Chapter 4

3036 Words
TRIXIE'S POV: MASAYANG naidaos ang kasal. The ceremony was short but meaningful– their vows sounded like music to my ears. Ang sarap pakinggan ang palitan nila ng sumpaan at sweet message sa isa't-isa. Pagkatapos ng seremonya, tumuloy ang lahat sa bakuran ng rest house kung saan ang reception. I could hear the laughter, the music, the sound of the waves joining in their celebration. Ngunit kahit napakasaya ng mga tao sa paligid ko, pakiramdam ko ay nasa ibang lugar ako. Pakiramdam ko, hindi ako nabibilang sa kanila. Hindi ko alam pero, parang may kurot sa puso ko na makitang napakasaya ng pamilya ko– even without me. Dahil nasa sulok lang ako. Hindi nakikigulo. “What's this drama, Trix? It's been almost fifteen years since you left the country. Syempre, nasanay na silang wala ka sa paligid. Isa pa, marami kasing bisita na ini-entertain nila kaya hwag ka ngang magdamdam,” kastigo ng utak ko sa akin. Napailing ako. Naluluha pa rin. Ewan ko. Hindi ko pa rin maiwasang makadama ng lungkot. Sobrang tagal ko na palang nawala. Kaya kahit wala na ako sa paligid ng pamilya ko, masaya pa rin sila. They didn't even noticed me earlier nang lumabas ako ng venue at nagtungo dito sa pampang. Nagmumuni-muni ako nang maramdaman ang mga yabag na papalapit. Napalunok akong pasimpleng nagpahid ng luha. Medyo madilim naman dito sa bahaging kinaroroonan ko pero makikita mo pa rin ang mga kasama mo. Nalingunan ko si Anton– ang kuya ni Nicolette at governor daw dito sa Zambales. May dala siyang dalawang wineglass na may lamang wine. Pilit siyang ngumiti na tumabi sa akin. Dahan-dahang iniabot ang wineglass sa akin na tila nag-aalok siya ng drinks. Napasulyap ako doon. Nagdadalawang-isip kung tatanggapin ko o hindi. Maya pa'y nagsalita siya. “Malinis iyan. Kung iniisip mong may inilagay ako, kahit magpalit pa tayo–” Kinuha ko iyon at uminom na ikinatigil niya sa sasabihin. Natulala pa siya sa ginawa ko. Napakamot sa batok na nahihiyang ngumiti sa akin. “Are you okay? Minsanan ka lang dumalaw dito sa bansa. You should enjoying the night with your family,” wika nito na halatang kabado. Nanatiling sa harapan ako nakamata. Muling uminom sa wine. Nakamata naman ito sa akin. Namamangha na matitigan ako sa malapitan. Hinayaan ko na lamang. Gwapo naman e– at matangkad. “They are enjoying the party even without me. So what's the difference?” malamig kong sagot. “Mas masaya,” tugon nito makalipas ang ilang sandali ng aming katahimikan. Napataas kilay ako na mahinang natawa sabay iling. Nilingon ako nito kaya nagsalubong ang mga mata namin– dahilan para mabura ang ngiti ko na magkatitigan kaming dalawa. Ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko, pero umakto akong normal. “How about you? Why are you wasting your time here with me, instead of enjoying the night with them?” balik tanong ko kay Anton na alanganing ngumiti sa akin. “Don't force your smile, you look stupid.” I added Napangiwi ito na napakamot sa ulo sa huling tinuran ko, dahil tunog pagalit ang pagkakasabi ko sa huling tinuran ko sa kanya. “Nakita kitang mag-isa dito e. Kaya nilapitan na kita. Hindi pa kasi tayo lubusang nagkakakilala. Hindi naman siguro kalabisan kung makikipag kilala ako sa'yo, noh? Kasi, kapatid mo si Lucas, kapatid ko si Collete. Mag-asawa na iyong mga kapatid natin. Alam mo na, parang iisang pamilya–” Natigilan ito nang lingunin ko ito at napangisi sa kanya. Napalunok pa siya na halatang kabado. “Why are you explaining? Did I asked you to explain?” diretsong tanong ko habang nakatitig kami sa isa't-isa. Lihim kong sinusuri ang itsura ni Anton. Para itong modelo sa physical looks nito lalo na't matangkad din ito at maganda ang pangangatawan. Nahahawig ito sa isang Mr International model na si Kirk Bondad na half pinoy at half german! “E. . . sinasabi ko lang naman. Baka kasi mailang ka sa akin na lumapit ako sa'yo at nakikipagkilala,” nakangiwing sagot nito na parang batang napakamot sa batok at kitang nahihiya sa akin. Pinamumulaan pa siya ng pisngi na napapakamot batok at nahihiyang ngumiti sa akin. “Tss.” Aniko na ibinaba sa buhangin ang wineglass na walang laman. “I'm Trixie Payne.” Namilog ang mga