Chapter 6

3080 Words
Chapter 6 Shaira Pov. Masarap sa pandama ang malambot na kama, Malamig na palagid. Nakakaginhawang matulog maghapon, Ngayon ko lang yata ito naramdaman. At sa dulot ng ginhawang ito ay nais ko na lamang humilata maghapon. Lahat yata ng pagod na dinanas ko ay biglaang nawala, Napakasarap. Nakangiti ako sa isiping iyon, Mahigpit ang yakap sa unan habang nakapikit. Ngunit nabura ang ngiti 'kong iyon ng may maramdamang mainit na humahaplos sa aking pisngi. Daglian akong nagmulat at halos mapasigaw ako ng makita ang hubad na katawan ng isang lalake, "Ahhhhhhhh! Baki---" sa isang iglap ay naputol ang pagtili ko, Hawak niya ang aking bibig upang matigil sa pagsigaw. Leche. Akala ko pa naman nakauwi na ako! Ang maginhawang naramdaman ko kanina ay napalitan ng matinding kaba, Idagdag mo pa ang magandang lalakeng ito na nakatapis lamang! Ang lakas talaga ng loob niyang ibalandra ang katawan niya mismo sa pagmumukha ko! Bwist! "Bitawan mo ako!" tinapik ko ang kamay niya na siyang kinasama niya ng tingin, Napapaiwas ako sa kanyang katawan. Makasalanang katawan. "Tsk.." Iyon lang ang isinambit niya matapos maglakad sa nag-iisang cabinet malapit sa isang pinto, nasisiguro 'kong banyo iyon. Pero sandale! Nasa bahay niya ako kung ganon? Siya nga ang nakabili sa' kin at hindi iyong lalakeng may singkit na mata. Shhet! Bakit naman siya nagpagastos ng malaking halaga. Ang bata niya pa para humawak ng ganoong pera. Lumingon siya sa' kin, May hawak na itong damit habang nakapamewang. Aba't feeling model lang? Parang wala lang sa kanya ang ginawa niya kagabi ha! Hinalikan niya na naman ako! "Magbihis ka na.." ani niya, yumuko ako sa aking katawan. Iyong suot ko pa kagabi ang gamit ko. Paano ako magpapalit kung wala akong damit. S*raulo siya! "Nais ko ng umalis.." anas ko, nag-angat ako ng tingin. Ang kaninang masamang titig nito ay nadoblehan pa ng todo. Huwag niyang sabihing mananatili pa ako rito! Bwst siya, "Walang aalis.." "Ano!" sigaw ko, hindi mawala ang nagsasalubong niyang kilay na halos magkapalan sa kanyang noo. "Walang aalis.." Inulit niya lamang ang sinabi bago maglakad palabas ng kwarto, napapamaang akong naiiling. Anong gagawin ko rito kung hindi pa ako aalis? Pesteng gwapong iyon! Padabog akong tumayo sa kama, Paano ko makukuha ang perang ipapadala ko ka'y mama. Wala akong numero niya at saka ayaw akong paalisin ng lalakeng 'to! Anong gusto niya. Mabubulok ako dito! Mabigat ang yapak 'kong lumabas ng kwarto, Paglabas ko ay bumungad sakin ang magulong paligid. Napangiwi ako, Anong klasing tao siya. Hindi man lang marunong magligpit ng bahay. Pero bahay nga ba ito, Parang pang-isahan lang yata ang maaaring tumira dito. Nagtungo ako sa kurtinang nakahawi sa gilid at mabilis na binuksan iyon, Halos mapakapit ako sa pader ng makita kung gaano kataas ang kinatatayuan ko. Anak ng, Nasaan ako! "What are you doing?" Masungit itong nagtanong ng makita ako sa gilid, sinamaan ko siya ng tingin. "Nasaan ako?" "Anong nasaan ka?" Leche! "Anong lugar ba 'to?" singhal ko, nangunot ang noo niya. "Narito ka sa condo ko, Huwag 'mong sabihing hindi ka pamilyar sa lugar na 