Nakahinga ako nang maluwag habang naglalakad papasok ng campus. Parang ang tagal na simula nang huli akong tumapak dito, at ang dami nang nagbago. Pero kahit marami ang nag-iba, nananatili pa rin ang mga alaala—mga alaala na tila ba kahapon lang nangyari. Narito kami para sa reunion. Sa isang iglap, nagbalik sa akin ang lahat ng masasayang alaala kasama ang barkada. Ang daming tao sa paligid, mga kaklase at guro na naging bahagi ng kabataan ko. May ilang pamilyar na mukha, mga dating kaibigan na ngayo'y may sari-sariling buhay na. Pero ang pinakahihintay kong makita ay ang mga barkada ko—sina Anna Marie, Venna, Maricel, Rosebell, Kevin, Richard, at Daniel. Ang mga taong naging saksi sa mga tawa, iyak, at lahat ng karanasang pinagdaanan ko noong high school. Nang makarating ako sa gym, na