mata nito sa gulat nang maglahad ako ng kamay! Kita ang pagdaan ng kinang sa mga mata nito na kaagad inabot ang kamay kong nakalahad! Hindi ko rin alam kung bakit ko ito ginagawa? Hindi ko naman ugaling makipagkilala kung kani-kanino. “Uhm, I hate my real name e. Antonio Altameranda Jr, but you can call me–Anton for short, at para hindi rin tunog pangalan ng matanda. Nice to meet you, Trixie.” Sagot nito na marahang pinisil ang malambot kong palad, hindi ko alam kung sinadya niyang pisilin ang palad ko o nadala lang at malambot iyon. Mahina akong natawa na binawi na ang kamay ko. “I heard you're a governor,” turan ko pa na bumaling na sa dagat. “Uhm, oo. Dati, mayor ako sa bayan namin. Ilang beses din akong nahalal. Bago ako sumabak sa mas mataas na posisyon,” sagot nito na ikinatango-tango ko. Ramdam kong nakatitig siya sa akin but I didn't mind. Sanay na akong tinititigan ng mga tao– lalo na ng mga lalake. Hindi na bago sa akin ang mga katulad ni Anton na nakikipagkilala and soon? Manliligaw na. Isa pa, hindi rin naman ako magtatagal dito sa bansa. Bahala siyang mahulog kung hahayaan niya. It's not my fault anymore. “Nagulat lang ako. I thought, ang mga political dito sa bansa, mga matatanda, bilog ang tyan at napapanot. May mga bata palang politicians,” saad ko dito na natawa. “Grabe ka naman. Pero, kahit bata akong governor, ginagawa ko nang maayos ang tungkulin ko. Kahit ipa-background check mo ang track record ko, malinis ang record ko bilang isang political.” Wika nito. Napangisi akong nilingon itong napangiwi ang ngiti nang magsalubong ang mga mata namin. Bakas ang kamanghaan sa kanyang mga mata at kita rin na kinakabahan siyang kausapin ako. Tsk. Kung hindi lang siya kapatid ng hipag ko? Hindi ko siya papansinin. Nakakatuwa lang na magaan ang loob ko sa kanya at komportable akong kausap siya sa gan'tong solong lugar. Na parang– matagal ko na siyang kakilala. “Why? Sinabi ko bang corrupt official ka?” tanong kong ikinatikhim nito. “Hindi ako corrupt a. Kahit piso wala akong ibinulsa sa kaban ng bayan. Kaya nga mahal ako ng Zambales e.” Sagot nito na ikinataas ng kilay ko sa kanyang isinagot. “Maybe they are voting you because you're handsome and young,” komento ko ditong sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi na napatitig sa mga mata ko. “Sinasabi mo bang. . . gwapo ako, hmm?” tukso nitong ikinagapang ng init sa mukha ko! “Did I say it?” “Yes. Kasasabi mo lang, Trix.” “Hell no.” Malutong itong napahalakhak. Inirapan ko ito na natatawa pa rin. Maya pa'y tumikhim ito na nagseryoso. “Kukuha lang ako ng drinks natin ha? Mahaba pa ang gabi e. Kung okay lang sa'yong magkwentuhan na lang tayo dito?” wika niya na may galang kung magsalita. I just simply nooded. He smiled and stand up. Napahatid ako ng tingin ditong bumalik sa rest house. Hindi naman nagtagal, bumalik din ito na may dalang isang bote ng wine. He sit down beside me and open the bottle. Inabot ko ang wineglass ko na nagpasalin dito. “Hindi ka ba nila hahanapin doon?” he asked me and toss to my glass. “Thanks. You have eyes naman a. Hindi mo ba nakikita na masaya sila even without me? Sanay na silang walang Trixie ang nasa paligid,” malamig kong sagot at sumimsim sa wine ko. Napanguso naman ito. Nakamata sa akin. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. May bahid kasi ng awa sa mga mata niya habang nakatitig sa akin. “Lucas told me a lot about you. He said you’ve been in Canada for more than ten years. How’s life there? Masaya ka ba na mag-isa ka doon habang nandidito sa bansa ang pamilya mo?” he asked me. “Yeah, I'm enjoying my life there. Masaya ako sa career ko at kahit malayo ako sa pamilya ko, dinadalaw naman nila ako doon.” I answered and take a sip. “Medyo walang kalayaan nga lang. Dahil kilala ako ng mga tao doon. Kaya hindi ako pagala-gala. Isa pa, I'm a busy person there. Walang araw na bakante ako, at kung meron man? I prefer to stay at home, sleep all day or watch movie marathon, eat all the food I'm craving for.” I added. Tumango-tango naman ito na ngumiti. “Mahirap ngang gumalaw kapag kilala ka ng mga tao. Ganyan din kasi ako dito sa amin. Kahit mga bata ay kilala ako. Kaya maingat