Chapter 18

1726 Words
ANTON'S POV: MATAPOS naming kumain, magkatulong kaming nagligpit ng kusina bago bumalik ng silid na magkayakap. Mabilis na akong naligo at nag-ayos naman na si Trixie ng sarili. Paglabas ko ng banyo, nakahanda na sa kama ang ilang damit na isusuot ko. “So what’s the next plan, babe?” I asked, picking up the clothes she’d given me. They looked like something a security guard would wear. All black at mukhang fit naman sa akin. Black jacket, black pants, black polo shirt, black cap even my socks. “First, you’ll dress like my personal bodyguard– that way you can stay close to me all day without anyone questioning it,” sagot nito na iniabot ang isang ID badge na may nakalakip na ‘Personal Security’ under Ms Trixie Payne. “I already told my manager you’re my boyfriend who’s on vacation here for two weeks, but we’re keeping that under wraps from everyone else. The bodyguard thing is our public cover. Hindi ka nila kukwestiyonin kung alam nilang bodyguard kita.” Lihim akong napangiti na tumango-tango na ipinakilala niya ako sa manager niya na kasintahan niya ako. Pakiramdam ko, lalong lumakas ang self-confidence ko na magtapat ng totoong nadarama para sa kanya. Iniabot niya ang facemask sa akin na ikinalingon ko dito. “And you’ll wear this when we’re walking in and out of the studio– and whenever there are cameras around. Ayokong makita nila ang buong mukha mo. Saka, dapat nakatutok ka sa akin ha? Patay ka sa akin kapag mahuli kitang tumititig sa ibang babae doon.” Pagbabanta niya pa. Natawa akong inabot ang mask. “A bodyguard. I never thought I’d be playing that role. Ang hirap namang idate ang isang international model,” biro ko. She grinned, stepping closer to adjust the collar of the jacket I’d just put on. Nagseryoso naman ako. Kumapit sa kanyang baywang at hinayaan itong ayusin ang suot ko. “You look good, it suits you, because you're tall, muscular, serious. Perfect. Sobrang gwapo mo pa rin kahit naka-bodyguard outfit ka. I need to hide that handsome face of you. I'm possessive pa naman. I don't want to share what's mine.” Natawa ako. Magaan siyang niyakap matapos ayusin ang suot ko. Niyakap din naman niya ako pabalik. “You have nothing to worry about, babe. Sa'yo lang ako tititig doon.” Wika ko na ikinatingala nitong sinalubong ko ang mga labi. PASADO alasais na nang umalis kami ng condo. Kahit sa paglabas namin ay maingat kami. Inaalalayan ko pa rin naman ito at nakasuot na ako ng bodyguard uniform niya. Dumating kami ng studio, bandang 6:30 na. Kaya pala maaga kaming bumangon, medyo may kalayuan ang studio nito. Kabado ako pero umaktong normal. Nakasuot na rin ako ng facemask at tanging mata ko lang ang kita. “Just walk close to me, look serious, and don’t make eye contact with any cameras,” she whispered as we walked out onto the street. Tumango ako na narinig ko ang ibinulong nito. There were already a few photographers loitering near the studio entrance. Nag-aabang ng mga darating. Kaagad silang napaayos na itinutok sa amin ang kani-kanilang camera habang papalapit kami ni Trixie. They snapped shots of Trixie as we walked by, calling out her name, pero tuloy-tuloy lang sa paglalakad si Trixie na sinasabayan ko at hinaharang ang mga nagtatangkang hawakan siya. Para akong nabunutan ng tinik pagpasok ng studio. Mas maliit na kasi ang mga tao dito kumpara sa labas. Hair stylists, makeup artists, wardrobe assistants– everyone was rushing around, getting ready for the shoot. Trixie’s manager, a woman named Liza, walked over to us right away. “Trixie! You’re here–perfect,” bulalas niya na napakalapad ng ngiti. Nagyakapan pa silang dalawa. Naalala ko naman na nabanggit minsan ni Trixie sa akin na matalik niyang kaibigan ang manager niya. Kaya gano'n na lamang sila ka-close. “Lalo ka yatang gumanda ha?” pagsusuri pa nito na napahagod ng tingin kay Trixie na natawa lang. Napasulyap ito sa akin na may makahulugang ngiti sa mga labing sinundot pa sa tagilirin si Trixie na napapitlag at natatawang nakurot ito. “Siya ba ‘yon?” pabulong niyang tanong na tinanguhan ni Trixie. Napairit pa siya na nakurot ni Trixie at kaagad naglahad ng kamay. “And you must be Anton. Trixie told me you’re her boyfriend visiting from out of town. Nice to meet you– thanks for stepping in as security today.” Pabulong saad niya para walang ibang makarinig. Kinikilig pa ito na pasulyap-sulyap kay Trixie na nangingiti at iling sa kaibigan. Ngumiti ako na inabot ang kanyang kamay. “Nice to meet you too, Ms Liza. Salamat din sa pang-unawa mo at pagpayag na sumama ako sa kanya,” sagot ko na sakto lang ang lakas para walang ibang makarinig sa amin. “Walang anuman, Anton. Magkwentuhan tayo mamaya kapag walang masyadong gagawin,” aniya na tinanguhan ko, bumaling na siya kay Trixie. “Makeup is ready for you.” Aniya na iginiya na kami sa studio. Pagpasok namin ng studio, kaagad inasikaso ng mga make-up artist at hairstylist si Trixie sa harapan ng malaking vanity mirror. Nasa