Mayroong mga lamparang inihanay palibot sa picnic blanket. Sa gilid niyon nakatayo ang binata na may hawak na isang pumpon ng pulang rosas. Unti-unti siyang naglakad papalapit dito. Nakangiti naman si Achilles habang nakatitig sa kanyang mga mata. Oh my God! Is this his surprise? She never expected that Achilles also has sweet bones inside his body. Mukhang lunod na lunod na yata siya sa nararamdaman niya dito at dina makakaahon pa. "Flowers for my very gorgeous woman," anito at inabot sa kanya ang mga pulang rosas. "D—did you prepare all of this?" tanong niya sa paos na boses at inilibot ang kanyang paningin sa paligid. Nakita niya ang isang basket na marahil ay naglalaman ng kanilang pagkain. A simple picnic yet it felt so romantic. Napakamot sa pisngi ang binata na parang batang na