'to?" Condo? Ano iyon, Wala naman sa probinsyang condo. Condominium? Iyon ba 'yon? "Nasa akin na ang pera mo.." anas niya bigla, nag-angat ako ng tingin. "Anong gagawin mo doon?" "Kailangan mo pa 'bang malaman kung anong gagawin ko?" "Natural.." sagot niya, lumapit ito sa' kin. Ang kaninang masungit niyang mukha ay napalitan ng isang ngisi. "Ako ang dahilan kung bakit magkakapera ka, Pero hindi ibig sabihin na maaari ka ng umalis.." halos idikit ko ang katawan ng makalapit siya ng todo, Ang isang kamay nito ay nasa pagitan ko. "A-ano pa 'bang kailangan mo?" halos hindi ko maibigkas iyon ng maayos dahil sa lapit niya, hiyang hiya ako sa matapang niyang pabango. Samantalang ako amoy kama pa! Bwist! "Ang kailangan ko'y hindi mo ibinigay kagabi.." humiwalay ito ng tuluyan, inayos niya ang suot na polo bago hagurin ang kabuuan ko. "Maghanap ka ng maisusuot doon, Baba lang ako saglit.." "Sandale.." hinawakan ko ito sa kamay ng tumalikod siya, Napatingin ito doon kaya halos mahiya ako sa aking ginawa. "What?!" "H-hihiram sana ako ng telepono.." "Why?" Anak ng tokwa! Kailangan ba dapat english pag nagtatanong. "T-tatawagan ko lang si natasha.." "For what? Are you planning to skip?" "H-hindi ah!.." nag-iwas ako ng tingin. Bwist na inglesero! "Tatawagan ko lang siya para makuha ang numero ni mama.." huminahon ang kanyang mukha ng sabihin ko ang dahilan, "Hindi ako tatakas, Gagawin ko kung ano 'mang nanaisin mo.." tumango ito bago dumukot sa kanyang bulsa. Inilahad nito ang kanyang cellphone, Halos kahawig lang nito ang telepono ni natasha. "Pupunta lang ako sa baba, Babalikan kita.." Muli ay tumalikod siya habang ako ay hawak na ang telepono nito, Hindi ko alam kung anong mangyayari sa' kin dito. Nangangamba man ay pinilit 'kong itipa ang numero ni natasha, Nang sandaling mag-ring iyon ay humarap ako sa malaking bintana. Nakakamangha rito, Ngunit hindi ko magawang i-focus ang sarili sa nakikita. Natatakot ako, Hindi ko pa lubusang kilala ang lalakeng iyon. "Hello, Sino ito?" "Natasha!" halos maisigaw ko iyon ng sumagot siya, "Ako ito, Si shaira.." "Oh my god, Where are you?" "Hindi ko alam.." sagot ko, nilibot ko ang paningin sa bintana. Halos mga naglalakihang gusali lamang ang nakikita ko. "Nasa mataas akong lugar.." "Anong mataas?" "Mahirap ipaliwanag..” naupo ako sa mahabang sofa, At halos mapasapo ako sa noo ng maalala ang nangyari dito kagabi. Muntik na ako! "Hindi kita maintindihan.." sagot nito, "Iyong lalakeng matangkad ang nakabili sa'yo diba, Saan ka niya dinala?" "Si jacob ang nakabili sa' kin.." turan ko at halos mailayo ko ang cellphone sa malakas niyang sigaw. "Waahhhhh! Really?." "Oo, At ang sabi niya ay nasa condo daw ako.." muli ay tumili siya, Ano ba naman ang babaeng ito. "Mygod! HAHA, Im happy!" "Anong nakakatuwa doon? Muntik na akong lapastangin kagabi.." sa pangatlong pagkakataon ay tumawa siya ng malakas, Napapamura ako sa isip. "Ano ka ba shaira! Iyan naman talaga ang dahilan kung bakit nagpabayad ka hindi ba?" Napapikit ako. "Alam ko.." "Oh anong ini-rereklamo mo? Ayaw mo! Si Jacob iyan, Huwag ng choosy!" "Tsk.." Tumayo ako sa pagkakaupo. "Kukunin ko ang numero ni mama, Iyon ang itinawag ko.." diretsong anas ko, Narinig ko ang pag-asik niya sa kabilang linya. "Isesend ko na lang, Basta tawagan mo ako kung may problema.." "Sige, Salamat.." ako na mismo ang nagbaba ng tawag, Napapa-buntong hininga ako habang naghihintay ng mensahe kay natasha. Kailangan ko ng matawagan si mama. Sigurado ngayong araw na ito ang operasyon. Nang sandaling tumunog ang cellphone ay tiningnan ko iyon, May un-register number na nag message kaya binuksan ko. Nabasa ko roon ang numero ni mama at mensahe muli ni natasha na mag-iingat ako, napangiti ako bago tawagan ang numerong ibinigay niya. Kagaya kay natasha ay halos ilang ring lamang ang narinig ko bago may sumagot. "Hello, ma.." bungad ko "Shaira?" "Opo, kumusta na ang lagay diyan?" "Medyo kumplikado pa, Naka-schedule na si mayumi mamaya para sa operasyon.." matinding kaba ang naramdaman ko ng sandaling maalala ang kapatid ko, Sana ay maging matagumpay ang operasyon niya. Nalulungkot ako sa katotohanang wala man lang ako sa tabi niya ngayon. Gusto 'kong magalit ngunit hindi ko alam kung kanino at paano ko ilalabas ito. Naiinis ako, "Shaira.." huminga ako ng malalim bago muling sumagot kay mama, Ayokong iparamdam sa kanya na namomroblema ako ngayon dito. Masyado na siyang maraming iniisip. "May pera na po ako.." paunang sagot ko, Narinig ko ang pag-iyak niya sa kabilang linya at halos ika-durog iyon ng puso ko. "Sundin niyo po ang nais ng doktor, Ako na po ang bahala.." "S-salamat anak.." "Ika-musta niyo ako kay mayumi ma, Pakisabi na naghihintay ako sa kanyang pag-galing.." kinagat ko ang pang-ibabang labi upang pigilan ang maiyak, Hindi ako pweding umiyak. Bawal ang maging mahina sa sitwasyon ko ngayon, Wala akong makakapitan kundi ang sarili ko lamang. Huminga ako ng malalim. "Miss na miss ko na po kayo ma.." "Ako rin anak, Kung pwedi lang sana ay huwag ka ng manatili diyan.." "Opo, Sa oras na makapag-ipon po ako ay uuwi ako agad.." "Mas mabuting pumarito ka na lang muli, Naiisip pa kita riyan kung anong lagay mo. Mas kampante ako kung nalalapit ka lang sa' min.." Napapabuntong hininga ako, paano ako makakaalis agad dito kung binayaran ako ng lalakeng iyon. Hindi naman pweding takasan ko siya, Nasa kanya pa ang pera ko. "Magkakasama rin tayo ma, At saka huwag kayong mag-alala sa kalagayan ko. Nasa maayos akong lugar.." Gusto 'kong kaltukan ang sariling ulo dahil sa kasinungalingan ko, Ang maayos na lugar ay kabaligtaran sa reyalidad. Nagkanda leche leche na! "Mabuti naman kung ganon, Napaka-bait ng mga taong nakilala mo at nakahiram ka ng pera.." Napapapikit ako, Sana ay mapatawad ako ni mama sa oras na malaman niya ang totoo. Ayoko munang sabihin ang katotohanan sa ngayon, "Mababait po talaga sila ma.." labas sa butas ng ilong ang sagot ko, Kotang kota na ako ka'y s*ntanas sa kasinungalingan ko. Sorry lord. "Salamat naman.." "Opo, Sige ma. Siguro tatawag akong muli pag naipadala ko na ang pera sa address natin.." "Sige anak, Salamat. Mag-iingat ka diyan.." "Opo.." Ibinaba ko ang tawag kasabay ng pag-upo ko sa sofa, Napapatitig ako sa screen. Si Jacob ang nasa bungad nito. Itsura pa lang napaka-suplado na, Ang sarap niyang ipakulam sa mambabarang. "Your talking with your mom.." "Ayy, S*ntanas!" halos maibato ko ang cellphone sa biglaang pagkagulat, Napapatingin ako sa likod habang hawak ang dibdib. "What the h*ll.." iyon ang ibinigkas niya. Bwist! Siya ang h*ll, Ginulat ba naman ako. Naglakad ito sa kaharap ko, pinulot niya ang cellphone na nahulog. Napapakamot ako sa ulo, Pasalamat na lang ako at hindi gaanong matigas ang sahig. "Sino ang may sakit?" tanong nito, inilapag niya ang cellphone na parang walang nangyari. "Iyong kapatid ko.." tumango ito. "Nagsisinungaling ka sa magulang mo.." "H-hindi sa ganon.." sagot ko, titig na titig ito sakin na parang binabasa ang bawat galaw ko. Nakakailang, Bakit ba nakasalamuha ko ang gwapong ito. "Kung ganon ano?" "Wala, Huwag ka ng magtanong.." "Tsk.." asik niya, napatingin ako sa kamay niya. May hawak itong paper bag. "Oh.." inabot niya iyon ng hindi nakatingin, "Ano 'yan?" "Just accept it.." yamot na singhal niya, pasiring 'kong kinuha iyon habang siya ay nagtungo sa isang pinto. Sinilip ko ang paper bag, At doon nakita ko ang isang damit. Hindi ko alam kung ano ito, Mukhang bistida pero may pants. "Para kanino ito?" tanong ko ng lumabas siya sa pinasukan niya, tinaasan ako nito ng kilay. "Kanino ko ba ibinigay?" "Sa' kin.." "Oh edi sayo.." "Tsk, Nagtatanong lang naman. Malay ko ba kung pinapalaba mo.." napapailing itong nagtungo sa sofa, salubong na salubong ang kilay. "Magbihis ka na at magluto.." napamaang akong tumingin dito, A-ano daw? Magluto? Aba't .. "Huwag mo akong tingnan ng ganyan.." masungit na aniya, "Nagugutom na ako.." "Bakit hindi ka magluto? Ako pa ang inuutusan mo?" Nilagpasan ko ito. "Did you forget the dealing?" nahinto ako sa paglalakad at muling lumingon dito, Tsk. May utang pa pala ako sa kanya. Bwist. "Magbibihis lang ako, kamahalan.." pasinghal 'kong ani bago mag-martsa papasok ng kwarto, Napapahilamos ako sa mukha dahil sa senioritong palakang iyon. Nakakataas siya ng bra! Matapos maisuot ang binili niya ay mabilis akong lumabas, Naabutan ko itong nasa sala habang nakabukas ang malaking Tv na naka-sabit sa pader. Napapa-iling ako, Donya pala ang lalakeng ito. Gagawin pa akong mucha-cha. "Nasaan na ang pagkain?" tanong nito, hindi nakatingin. Ang sarap batukan. "Magluluto pa lang.." padabog akong nagtungo sa pinasukan niya kanina, Gaya ng nasa isip ko ay kusina nga ito. Ang bongga ng condo, Ano nga ba iyon. Siguro hotel ito, Nilibot ko ang paningin sa kusina, Kahit probinsyana ako ay marunong akong magluto. Kahit anong pagkain pa yan ay alam ko, Walang nakakalagpas sa panlasa ko. Nagmartsa ako sa ref na halos tumangkad pa sa' kin, At halos mapamaang ako ng makita kung gaano karami ang laman nito. Josko, Isang taon na yatang stock ito ehh, Sandamakmak na prutas at gulay. Iba't ibang pagkain ang nasa ref niya. Ano 'bang klaseng tao siya. Ang daming pagkain nagrereklamong gutom. Siya kaya ang lutuin ko! Naiiling 'kong kinuha ang karne at pagsahog sa lulutuin, Balak ko na lang magluto ng caldereta. Kumpleto naman ang sangkap, Hindi katulad sa probinsya. Tatakbo pa kami sa tindahan para lamang bumili ng vetsin o kaya taba. Mapapa-sana all ka na lang sa yaman ng kamahalan. Nang mai-handa ang niluluto ay nag-umpisa na ako, itinali ko ang buhok na halos kumaway sa aking bewang. Napaka-alinsangan dito sa kusina niya, Samantalang sa probinsya ay halos pumapasok ang sariwang hanging na nang-gagaling sa tabing dagat. Nakakamiss talaga doon, Lalo na ngayong araw. Napaka-sarap maligo sa malamig na dagat, Iyong tipong mangingitim ka na lang pag katapos 'mong magbabad. Hayys, Halos trenta minutos ng matapos ako sa pagluluto, Ang bilis dahil gasul ang gamit. Hindi lasang usok na nanggagaling sa kahoy. Sosyal ang hari. May pa caldereta. "What is that?" tanong nito ng makapasok sa kusina, hinarap ko ito at halos mapamura siya sa kadihalanang hindi ko alam. "F*ck!" gulat na gulat ito, Anong nakakagulat sa niluto ko? "Anong problema mo?" "What the f*cking f*ck!" Aba't abn*rmal pala ang isang 'to. Mabilis itong lumabas ng kusina, Napapailing ako dahil sa inasta niya, Maging ng makapasok siyang muli ay mabilis nitong hinagis sa' kin ang puting roba. Nangunot ang noo ko, "I-isuot mo 'yan!" hindi niya iyon maibigkas ng maayos, Napapahilamos ito sa mukha. Para siyang nata-tae, Leche siya, Gaya ng sabi niya ay sinunod ko ito, Sinuot ko ang roba at muli itong hinarap. "Napapano ka ba, kamahalan?" tanong ko, ang sama ng tingin niya sa' kin. "Sinasadya mo ba?!" singhal nito, "Anong sinasadya?" "F*ck, Iyang dibdib mo!" itinuro nito ang dibdib ko, yumuko ako doon. Anong meron? "Wala 'kang bra! Sh*t, Babae ka!" lumabas itong muli, kinapa ko ang dibdib ko. Putragis! Wala nga akong bra. Napapakagat ako sa daliri, Nakakahiya Shaira. Muli siyang pumasok, Padabog itong umupo sabay baling sa' kin. Napapa-iwas ako ng tingin. "Can you please serve the food.." pumikit ako sa pagtitimpi, Bwst na lalakeng ito. Nakakuha siya ng maid sa walang kadahilanan. Huminga ako ng malalim bago ilapag ang niluto ko, Kasabay nito ang kanin na isinalang ko kanina sa rice cooker. Halos magdabog ako ng matapos, "Eat up.." "Uh?" "Eat up.." "Kakain ako?" "Do I need to repeat my words?!" napapakamot akong umupo, napapangiwi sa gilid ng mata. Umagang umaga nag E-english, Dumudugo na yata ang ilong ko. "Your good in cooking.." ani nito, english na naman. Suminghot ako, Dugo na yata iyon. Bwist. "Kumain ka na.." kumuha ako ng kanin, Hindi ko siya sinulyapan kahit na alam 'kong titig na titig siya. Ano 'bang meron sa mukha ko? "What is your name?" "Ha?" Nilingon ko ito, salubong na naman ang kilay. "Hindi ko alam kung bingi ka ba o ano.." "H-hindi kita narinig.." nilapag niya ang gamit na kubyertos at nag-focus ng tuluyan sa' kin, Tumingin ako sa kanyang noo dahil hindi ko matagalan ang mga titig niya. "Anong pangalan mo?" Nagbaba ako ng tingin, Sa ilong niya na naman. "Shaira.." "Shaira?" nagtatanong na anas niya, "Oo, Shaira pat Valdez.." tumango ito ng dalawang beses. "Valdez.." Kumunot ang noo niya, tila nag-iisip. "The valdez is very familliar.." anas niya, "Do you leave here?" "A-ah, S-sa ano. Probinsya ako nakatira.." "Province?" tumango ako, ang mga titig niya ay hindi mawala sa' kin. "Why are you in manila?" "Mahabang kwento.." "I-kwento