Chapter II.
Kakagising lang ni ken tanghali na kaya ang inakala niya ay wala na ang ama at mga kapatid nito sa bahay nila, napakalaki ng kanilang bahay na worth twenty million yen dollars. Minsan ay di na sila halos nagkikita sa lawak ng bahay nila, naka boxer shorts pa ang binata ng bumaba di man lang ito nag hilamos mas gusto nito mag swimming sa kanilang malawak na swimming pool.
Mag-huhubad na sana ang binata ng bigla naman siya tinawag ng kanyang ama na kasalukuyang kumakain ng lunch malapit sa kanilang pool area.
“Ken tabenai no? (ken aren't you going to eat?) “ tanong ng ama sa kanya, umiiwas si ken sa g**o kaya minaboti na lamang niyang makipag usap ng maayos dito.
“No I’m still full” tipid na sagot ng binata sa ama habang inaabot nito ang baso ng juice.
“Watashi wa anata ga mada ippaida to omotta. (I thought you are still full)” pagbirong sambit ng ama sabay hablot sa baso ng orange juice sa kamay ng anak.
Aalis na sana si ken ng biglang nagsalita ulit ang matanda.
“Ken. I am not getting any younger anymore, I want you to fix your life son. You’re my only son and I want you to be my heir and manage everything in the future.”. Bakas sa boses ng matanda ang labis na pagsisisi sa mga ginawa sa anak.
“This isn’t time yet for us to talk, but I want you to know that everything I did is only what’s best for you.” pangangatwiran naman ng ama ni ken.
Walang imik naman si ken na umalis sa harapan ng ama, alam niya sa sarili na kahit ano pa man ang gagawin niya ay ama pa rin niya ito. Masakit man ang loob ni ken dahil sa mga nangyari aminado siya na mahal pa rin naman niya ang kanyang ama. Nag ayos na lamang ang binata para makapag libang kasama nanaman ang kanyang mga kagrupo sa banda, gawain na din kasi nila na mag practice kapag wala ang mga itong pasok.
Sakay ng kanyang 2022 Toyota GR Supra na sports car pinaharurot ni ken ang sasakyan papunta sa bahay ni hero.
Pagdating ni ken nakita naman niya agad ang mga kabanda nito ngunit halata niyang wala si trevor at audrey, batid ni ken na alam ng mga ito na pupunya siya kaya mas ninais na lamang nila na umiwas.
“Bro.. Trevor's not coming?’ tanong ni ken sa kaibigan.
“No, he’s with audrey” sagot naman ng kaibigan sa tanong niya.
Nakaramdam naman ng lungkot si kenji ng marinig ang mga sinabi ni hero, para siyang na gi-guilty sa mga nagawa ng nakaraang gabi. Alam niya na nasobrahan siya sa pang iinsulto kay audrey, malungkot man na kulang sila minabuti na lamang ng grupo niya na taposin na lang ang practice.
“Bro.. let’s go to the arcade after practice.” pag-anyaya naman ni ken sa mga kaibigan.
“Sorry ken, I have to attend something important after the practice”. Sagot naman sa kanya ni hero. Ayaw din sumama ng iba pa niyang mga kabanda, hindi alam ni ken kong iniiwasan lang ba siya ng mga ito dahil sa mga nangyari. Si trevor padin naman kasi ang lead ng banda at alam niya na mas loyal ang mga ito sa binata kung ikukumpara sa kanya, kaya mas pinili na lamang niyang mag arcade mag isa. Pagkatapos ng practice pumunta naman agad si ken sa “VIP Elite Club” isang private club na kinabibilangan ng kanilang pamilya. VIP Elite, as its name says, is a VIP Elite Club for the elite members of society. It is where the most influential, rich and famous entrepreneurs enjoy their lives most of the time. Di pa man sila magkakapatid ipinapanganak member na ng club ang ama nila kong kaya’y hanggang nagkaanak ang mga ito ay naisali na din sil ng ama. Isa ang VIP Elite Club sa paborito din tambayan nilang mag barkada, pati din naman kasi ang mga ito ay members din sa club na iyon ang mga magulang. Madaming pwedeng paglibanagn doon may mga casino, maron ding bar, mall, hotel, swimming pools, private areas for private owners, arcade at marami pang iba.
“Hazel sigurado ka bang pwede tayo pumasok dito?” Gulat na tanong ni dave sa bff niyang si hazel. Nasa harap kasi sila ng isang prestigious club, dito nagtatrabaho bilang part-time waiter si hazel. Sakto na naghahanap sila ng isang makakatulong dahil ng emergency leave ang isa sa mga sa waiter na kasamahan nila. Naisip ng dalaga na si dave na lang ang isama sayang din naman kasi ang kita sa isang gabi wala din naman pasok kinaumagahan kaya sakto lang din si dave.
“Dave ano kaba! Umayos ka nga diyan, wag moko ipapahiya ha. Dito ka lang kakausapin ko lang ang boss ko sasabihin ko na nandito kana. Basta pag magtanong kung marunong ka sa gawain oo lang ng oo okay? Ako bahala sayo!” mahabang paliwanag naman ni hazel sa kanya.
“Okay” tanging nasagot ni dave sa dalaga. Kabado man tinanggap pa din ni dave ang trabaho. Wala din naman kasi siyang gagawin kaya nagpaalam siya sa mga magulang. Wala namang kaso sa mga ito ang gagawin ng anak nila, kampanti naman kasi sila na si hazel ang kasama nito.
Kita ni dave na nakikipag usap si hazel sa isang hapon na lalaki nakatingin pa ang mga ito sa kanya at pa ngiti-ngiti pa ang kaibigan niya habang tinutoru siya, na kumpirma din ni dave na ito ang chief na tinutukoy ni hazel basi sa sinusuot nitong damit. Ani hazel ito din daw ang nag utos sa kanya na maghanap ng pansamantalang kasama na waiter.
“Oh okay na palit kana ng damit” sabay abot ng dalaga sa kanya ng damit na pang waiter.
“Oh dave basta pag di mo alam ang sinasabi nila lagyan mo nalang ng marker na check yong picture ako na bahala mag lista sa papel may code kasi yan eh, wag ka mag-alala kasi nabubura naman yang marker na gamit mo! Umakto ka nalang na nagsusulat ka sa papel para di halata na baguhan ka pa lang. Basta maging alerto ka lang sa mga mago-order at magta-tawag ng waiter, okay ba yon?” mahabang pagpapaliwanag naman ni hazel sa kanya.
“Okay sige-sige” sang ayon naman ni dave sa kaibigan kahit na alam niyang medyo kabado siya. Ikaw ba naman puro bilyonaryo yang makakaharap mo di ka kaya kabahan?
Wag ka mag alala madami din tayong pinoy dito, pwede ka din mag tanong sa mga kasama ko mababait naman ang mga yon e. At ibinilin na kita sa kanila.
“Sige thank you bff ha” sagot naman ni dave sabay lakad papasok sa loob ng dining area.
Marami-rami na din si dave na inasikaso na mga customer, wala naman siyang naging problema don hanggang sa may tumawag sa kanya na isang pamilyar na boses. Lumapit si dave sa gitna ng mga table.
“Look who I found” nakangising sambit ni audrey sa kanya, kasama nito si trevor sa mesa.
“Tsk! Pag minamalas ka nga naman” sa isip-isip ni dave, palinga-linga pa siya na nagbabakasakali na may ibang lumapit na waiter sa dalaga. Ayaw ni dave ng g**o at alam din niya kong paano makipaglaro itong si audrey, ayaw niyang mapahiya si hazel sa boss nito.
“Hello David “ ngiting aso na bati naman sa kanya ng dalaga.
“Hi Audrey, here is our menu” sabay abot niya sa menu book ng restaurant, pagka abot ni dave sinadya naman itong e hulog ni audrey.
“Oww! Sorry I am so clumsy, would you mind?” pangiirita pa nito sa kanya sabay turo sa menu.
“It’s okay” pagkasabi ay pinulot na nito ang nahulog na gamit sa sahig. Pagkatapos mag order ng dalag umalis na kaagad si dave patungo kay hazel na kanina pa pala nakamasid sa sulok.
“Bruha talaga yang audrey na yan” galit naman na bungad ni hazel sa kanya.
“Naku! Hayaan mo na, wag na tayo makipagtalo sa mga yan baka ma sisante kapa” ani dave na bakas ang pag aalala.
“Hmmmm! Naiirita talaga ako sa babaeng yan, sige na ayan na ang order mo pagkatapos balik kana sito iba na lang magliligpit non”. Ani hazel na naiinis pa din sabay turo sa mga pagkain.
Naglalakad si dave patungo sa table nina audrey at trevor, di niya alam peru kabado siya sa mga ngiti ng dalawa para bang may pinaplano ang mga ito sa kanyang hindi maganda.
“Hi here is your orde–” di na natapos ni dave ang sasabihin ng sadya siyang tinisod ni trevor.
Napa lagapak naman si dave sa sahig ng restaurant, naibuhos lahat sa kanya ang mushroom soup na inorder ng dalawa ang iba pang mga pagkain ay natapon sa sahig. Hiyang hiya naman si dave sa lahat ng tao na nandoon, tumayo siya at inayos ang sarili.
“What are you stupid? I will not pay for all of that. that's your fault” pasigaw na bulyaw naman ni audrey kay dave.
Isa-isa din niyang kinuha at niligpit ang lahat ng mga natapon sa sahig. nagulat si dave ng may isang lalaki ang nag magandang loob na tulungan siya.
“Sir don’t I can handle this, it’s okay” ani dave sa lalaki.
“No you’re not! Look at you, you look like a chicken floating in soup” laking gulat naman ni dave ng makita na si ken pala ang tumulong sa kanya. Mas nahiya siya lalo sa mga nangyayari.
Tumayo naman si ken at tinitigan ang dalawa, bakas naman sa mukha ni audrey ang inis sa pagtulong ni ken sa lalaki.
“You two need to pay for everything, I saw what you did trevor” ani ken sabay titig sa lalaki na si trevor.
“Why am I the one carrying it? It's not my fault that david doesn't know how to carry it properly.” ani trevor na may ng i-insultong ngiti sa mga labi.
Lumapit naman sa kanila ang manager ng nasabing restaurant kasama si hazel, bakas naman sa mukha ng manager na galit ito sa eksena na nangyari. Magsasalita na sana ito ng makita niya si ken na may bitbit pang basag na baso.
“Kon'nichiwa chibi, anata wa CCTV o motte imasu ka? (Hi Chibi! Do you have CCTV right?)” ani ken sa manager sa maotoridad na boses.
“Hai, watashitachi wa motte imasu. (yes sir we have).” sagot naman ng manager sa binata.
“Saisei dekimasu ka? (Can we replay it?)” utos ni ken sa lalaki.
Tumango naman ito at lalakad na sana papalyo ng bigla naman nag salita si audrey.
“Stop! You don’t have to, I’ll pay for everything” sabay abot ng kanyang credit card sa manager. Matalim naman ang tingin nito kay ken, sabay hablot kay trevor papalabas ng restaurant.
“You will regret this kenji” pagbabanta naman ni trevor sabay alis.
Binalingan naman ni ken si dave bakas sa mukha nito ang labis na kahihiyan sa mga nangyayari, kita niya din na naliligo na ito sa sabaw. Naawa siya dito di niya alam peru gusto niya itong yakapin, inabot naman niya dito ang panya na kinuha niya sa bulsa.
“Here” sabay abot ng panyo “are you okay?” dugtong pa niya na tanong sa binata.
“Yes, I think!” hilaw na ngiti ang binigay nito sa kanya.
“Chibi, koitsu o tsureteiku (Chibi I will take this man with me)” ani ken sa manager ng restaurant.
“Let’s go?” tanong niya dito.
“Wait! where are we going?” tanong naman ni dave sa kanya.
“Just trust me!” aniya sabay hawak sa mga kamay nito at humakbang papalayo.
Tinapunan naman ni dave si hazel ng tingin at ng nag apporve sign ito saka lamang siya pumayag.
Pinabihis muna niya ito at saka sila sumakay sa sasakyan, nag drive na si ken huminto muna ito sa isang convenient store at bumili ng kanilang makakain. Tinanong pa niya si dave kung ano ba ang gusto nitong kainin.
“I’m not picky, choose anything you want” ani dave sa kanya.
“Okay” nakangiti naman niya na tugon dito.
Pagbalik may mga dala na siyang pagkain, beer, chips at iba pa.
“Shall we?” tanong pa nito sa kanya. Ngiti lamang ang naging sagot ni dave sa kanya.
Ewan nga ba ni ken simula kasi ng makita niya si dave sa gig nila noong cultural night na sinisigaw ang kanyang pangalan lasing na lasing pa ito, pilit niya na agad itong hinanap sa loob ng campus. Ngayon na alam na niya ang ugali nito tila komportable siya na makasama ang lalaki kahit na di siya sigurado sa nararamdaman.
Habang nasa byahe nakatulog naman si dave, tinititigan niya ito na mahimbing na natutulog. Balak niya na dalhin ang huli sa Mount Moiwa (Sapporo, Hokkaidō) ito kasi ang isa sa pinakapaborito niyang tanawin kapag siya ay nalulungkot at naaalala ang ina. Nagsilbi itong stress reliever ni ken ng mga panahon na siya ay lugmok sa kakaisip sa kanyang namayapang ina.
Bigla na naman niyang naisip ang ina "mama I know what I am doing right now is not what you want me to be, but I can't help it" aniya sa isip na humihingi ng tawad sa inang namayapa na.
Titig na titig pa din si ken sa maamong mukha ni dave, masaya siya na nakasama niya ito sa gabing yon.
Pagdating niya sa mount moiwa dahan dahan naman niyang ginising ang binata.
"Dave, dave" pag yogyog pa niya sa balikat nito. "hey david" nakalapat ang mga mukha niya sa muka nito.
"mmmmmmmmm" pag uunat naman ng huli medyo nagulat pa ito ng makitang nakadikit na ang mga mukha nila.
"oww! sorry did I bother your sleep?" tanong na lamang nito.
"no! not at all" sabi naman sa kanya ni dave na di maiwasang mapatitig sa kanya.
"come lets go" anyaya naman niya sabay opo sa damuhan.
"You know this place is our secret place ,me and my mom used to come here when she was tired and stressed." ani ken sabay abot naman ky dave ng isang can ng beer.
"This place is heaven" sagot naman ni dave sa kanya masaya din naman si ken na makitang natutuwa ang binata sa tanawin na nakikita.
"Dave" pagtawag naman niya sa lalaki
"hmmmm?" tanong nito na nakaharap pa rin sa malawak na tanawin, tanaw nila ang city sa baba na nagmistulang Las Vegas sa ganda.
Tumabi naman siya dito sabay lagok sa beer na hawak.
"Do you remember when I told you, you owe me one?" tanong niya rito.
Gulat at kabado naman ang mga titig ni dave sa kanya, walang salitang hinagkan niya ito sa mga labi.
Pinagsaluhan nilang dalawa ang bugso ng kanilang mga damdamin, they are kissing as passionate as what you can see in some romantic movies. Nasapo ni ken ang mga ulo ni dave at pinahiga niya ito, nasa akto na sila na ganun ng bigla naman tumunog ang cellphone ni dave pagkuha niya ay nakita niyang tumatawag na kanyang ina.
“Ssshhh” ani dave sa kanya at nag sign na tumahimik, tumango naman siya dito bilang pag sang-ayon.
“Hello ma,” ani dave sa kabilang linya,
“Dave anak anong oras ba kayo matatapos ni hazel diyan?, mag-aalas tres na ng madaling araw ahh” nag-aalalang wika naman ng mama ni dave.
“Mama may pinuntahan lang kami, uuwi na din po ako maya maya mama” tugon naman ng binata sa ina.
“Magkasama pa din ba kayo ni hazel?” tanong ulit nito sa binata.
“ahh O-opo ma” nauutal naman na wika ni dave sa ina.
“Ah ganun ba, oh siya mag ingat kayo sa pag uwi” pag-papaalala naman ng ginang sa anak.
“Okay po ma, thank you” ani dave sa ina at ibinaba ang telepono.
“Who’s that?” tanong niya sa binata na may halong pag tataka.
“That was my mom” tugon naman sa kanya ni dave.
“Hmm are you sure?” tila hindi siya kumbinsido dito, di niya kasi maintindihan ang mga sinasabi nito.
“Yes, are you jealous?” tanong sa kanya ni dave.
“Ahmm no?” patanong pa niya na sambit dito.
Napangiti naman sa kanya ang binata, kita kasi sa mukha ni ken ang mapupula niyang mga pisngi.
“NO? With a question mark? Or no with exclamation mark!” pabiro pa na tanong sa kanya ni dave.
Bigla naman siya nakadama ng hiya alam niya kasi na wala siyang dahilan na magalit dito, wala naman kasi silang label at ilang oras pa lamang niya itong nakakasama. Ngunit di niya maintindihan ang sarili sa mga nadarama.
“Don’t worry it really is my mom” sabi ni dave sa kanya sabay pakita dito ng phone na may history call ng ina.
“Dave I know it’s too early, and you don’t even know me yet! but I can’t help my feelings, I don’t know why, I don’t know how but this is what I feel” pag confess naman niya sa binata ng kanyang tunay na nadarama.
“When I first saw you at the cultural night you were calling out my name, you even called me kenji my love and that was the most gratifying word I ever heard from someone I didn’t even know yet.” paliwanag niya “dave please give me a chance to express my feelings to you, I won’t hurt you I promise” pangungumbinsi ni ken sa binata.
“HAHAHAHAHAHAHA!” malakas na tawa naman ni dave sa kanya.
“What?” aniya na naguguluhan.
Tinitigan naman siya ni dave sabay sabi ng “isn’t it funny? I’ve always wanted you since then, and all my hopes were gone because I thought it was unlikely that you would have a feeling with a bisexual like me. But now you are the one who has the courage to be honest about what you feel” mahabang pagpapaliwanag naman ni dave sa kanya na ikinatuwa naman niya.
Muli niya hinagkan si dave sa mga labi nito, matagal nilang pinagsaluhan ang mainit na halik, tinitigan niya ito sabay sabi ng.
“Dave, can you be my bifriend?” tanong niya sa kaharap
“Bifriend?” nagtataka na tanong naman ni dave sa kanya.
“Bi Friend, as bi-s****l boyfriend” aniya sa lalaki
Sabay pa silang nagtatawanan “YES” pag sagot naman sa kanya ni dave.
Niyakap niya ito ng pagka higpit at sabay na din silang tumayo papunta sa kotse nito.
Nasa Harap na sila ng bahay nila ng bababa pa sana si ken parag pagbuksan siya ng pinto ng sasakyan ng bigla niya itong pigilan.
“Wait, I need to tell you something first. My parents doesn’t know I’m Bi” aniya kay ken na nakikinig naman ng mabuti sa kanya. “can we keep our relationship a secret for now, I will explain everything to you in the next few days, for now go home and rest” aniya kay ken na nakikinig pa din ng mabuti
“ l will respect whatever your decision is, give me your number so i can update you” pag tugon naman sa kanya ni ken.
Kinuha ni ken ang cellphone nito at nag type ng kanyang numero.
“Call me when you get home” ani dave sa lalaki.
Ng aktong bababa na sana si dave ng bigla naman siyang hilain ni ken sabay halik sa mga labi. Buti na lang talaga tinted ang sasakyan ng binata kong hindi patay siya sa kanyang ama pag nakita siya nito.
“Bye, thank you! You take care okay” ani dave at bumaba na nga sa sasakyan.
Nakangiti pa si dave habang papasok na ng gate ng bahay alas singko na ng madaling araw, peru parang hindi siya makakatulog sa lahat ng mga nangyari. Para bang nagpapasalamat pa siya sa ginawa ni audrey at trevor na pamamahiya sa kanya sa retaurant kanina, kong hindi dahil sa kanila ay hindi pa niya malalaman na matagal na din pala may gusto sa kanya si ken.
“Lord Thank you po! mahal nyo talaga ako, alam na alam niyo na matagal ko ng inaasam si ken” ani dave sa sarili na nagpapasalamat sa panginoon sa nangyari.
Malas man na maituturing ang nangyari kanina sa restaurant eh naging swerti din naman ito para sa kanya.
“Blessings in disguise” aniya na bakas pa din ang malapad na ngiti sa mga labi.
Kakatapos niya lang maligo mag alas sais na nga umaga, beeeeeppppp! vibrate na nagmula sa cellphone ni dave nakatanggap siya ng message.
“Hey babe, I’m home. Thanks for tonight” message na galing sa isang unknown number.
“Teka si ken ba to” tanong ni dave sa sarili, tinawagan niya ang number.
“Hey, are you okay?” tinig na nagmula kay ken sa kabilang linya.
“Yep! Just wanna make sure this is you” ani dave kay ken.
“Okay, I’m tired, let’s go to sleep” sabi naman ni ken
“Okay , sweet dreams.” paglalambing naman ni dave sa isa
“I love you” ani ken sa pagod na boses,
“I love you more” pagtugon naman ni dave sabay off sa tawag.
Walang ma pagsidlan ang saya na nadarama ni dave sa mga oras na iyon, di talaga siya makapaniwala na ang hot na crush ng kababaihan sa school ay siya pa ang nagustuhan.
“Lord sana hindi lang ito isang panaginip” ani dave sabay pikit sa mga mata.
Ala una na ng tanghali na gising si dave, di pa sana siya magigising kung di niya narinig na may mga nagtatawanan sa kanilang sala.
“Aaaaaahhhh ano ba yan” reklamo ni dave, kinuha agad niya ang cellphone, meron yong 3 messages binasa niya ito isa isa.
“Babe are you awake?”
“when you wake up, eat right away, okay”
“I'm leaving, maybe tomorrow I won't be able to go to school, so be careful”
Tatlong mensahe na nakapag pasaya ng husto sa kanya.
“Saan kaya siya pupunta” tanong naman ng utak ni dave “hmmm teka tanungin ko kaya siya” aniya sa sarili.
“Hello babe I just woke up, where are you going tomorrow? you too be careful. Message me when you have time” mahabang mensahe naman ni dave sa kasintahan.
“Dave oh gising kana pa diyan, andito ang tita Arzel mo” sabi ng mama ni dave na ang tinutukoy ay ang mama ni mathew na nakakatandang kapatid niya.
“Kaya pala ang ingay” ani dave sa ina na para bang naiinis sa mga naririnig.
“Aba-aba ang pogi kong pamangkin nagrereklamo”
Nabigla naman siya sa pagpasok ng tiyahin niya sa loob ng kanyang kwarto, nakasanayan na ng tiyahin ang pumasok sa kwarto ng pamangkin. Para na din niya kasi nitong anak kung ituring, lumakad naman ito at tumabi sa kanya sa paghiga. Ganoon ito ka sweet at maalaga sa kanya pareho kasi sila ni mathew na nag iisang mga anak ng kanilang mga mama.
“Ang ingay niyo po kasi tita” ani dave sabay talikod ng higa, nahihiya siya di pa kasi siya nakapag mumog at hilamos.
“Aba nahiya ka pa talaga, e dati nga putotoy mo yang hinahalikan namin ng mama mo diba arce” tukso naman sa kanya ng tiyahin.
“Tita naman e baby pa ako non e” ani dave sa tiya halata na halata sa mukha ang kahihiyan,
Tinawanan na lamang siya nga mga ito.
“Oh maligo kana doon at may nag aantay sayo sa baba” ang sabi ng kanyang tita arzel.
Pagka alis nga ng mama at tiya nito ay naligo naman siya, nasa loob na nga siya ng banyo ng bigla naman niya maalala ang nangyari ng nakaraang gabi, napakagat labi na lamang si dave ng maisip ang mga halik na iginawad sa kanya ni ken. Di siya makapaniwala na nakuha na niya ang lalaking matagal na niyang inaasam asam.
“Hayyy totoo ba to?” tanong pa niya sa sarili tila kasi napaka imposible na nagustuhan din siya ni ken, marami din kasi ang nagkakagusto dito.
Tinapos na nga niya ang paliligo at gumayak na pababa patungo sa nagsisiyahang mga kamag-anak. Nandoon si mathew at ang tita arzel niya kasama ang iba pa niyang mga kamag anak.
Napapaisip si dave tigasin kasi siya kapag kasama nito ang pamilya, wala pa kasing may nakakaalam sa tunay niyang pagkatao.
“Nga pala dave ito nga pala si Aika anak ng ninong John mo” pagpapakilala naman ng kanyang ama sa dalaga.
Hindi ni dave namalayan na bukod pala sa kanilang pamilya ay meron pa pala silang ibang bisita.
“Hi dave” bati naman sa kanya ng dalagang si aika, maganda ito simple at ang cute lang ng mukha, may bilogan itong mga mata matangos na ilong, may bangs at hanggang balikat lang na mga buhok. Mukha siyang anime in real life, parang barbie naman ang hubog ng katawan.
“Helo” balik naman ni dave sa dalaga, di niya alam peru ang weird kasi ng tingin ng mga tao sa kanya. Ito ba ang sinasabi ng tiyahin niya na nag aantay sa kanya sa baba.
“Dave pwede bang samahan mo muna si aika kumuha ng pagkain” sabi ng tatay ni dave sabay abot sa kanya ng isang plato.
Kinuha ni dave ang plato na inabot sa kanya ng ama di niya alam peru para bang may ibang kutob ang namumuo sa utak niya.
“Aika kuha ka lang ano gusto mo?” tanong niya sa dalaga.
“Ayy ako na dave nakakahiya naman sayo” sambit ni aika sa kanya.
Di alam ni dave peru na tetense kasi siya sa presensya ng dalaga, para kasi siya nitong pinagmamasdan ng mabuti.
“Okay ka lang ba?” tanong ng dalaga sa kanya
“Huh okay lang naman bakit?” sagot naman ni dave
“Ahh wala” tugon ni aika na nagpatuloy na lamang sa pag sandok ng mga pagkain.
“Ikaw okay ka lang ba dito?” siya naman ang nagtanong sa babae.
“Oo naman elang buwang kaya namin pinagplanuhan to” ani aika sa kanya
Kinakabahan si dave peru parang feeling niya eh pagkakasundo siya ng mga magulang dito.
“Bakit ano bang meron” kabadong tanong ni dave.
Tiningnan naman siya ni aika na para bang naguguluhan ito sa mga tinatanong niya.
“Hindi mo ba alam?” pagtataka ng dalaga
“namamanhikan kami, kayo nga sana ang dapat na pumunta sa bahay peru napagkasunduan nila na dito na lang mas malawak kasi ang bahay ninyo kisa sa apartment namin.” pagpapaliwanag ng dalaga.
"ano ma-mamanhikan?” pasigaw ba sambit ni dave nagulat naman ang lahat sa naging reaksyon niya
"Ma! Pa! bat naman ganon? bat naman sobrang bilis? mamanhikan na agad? di ba pwede mag get to know each other muna kami ni aika? mama diba sabi mo tapusin ko muna pag aaral ko? di pa nga ako naka graduate oh!" sunod sunod na tanong ni dave sa mga magulang
nakatitig sa kanya ang lahat na para nagtataka, para namang matatawa ang tita arzel niya sa kanyang inasta.
"POK" hhhmm yan!" batok sa kanya ni mathew. "anong getting to know each other ka diyan! eh di naman ikaw ang pakakasalan feeling mo naman ehh" erap mata na tugon sa kanya ng pinsan.
“HUH? Eh sino? Pagtatanong ni dave kay mathew.
“Di ako sino ba feeling mo si tito david?” pamimilosopo pa sa kanya ng pinsan.
“Eh kasi si papa daming alam sabi samahan ko daw si aika kumuha ng pagkain kinabahan tuloy ako” ani dave na sinisi pa ang ama sa mga kaganapan.
“Oh nag assume ka naman kaagad! Sinabi ko lang naman yon dahil may pag uusapan kaming importante” pangangatwiran naman ng ama ni dave.
“Ano ba kasi yon?” ani dave sa ama
“Ahh basta wag muna natin yan pag usapan ngayon, saka na pag final na ang lahat” sabi naman ng ama ni dave na halata ang pag iwas na pag usapan ang paksa.
Nagtawanan naman silang lahat sa naging reaksyon ni dave, tinutukso pa siya ng mga ito dahil sa ginawa niya hiyang hiya naman si dave sa mga nangyari.
“Sige na kain na ng lang tayo” sabi naman ng nanay arce niya at saka inasikaso na ang lahat. Buong gabi sila nag kwentuhan hanggang sa mag uwian na din ang iba.
Nakahiga na si dave ng maisip na naman ang nobyo, namimiss na niya ito kaagad, gusto niya itong tawagan kaya lang e nahihiya siya sa kasintahan.
“Ano ba dave, baka mainis saiyo yo” giit ng utak ni dave.
“Grabi elang oras na bago ang last message niya sa akin ahh, di man lang nakapag chat hmmm” nalulungkot na sabi ni dave sa kanyang sarili.
“E message ko kaya, kamustahin ko nga di naman siguro magagalit yon” kinuha naman ni dave ang cellphone at nag send ng message.
“Babe how are you there? always be careful, I'll see you tomorrow at school” text message ni dave sa kasintahan.
Ilang minuto din siya nag antay ng reply hanggang sa nakatulog na lamang siya.
Nasa loob na naman si ken ng bar kasama ang kanyang mga kabanda, di niya maintindihan ang sarili nagdadalawang isip siya sa mga sinabi ng ama.
Mahal na mahal ni ken si dave ngunit kailangan niya din pagbigyan ang ama sa mga huling kahilingan nito.
To be continued...