Chapter 8

662 Words
Maagang nagising si Chimmy para magluto ng almusal nila habang tulog pa ang anak niya.Iniisip niya paano kung isang araw hanapin ni Bryn ang ama niya?kaya niya bang sabihin sa anak niya ang totoo. Habang palabas naman si Shiela sa kwarto niya naamoy niya ang tila nasusunog na pagkain,pumasok siya sa kusina at doon niya nakita na nasusunog ang niluluto ni Chimmy, dali-dali niyang kinuha ang kawali at nilagay sa lababo doon lang natauhan si Chimmy na nasusunog na pala ang niluluto niyang itlog. "Sorry hindi ko namalayan,"sabi nito kay Shiela. "Ano bang iniisip mo?sa sobrang lalim ng iniisip mo hindi mo na naalala ang niluluto mo,"sagot ni Shiela. "Shie paano kaya kung isang araw hanapin ni Bryn ang ama niya?paano ko sasabihin sa anak ko na nabuo siya na walang pagmamahal,ayaw ko namang magalit ang anak ko sa ama niya dahil kahit papano ama niya parin si Brent,"napabuntong hininga naman si Shiela sa sinabi ko. "Alam naman natin pareho na darating ang araw na yun Chim,siguro kailangan mo lang ipaliwanag sa anak mo ang lahat para maintindihan niya.Matalino si Bryn at alam kong maiintindihan ka niya kung bakit hindi niya kasama ang ama niya habang lumalaki siya,"sagot ni Shiela. Pero ang hindi nila alam may isang maliit na pigura ang nagtatago sa likod ng pintuan na nakikinig sa usapan nilang magkaibigan habang dumadaloy ang mga luha sa mga pisngi nito . Nang matapos na silang makapagluto pumunta si Chimmy sa kwarto ng anak niya para tingnan kong gising na ba ito,naabutan niya ang anak niya na nakaupo sa kama na naglalaro ng kanyang robot. "Good morning baby,halika na kakain na tayo ng breakfast,"ngumiti naman si Bryn at hinawakan ang kamay ng ina niya na nakalahad. Pagdating sa hapag kainan pinaupo ni Chimmy ang anak at nilagyan ito ng pagkain sa plato,tinimplahan niya rin ito ng gatas. Tahimik silang kumakain ng biglang magsalita si Bryn. "Mama masaya na po ako na tayong dalawa lang ang magkasama at si Tita Shiela,hindi niyo naman po ako pinapabayaan at tsaka mahal na mahal niyo po ako kaya kayo lang po ay sapat na.Kung hindi ko man po kasama ang papa ko okay lang po sa akin yun,ayaw kong nalulungkot kayo parati at umiiyak sa gabi,"mahabang sabi ni Bryn.Nagtinginan naman si Chimmy at Shiela,maaari kayang narinig ni Bryn ang usapan nila. Hindi inaasahan ni Chimmy na maririnig niya ang mga salitang yun mula sa anak niya,nilapitan ni Chimmy ang anak niya at niyakap. "Anak sorry,patawarin mo si Mama ha,!hindi ko naman ginusto na lumaki kang hindi mo kasama ang Papa mo kaya sana wag kang magalit kay Mama,"umiiyak na sabi ni Chimmy habang yakap ang anak. Pinahid naman ni Bryn ang mga luha ng kanyang ina. "Hindi niyo kailangan mag-sorry Mama dahil wala naman po kayong kasalanan,mahal na mahal ko po kayo,"wika nito sa kanyang ina. Sa murang edad ni Bryn hindi lubos maisip ni Chimmy na ganito kalawak ang pag-iisip at pag-intindi ni Bryn sa sitwasyon. "Tita may anak din po ba kayo na walang ama,"tanong nito kay shiela ng makita niyang umiiyak din ito. Napatawa naman si Chimmy sa sinabi ng anak niya kay Shiela. "Ang drama niyo kasing mag-ina kaya ayan tuloy napaiyak ako,"tsaka naman niyakap ni Shiela si Bryn."Don't cry na po Tita love ko din po kayo." Matapos ang iyakang naganap sa hapag kainan inasikaso na ni Chimmy ang anak niya dahil pupunta na sila ng Bryn Cafe.Napag pasyahan nila ni Shiela noon na ipangalan sa anak niya ang cafe nila. Halos mga staff nila ay kapwa pinoy kaya hindi sila nahihirapan.Sa sunday na rin ang uwi niya sa pilipinas kasama si Owen.Sinabi niya sa magulang niya na hindi niya maisasama pauwi si Bryn mas mabuti nga daw yun para hindi sila magkita ng ama niya. Alam kong may magiging ugnayan parin kami ni Brent at yun ay dahil nalang kay Bryn.Yung sa amin ay tapos na dahil patay na ang pagmamahal ko sa kanya,isa na lang kaming estranghero sa isa't-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD