Chimmy's POV
Matapos ang nangyari kay Chimmy at Brent nag desisyon si Chimmy na bumalik na ng paris.Mali man ang nangyari sa kanila ni Brent wala na siyang magagawa pa.
Nakapag usap na rin sila ng magulang niya at pumayag naman ang mga ito na bumalik na si Chimmy sa paris.
Agad siyang nag book ng ticket nila ni Bryn.Bukas na agad ang flight nila pabalik sa paris.Ang iniisip ni Chimmy na hindi na siya pwedeng magtagal dito sa pilipinas.Ayaw niyang makita ni Brent ang anak niya.Lalo na ngayong nagpupumilit itong pumasok muli sa buhay niya.
Habang nag-aayos ng mga gamit si Chimmy pumasok ang mommy niya sa kwarto dala ang mga pasalubong na dadalhin niya.
"Anak okay kalang ba?"pilit namang ngumiti si Chimmy.
"Okay lang po ako mom.Ayaw ko pa sanang bumalik sa paris pero alam kong kailangan dahil nagpaparamdam na si Brent ayaw kong magtagpo ang landas nila ng anak ko."
"Kung yan ang desisyon mo sige lang anak.Ikaw ang nakakaalam para sa ikabubuti ng anak mo."tinapik naman niya si Chimmy sa balikat bago lumabas ng kwarto.
Alam niyang hindi pa niya lubos nakakalimutan si Brent pero ayaw niya ng masaktan pa.
Pagkatapos magligpit ni Chimmy naligo na siya para makapag pahinga ng maaga.Maaga rin ang flight nila bukas.Sinulyapan niya ang anak niyang mahimbing na natutulog.
Bigla namang pumasok ang ina niya sa loob ng kwarto.
"Anak sinabi ng guard na may isang sasakyan daw na nakaparada sa labas ng gate."agad sinilip ni Chimmy sa bintana ang sasakyan.
Lumabas si Chimmy sa kwarto para puntahan ang sasakyan.Pagdating niya sa sasakyan kinatok niya ito,bumukas ang bintana at bumungad sa kanya ang isang lalaki at kasama nito.
"Mga Sir bakit kayo nakaparada dito sa harapan ng gate namin?private property po ito."sabi ni Chimmy
"Pasensya na po Ma'am sumusunod lang po kami sa utos ni Sir."sagot ng isa.
"Sinong Sir?"
"Si Sir Brent po.Mahigpit niyang pinagbilin na bantayan po namin kayo at kung saan man kayo pupunta ay dapat nakasunod kami sa inyo."sagot ng lalaki.
Nainis naman si Chimmy sa ginagawa ni Brent.Hindi niya tuloy alam kung paano siya makakalabas ng bahay bukas.
Pumasok siya sa loob ng bahay nila at nadatnan niyang nakaupo ang mga magulang niya na naghihintay sa kanya.
"Mom si Brent ang nagpadala ng mga tao sa labas.Pinapabantayan niya ako.Paano ako makakalabas dito kung may nakasunod sa akin."inis na sabi ni Chimmy.
"Anak mas mabuti pa siguro mag hotel nalang kayo ngayong gabi."sabi ng mommy niya.
"Paano ako makakalabas dito?"nag-iisip naman ang mga magulang niya kung paano makalabas si Chimmy na hindi nasusundan ng mga tauhan ni Brent.
"Yung mga magulang ni Shiela.Bakit kaya hindi tayo humingi ng tulong sa kanila."sagot ng daddy niya.
Agad namang tinawagan ng mommy niya ang magulang ng kaibigan niya.Pumayag naman ito sa plano nila.
Mabilis na umakyat ng kwarto si Chimmy para mag-ayos.Tinulungan siya ng kanilang mga kasama sa bahay na ibaba ang maleta niya.
Pinakarga ito sa isang sasakyan para mauna ng dalhin sa bahay ng kaibigan niya.Doon sila mangagaling bukas papunta ng airport.
Hindi katagalan dumating na ang mga magulang ng kaibigan niya.Sinabihan siya ng mommy niya na maghanda na.
Agad niya namang kinarga ang anak niya mula sa mahimbing na pagkakatulog nito.Sinalubong siya ng daddy ni Shiela para kunin si Bryn.
"Thank you Tito."ngumiti naman ito sa kanya.
Niyakap niya ng mahigpit ang kanyang mga magulang.Mamimiss niya ang mga ito lalo na matagal na naman sila bago magkita ulit.
"Mag-iingat kayo sa byahe niyo bukas anak."naluluhang sabi ng mommy niya.
"Mag-iingat din po kayo dito.Dad wag mong biglain sa trabaho ang sarili mo."
"Ayos lang kami dito anak,basta pagdating niyo sa paris tawagan niyo kami."wika ng daddy niya.
Niyakap siya ng kanyang mga magulang bago siya sumakay ng sasakyan.Hinalikan naman ng mga magulang niya ang kanilang apo.
Nakatingin lang si Chimmy sa magulang niya habang papalabas ang sasakyan sa gate.Nadaanan pa nila ang mga taong binayaran ni Brent para bantayan siya.
Pagkadating nila sa bahay ng kaibigan niya hinatid siya ng mga magulang ni shiela sa magiging kwarto nila.
"Thank you po talaga tita,tito."habang maingat niyang hiniga ang anak niya sa kama.
"Walang ano man yun iha at isa pa sino-sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo rin.Nandito lang kami para sayo parang anak na rin ang turing namin sayo."niyakap ko naman si Tita.
Paglabas nila ng kwarto nagpadala ako ng mensahe kay mommy na nakarating na kami.Papupuntahin niya nalang daw ng maaga ang driver para ihatid kami sa airport.
Pagkatapos naming magpalitan ng mensahe ni Mommy nahiga na ako sa tabi ng anak ko para matulog.
Kinabukasan madaling araw palang nagising na ako.Mabilisan lang akong naligo.Paglabas ko ng banyo tumunog ang cellphone ko nakita kong si mommy ang nag text at sinabi nitong papunta na daw ang driver na maghahatid sa amin.
Ginising ko na ang anak ko para makapaghanda na.Buti nalang nagising din siya at hindi na nagreklamo pa.
Matapos niyang maligo inayos ko ang backpack niya na dadalhin.Nilagyan ko ito ng biscuit at drinks para pag sakaling magutom siya may makakain ito.
Pagbaba namin naghihintay sila tita sa sala.May inabot silang pasalubong para kay Shiela.
"Thank you po talaga tita sa pagpapatuloy niyo sa amin dito."
"Wala yun ikaw talaga,hindi ka naman iba sa amin."sagot ni tita.
"Nasa kotse na ang mga gamit niyo."sabi nman ni tito.
Muli ko silang niyakap.Si Bryn naman ay nagpakarga pa kay Tito.Hinatid nila kami sa labas,nauna kong pinapasok ang anak ko.
Kumaway kami kay tito at tita habang papaalis ang sasakyan.
"Anak matulog ka muna malayo pa namang ang byahe natin."pinaunan ko si Bryn sa binti ko.
Habang nasa byahe kami tinext ko si mommy na papunta na kaming airport.Pinag iingat naman niya kami sa byahe namin.
Hindi kalaunan ay nakarating na kami sa airport.Binaba ni kuya ang mga gamit namin.Inabutan ko naman siya ng dalawang libo,hinintay niya munang makapasok kami sa loob ng airport bago siya umalis.