Naglakad si Katerina palabas ng bahay dahil kikitain niya ngayon si Wilma para sa taong pinaimbestigahan niya na walang iba kundi ang kanyang sariling fiance na si Damon Castellanos. Pagkalabas niya ay naghihintay na si Silvestre sa tapat ng sasakyang gagamitin niya. Ipagdadrive siya ng binata dahil may trauma pa rin siya hanggang ngayon sa nangyari noong nakaraan. Papasok na sana siya sa loob ng sasakyan nang mapansing may mga pasa at putok sa labi ang kanilang bodyguard kaya hinarap niya ito at sinipat ng tingin. "Anong nangyari sa mukha mo Silvestre?" Nagtataka niyang tanong. Nahihiya naman itong tumingin sa kanya "...napaaway lang po Señorita." "Napaway? Saan naman? Tsaka ang dami nyan ah? Sino bang bumugbog sayo?" Sunod sunod niyang tanong. Nasanay kasi siyang laging malinis ang

