Diana's POV Pagmulat ko ng mga mata kinabukasan, ramdam ko pa rin ang bigat ng mga nangyari kagabi. Kahit natulog ako, parang hindi nakapagpahinga ang utak ko. Naglalaro pa rin sa isip ko ang mga tingin ni Roel, yung pag-uusap nila ni Cloudine, at ang tension na naramdaman ko nung nag-alok siyang ihatid ako. Gusto ko na sanang isantabi lahat ng ‘yon, pero habang bumabangon ako mula sa kama, parang mas lalo pang lumalalim ang sugat na iniwan ng mga nangyari. “Diana, bilisan mo’t baka ma-late ka!” sigaw ni Mama mula sa kusina. Ramdam ko ang pagmamadali niya habang naghahanda ng agahan. “Opo, Ma!” sagot ko, pilit na tinatanggal sa isip ko ang iniwang bigat ng mga alaala ng gabi. Kailangan kong mag-focus. Nagmadali akong bumangon at nagbihis ng school uniform. Sinubukan kong ngumiti sa sa