tabi ko naman si Liza. “Anton, you can wait right here. Mamaya pa naman tayo lilipat ng venue e. Pasensiya ka na, hindi kita pwedeng paupuin, walang bodyguard na nakaupo, baka mabuko tayo,” pabulong saad niya. Tumango ako na pinapanood kung paano nila asikasuhin si Trixie. “It's okay, Ms Liza, naiintindihan ko.” Napangiti ako habang pinapanood si Trixie. Mabilis kumilos ang mga staff nila. She looked amazing even without make-up pero– mas lalo siyang gumanda na maayusan siya lalo na't hindi naman gaanong makapal ang make-up niya. Nagniningning ang mga mata niyang buhay na buhay ang itsura na lalo niyang ikinaganda. MATAPOS mag-ayos at makapagbihis ni Trixie, nagsimula na ang photoshoot. Ni hindi na kami nagkausap dahil busy na ang lahat. It’s been four hours since we started, and I still can’t take my eyes off her. I’m leaning against the far wall of the studio, my arms crossed over my chest– trying to look like a serious bodyguard, but inside, I’m just a guy watching the woman he loves light up an entire room. Masaya ako na napapanood ang mahal ko, pero naaawa din ako sa kanya. Dahil nakikita kong diretso silang magtrabaho. Ni hindi na ito magpahinga. Ako nga na nakatayo lang ay nangangalay na ang mga binti. Trixie’s in front of the camera now, wearing a soft pink sundress that flows around her ankles– perfect for the summer skincare endorsement she’s shooting today. The photographer, has her standing in front of a backdrop of white flowers and natural light streaming in from the floor-to-ceiling windows. Kita kong gamay na gamay na ni Trixie ang ginagawa. Ni hindi siya inuutusan kung ano ang sunod na pose nito. Napakaganda niya sa lahat ng anggulo. At hindi ko mapigilang kiligin at purihin siya sa isipan ko. Naiisip kung gaano ako kaswerteng. . . naangkin ko ang isang katulad niya. “Okay, Trixie, look down at the product in your hands, then up at me with that soft smile,” the photographer’s calls out. “Like you’re remembering something happy.” Nakatitig ako sa mahal ko. She does it instantly. Her lips curve into that gentle smile I know so well, the one she saves for when she thinks no one’s watching. But I’m watching. Napakaganda niyang tignan kahit sa monitor. Napakaamo ng mukha niya na parang anghel na bumaba mula sa langit ang datingan. “Beautiful! That’s the one!” the photographer says, and the camera clicks repeatedly. “Now turn slightly to your left– yes, that’s it. Look like you’re about to share a secret with the camera.” I watch as she adjusts her posture, her fingers tracing the edge of the skincare bottle. She’s so natural at this– moving with a grace that makes it look effortless. Napangiti ako na pinapanood ito. Hindi nagsasawang purihin siya sa isipan ko. Matapos ang ilang shots, lumapit ang make-up artist at niretouch ang lipstick ni Trixie. Maging ang foundation nito at blush on. Nagsalubong ang mga mata namin at ngumiti ito na nag-thumbs-up sa akin, nagtatanong ang mga mata. Tinanguhan ko ito na nag-thumbs-up sa kanya pabalik. She gives me the tiniest nod, and I can see the tiredness in her eyes even from across the room. Kaninang alasyete pa kami nagsimula dito at hindi pa siya nagpapahinga. Mamayang tanghali, lilipat pa kami ng studio. Matapos siyang iretouch, hinayaan na muna siyang magpahinga saglit. Kumuha ako ng maiinom niya na iniabot sa akin ni Liza. Sinalubong ko ito na inalalayan makaupo sa silyang nakalaan sa kanya. I even opened the bottle for her. “Thanks,” she whispers, taking a quick sip of water. “Kanina pa ako nauuhaw. Pasensiya ka na, hindi kita maasikaso dito,” pabulong wika niya at nakatayo ako sa tabi niya. “Okay lang, ikaw itong inaalala ko e. Tiyak na nakakapagod tumayo sa platform na ‘yon lalo na't mataas ang stiletto mo,” pabulong sagot ko. Matapos ang fifteen minutes break nito, muli siyang tumuntong sa platform sa harapan. Nagpalit din ulit ng damit para sa panibagong endorsment niya ngayong araw. Katulad kanina, natural itong kumilos sa harapan ng camera. Mabilis ding kumilos ang photographer na kinukunan bawat anggulo nito at pagbabago ng pose sa camera. Hanggang sa natapos din ang photoshoot. “Good job! Great work today, everyone– especially you, Trixie.” Masiglang wika ng photographer. Kaagad inalalay ni Liza si Trixie na bumaba ng platform. Nakipagkamayan siya sa tatlong photographer bago lumapit sa gawi ko na pasimpleng kumindat pa. Inalalayan ko ito at nagtungo sa katabing dressing room. Pinalabas naman muna ni Liza ang lahat ng naririto. “Finally,” bulong nito na mahigpit akong niyakap. “Did you like the shots?” I wrap my arm around her waist, pulling her close. “I loved them. But I like the real you better– the one standing right here next to me.” Sagot ko na inalis ang facemask at inangkin ang kanyang mga labi. Napangiti ako nang yumakap siya sa batok ko at tinugon ang aking halik. "Damn, I miss you, babe." Usal nito na muling inabot ang aking mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD