DENICE'S POV DI NA AKO nakatulog pa sa mga iniisip ko Maging ako ay nalilito parin sa nararamdan ko.. swempre nandon parin sa parte ko na naging masaya ako dahil nakasama ko s'ya kahit papaano pero naguguluhan parin talaga ako sa nararamdaman ko Napabalikwas ako ng bangon at dumiretcho sa may pinto at binuksan ito... sinulyapan ko pa ng tingin ang mahimbing na natutulog na si Kice at Kian.... napangiti naman ako dahil para silang mag-ama Napaisip nananaman tuloy ako Sana buo parin tayo hanggang ngayon... Bumuntong hiningi naman ako at tuluyang lumabas ng kwarto Wala sa sarili akong naglakad sa kung saan hanggang sa mapagtanto ko na nasa kusina na pala ako at nakita ko ng nagluluto ang mga maid non "Goodmorning Miss Denice" sabay silang huminto para batiin ako at sinuklian ko naman