ako sa kilos at maaari kong ikasira sa paningin ng publiko. Sometimes it’s nice to be invisible. To just be yourself without anyone judging you or expecting something from you. Na hindi mo inaalala ang iisipin ng ibang tao sa'yo.” Saad niya na may bahid ng lungkot. Tumingin ako sa kanya, sakto namang nilingon niya ako kaya nagkatitigan kami. Walang imikan sa pagitan namin. Pero mababasa sa aming mga mata– na nagkakaunawaan kami ng sitwasyon sa career na pinasok namin. “You’re a governor– everyone knows you, everyone looks up to you, and admiring you too. Nauunawaan kita sa bagay na iyan. Dahil katulad mo, iniingatan ko rin ang image ko sa publiko. Once magkamali ako, pwedeng gumuho ang dekadang pinaghirapan kong marating. Kaya nga, kapag may day off ako, I prefer to stay at home kaysa gumala.” Saad kong ikinangiti nito na tumangong nakipag-toss ng glass. “Cheers for that, Trix. Tama ka, masarap din naman sa pakiramdam na kilala ka ng mga tao, they are admiring and respect you. Binabati ka kapag nakikita ka na may ngiti sa mga labi, but it also has it's downsides. Sometimes I wish I could just walk on the beach at night without anyone recognizing me. Without anyone coming up to me to ask for favors or complain about things.” Aniya na nakatanaw sa dagat. “Masaya naman ako sa trabaho ko pero– alam kong may kulang sa puso ko.” I smiled bitterly and drink my wine. “So we’re both running away from something? Me from my past, and you from your present?” pabirong saad kong mahinang ikinatawa nito sabay iling. “Maybe. Or maybe we’re just looking for something we haven’t found yet. Something real, something that doesn’t come with expectations or conditions.” sagot nito na tumingin sa akin at ngumiti. Hindi ako nakasagot. Muli siyang nagsalin ng wine sa wineglass namin at muling nag-toss. Pilit akong umaktong normal. Bumaling ng paningin sa dagat kaysa makipagtitigan sa kanya. I felt like my walls were coming down, like he could see the real me– the scared woman, the one looking for love, the one who wanted to be with someone who’d love her for who she is. Not for what she is and what she has. I'm already at my thirties era. Pero natatakot pa rin akong sumubok magmahal muli. Siguro dahil na-trauma ako sa unang pag-ibig ko. Bagay na nagpabago ng paningin ko sa mga lalakeng lumalapit sa akin at nagpaparamdam. Sa puso ko, pare-pareho lang ang mga lalake. Hindi marunong makuntento at laro lang sa kanila ang mga babae. Mahirap makahanap ng totoong magmamahal sa akin. Dahil isa akong kilalang model at idagdag pang mula ako sa makapangyarihang pamilya dito sa bansa. Hindi malabong, ang target ng mga lalake sa akin ay matikman lang ako at makinabang sa kasikatan ko– lalo na sa pera ko. “How long have you been a governor? It must be hard, taking care of an entire province.” tanong ko, sinusubukang ibaling ang usapan sa ibang bagay lalo na't kung ano-ano na naman ang mga tumatakbo sa isipan ko. “Five years. Medyo mahirap siya, pero masaya rin. I love helping people, I love making a difference in their lives. That’s why I took the job in the first place.” Sagot nito. “Yong makita ko silang masaya dahil natutulungan ko sila, malaking achievement na iyon sa akin as a public servant. Ang sarap sa pakiramdam kapag sinasabihan nila akong hindi sila nagsisisi na ako ang ibinoto nila. Na mahal na mahal nila ako. At kahit mahirap sila? Nagbibigay sila sa akin ng regalo mula sa mga alaga at pananim nilang gulay at prutas.” Dagdag niya. “That’s admirable. Not everyone has the courage to put others before themselves like that.” I commented. “Hindi naman sa pagiging ano pero– we all know, maraming buwaya sa gobyerno natin. I'm happy that you're not one of those crocodiles . At least, medyo gumanda konti ang paningin ko inyong mga nakaupo sa pwesto. Na may mga katulad mo pa palang mas mahal ang taong bayan kaysa ibulsa ang pera ng bayan,” dagdag ko. He smiled. “Thanks. How about you? Ang tapang mo ha? Leaving everything behind– your family, your friends, your home and moving to another country. That takes a lot of courage, Trixie. Paano mo na-survive ang mahabang panahon na malayo ka sa pamilya mo?” he asked. I took a sip before answering him. “Maybe. But sometimes I feel like I’m just running away. From my past, from my fears, from the thought that I’ll never be good enough for anyone.” Napailing ako na mapait na napangiti. “Alam mo naman sigurong dati ring kilalang international model ang mommy ko, right?” I asked and he nodded. “Nakaka-challenge dahil hindi maiwasang ikumpara ako ng mga tao sa mommy ko noon. Naging top international model ang mommy sa mahabang panahon. Kaya noong nagsisimula pa lang ako sa modeling, marami ang humuhusga sa akin na hindi ko kayang abutin ang mga naabot ng mommy. Na isa akong trying hard to copy my mom's achievement. Pero hindi ko sila pinatulan, bagkus– sila ang nagtulak sa akin para ma-motivate ako at mas magsumikap pa. Masaya ako na ngayon, hindi na ako nakakarinig ng mga negative comments sa akin. Kapag nage-enjoy ka na kasi sa trabaho mo, hindi mo na namamalayan ang paglipas ng panahon.” Ngumiti ito na sumimsim sa kanyang wine. “You’re amazing and independent woman, Trix. I just hope, everyone admires you see how amazing person you are.” Aniya. “How old are you again?” he asked– changing our topic. Napailing ako na inubos ang wine ko at muling nagpasalin sa kanya. Halos naubos na namin ang dala niyang wine sa sarap ng kwentuhan namin. “I'm already thirty-three.” I replied, he pouted his lips. “Single?” Natawa ako. “Hell–yah.” “Why?” “What do you mean– why?” balik tanong ko na nilingon itong nakamata sa akin, nagniningning ang mga mata at may munting ngiti sa mga labi. “Hindi ko kasi inaasahang– single ka rin. I mean– you're so beautiful, famous and also a billionaire. Pero heto at single ka?” aniya na hindi makapaniwala. Napailing ako na inisang lagok ang laman ng wineglass ko. “I was in love once. His name was Gello. We were together for two years, pero long distance relationship. Nandito siya sa Pilipinas habang ako, nasa Toronto. He's a nice guy– I thought. Natanggal siya sa trabaho kaya pinalipad ko siya sa Toronto. Ako ang gumastos sa lahat ng kailangan niya– even his plane ticket. Hirap siyang makahanap ng bagong trabaho sa Toronto, idagdag pang may pamilya siya dito sa bansa na umaasa sa kanya. That's why I support him. I fed him, give him money not just for him but also for his family here, I give him my condo and I buy a new car for him. Minahal ko siya nang higit pa sa sarili ko. Kahit pagod ako sa trabaho ko, nage-effort ako para mapasaya siya. I thought he was the right one for me. But then one day, on the day of our anniversary, I surprised him but– I was the one who got surprised. Naabutan ko siya sa mismong condo ko, he's fvcking another woman on that special day. And that woman is no other than– my best friend for ten years. Nadurog ako nang araw na iyon. Nadala ng galit ko. Binawi ko lahat ng ibinigay ko sa kanya. ATM, car key and even my condo. Pinutol ko ang ugnayan ko sa kanilang dalawa. Kahit ilang beses na nagmamakaawa si Gello sa akin noon, araw-araw akong pinupuntahan maski sa trabaho ko pero– hindi ko na siya binigyan ng isa pang pagkakataon. Tama na iyong minsan nila akong naloko. Magmula noon, hindi na ulit ako umibig pa. Masakit maloko e. Masakit tanggapin na ginawa mo na lahat– kulang pa rin.” Pagkukwento ko na hindi ko namamalayang tumutulo na pala ang luha ko. Napatitig ako dito nang sumapo siya sa pisngi ko, malamlam ang mga mata at marahang pinahid ang luha ko. “That’s his loss, not yours. He was too stupid not to see how lucky he was to have you. He doesn't deserve you anyway. Because you deserve more, Trix. You deserve to be happy, to be treated well, to be loved. Pero siguro, gano'n talaga ang tadhana niyong dalawa. Hindi kayo ang nakalaan sa isa't-isa. Maganda na rin na nahuli mo sila, at least, hindi ka na nila maloloko pa.” Aniya na pilit ngumiti sa akin. “Thank you. I haven’t felt this way in a long time– like someone actually cares about me, not just about who they want me to be.” Sagot ko na muling tumulo ang luha habang nakatitig kami sa isa't-isa. He wiped away my tear with his thumb. “Don’t cry. You’re too beautiful to cry, and you deserve to be happy, Trix.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD