulat ako ng nagsalita si James "ano punta na tayo ng canteen nagugutom na ako" sabi niya sa akin kaya tumango ako at kami ay naglakad patungong canteen. hinahanap ng aking mata si Diana ewan bakit ko sya hinahanap, at may nakita ako sa bantang bintana ang grupo ni Diana siguro yon ang mga friends nya. habang kami ay kumakain hindi ko maiwasang tumingin sa kanila at nag salita si James na napansin niya na ako ay naka titig sa circle of friends ni Diana. "yan ang mga friends ni Diana" may kilala kaba sa kanila bukod kay Diana at Anna Marie na classmate natin?" aahh ako wala napatingin lang ako sa kanila . "may crush kaba sa isa sa kanila?" Tanong uli ni James, nagulat ako sa tanong niya, Ako?! Hindi ah Wala sabi ko sa kanya, pero sa isip may crush nga ba ko? nagpatuloy na lang kami sa pagkain, ngunit hindi parin maalis ang tingin ko sa kanila Lalo na Kay Diana dahil naka ngiti siya minsan naman tumatawa ang saya niyang pagmasdan. tapos na ang recess at nandito na uli kami sa classroom habang nag hihintay tinitignan ko si Diana na nagbabasa uli ng libro. Bigla ko tuloy na isip ang bukas dahil magkikita kami at magkasamang mamimili ng mga kakailangin namin para sa booth namin. nakaka excite naman. napapa ngiti na lang ako habang iniisip iyon ng mag salita si James "hoy Roel ok ka lang? bakit ka ngiti? may gusto ka kay Diana no?!" Ha! hindi ah wala akong gusto sa kanya at hindi ako naka tingin sa kanya hindi rin sya ang dahilan kung bakit ako naka ngiti. tumango na lamang sya na parang sumasang ayon sa mga sinabi ko. sana maging maganda ang mangyayari bukas excited na ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD