"Ate Lucy na saan ang pamilya mo?" tanong ni Helyvin sa akin, habang nakain kami. "Ahmm... nasa bahay namin..." "Ate naman!" angal nito sa akin. Kaya natawa ako, 'yung itsura n'ya kase e--h parang nalugi. "Nasa malayo!" sagot ko. Hindi ko puwede sabihin sa kaniya, isa 'yon sa bilin ni Klayt. "Ah gano'n ba. Wala na ba sila, i mean patay na sila?" tanong ulit nito sa akin. "Nasa ibang bansa lang sila!" pag sisinungalin ko. A---rrg nagiging sinungalin pa ako dahil sa kaniya. "Alam po ba nila na nandito ka sa amin?" tanong pa nito. Grabe naman mga tanungan interview na ata 'to. "Oo!" kasinungalingan na sagot ko. Saka kumain na ulit hindi na ako makakain ng ayos dahil sa mga tanungan n'ya. "Mahal mo ba ang Kuya Klayt ko?" tanong pa nito na nakapag pasamid sa akin. Juskong bata 'to ang

