Nagising naman ako na ang sakit ng mga mata. Umiyak nga pala ako kagabi nasungitan ko pa ang nagbabantay sa akin. Kasi naman gusto ko lang naman ibalik sila, pero siguro kailangan ko nang tanggapin na kapag may dumating na magpapasaya sa'yo. Iiwanan ka rin agad, kung baga dumating lang sila panandalian sa buhay ko. "Ms. Lucy, bumaba ka na at kakain na!" saad ng tagabantay ko, sa totoo lang ayoko makita ang lalaking 'yon. "Mamaya na ako kakain!" malamig na ani ko. Wala akong gana kumain. "Sa ayaw at sa gusto niyo raw ay bumaba na kayo. Baka magalit ang Master Klayt!" bahala siya, e--de magalit s'ya hangga't gusto ni'ya lagi naman s'yang galit. "Ayoko! Mamaya na ako kakain! Sabihin mo sa buwisit mong boss!" ani ko pa. Bumalik naman ako sa pagkakahiga nang biglang bumukas ang pinto. Pu