mo.." napapakamot ako sa batok, Ang lalakeng ito ay isang mausisa rin. "Hindi tayo matatapos kung isasa-lahat ko pa.." "Bakit naman?" "Basta, Mahabang kwento.." "Tsk.." padabog itong nagpatuloy sa pagkain, Yamot na yamot. Hindi mawala ang masama niyang tingin, "Probinsyana ka pala.." muli ay nagsalita siya, Hindi ako makakain ng maayos dahil dito. tumango lamang ako. "Marami akong nais itanong ngunit ayaw 'mong ibahagi ang mga iyon, Masyado kang ilag.." "Hindi pa kasi kita kilala." "I am Jacob.." sagot nito, tinapos na ang pagkain. "I am one of monteclaro heirs.." "Jacob Monteclaro?" "Yeah, And I own you now. Binayad kita sa pinapasukan mo.." napa-iwas ako ng tingin. "Papaano ba ako makakaalis dito?" "Alam muna ang sagot.." tumayo ito, "Bilisan mo, may pupuntahan tayo.." "Ha? Saan?" "Basta, Sumama ka na lang.." Binilisan ko ang pagkain at halos walang limang minuto ng matapos ako. Ang mahal na hari ay hindi dapat paghintayin, Lalo na ngayon. Ang sama na ng titig niya. "Saan nga ba tayo pupunta?" habol ko ito ng lumabas siya ng kwarto, Suot ko pa rin ang roba at halos pagtinginan ako ng mga taong nakakasalubong namin. "Were going in a mall.." "Mall? Anong gagawin natin doon?" "Sumama ka na lang.." "T-teka lang kasi ang bilis 'mong maglakad.." hindi niya ako hinintay, Hangga sa makasakay ito sa elevator ay halos mapanguso ako sa tinginan sakin ng mga tao doon. Leche siya, Bakit kailangan niya pa akong isama. Talaga lang ha! Naka-roba! "Hurry up promdi-girl.." asik niya, pumasok ako sa elevator at halos isiksik ko ang katawan sa mga tao. "Come here.." hinila ako nito at halos mapasubsob ako sa dibdib niyang sintigas ng mukha niya, Anak ng kalabaw. Bakit ba kasi kailangan mag-siksikan dito. Nang makalabas doon ay halos mahulog ang tali ko sa buhok, hila ako nito hangga sa makarating kami sa labas. "Sandali lang!" binawi ko ang kamay sa pagkakahawak niya, grabe kung makahila! "Ang sakit naman ha!" singhal ko, sumama ang tingin niya. "Huwag 'kang hihiwalay sa' kin!" "Hindi naman! Halos idikit ko na nga sayo ang katawan ko!" sigaw ko, napapapikit ito bago tumalikod. Binuksan nito ang nakaparadang kotse. "Pasok.." "Kailangan talagang sumama ako?" "Diba't sabi ko huwag 'kang hihiwalay?" napapanguso ako, "Sakay na!" Sumakay ako sa kanyang kotse, malikot ang aking mata hangga sa makasakay ito. "Bakit?" tanong ko, hindi maipinta ang kanyang mukha habang nakatingin sa' kin. "Put your seat belt in..." "Ano daw?" bulong ko, seatbelt? May belt dito? "D*mn.." asik niya, lumapit ito sakin na siyang kinagulat ko. "Baguhan ka talaga.." may isinukbit ito sa aking balikat, napapamura ako sa isip. Akala ko ano na. Seatbelt pala ito, malay ko ba! Wala naman akong kotse! "Tutungo tayo ng mall upang mamili ng masusuot mo.." ani niya, nanatiling malapit. "M-maaari namang dumiretso tayo sa club para sa mga damit ko.." "Hindi ka na babalik doon.." "H-hindi naman, kukunin lang natin ang mga gamit ko.." "Hindi ka na babalik doon.." muli ay sumandal siya sa kotse, Tsk. Bakit ba kailangan ulitin ang sinasabi nakaka-pikon na siya. _____ To be Continued..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD