"Mister, You need to choose between your wife and your child. Kailangan mong isulat rito sa papel kung sino ang pipiliin mo. Alam kong napakahirap ng desisyon na gagawin mo ngayon pero 'yun ang nararapat dahil kung hindi ay parehas silang mawawala sa iyo!" Halos nanlumo ako sa narinig sa sinabi ng doktor. Nakita ko ang aking nakaratay na asawa sa kama at naawa ako sa kanya. Ito na siguro ang pinakamasakit na desisyon na gagawin ko sa buong buhay ko. " Baby, If you need to choose between me and our kids please choose them. Sapat na ang mga panahon na naramdaman ko ang pagmamahal mo. Sapat na 'yung mga alaala nating magkasama. Hayaan mo na makakaramdam din sila ng pagmamahal. They deserve to live.At sana kapag nawala ako sa mundong ito araw-araw mong ikukwento sa kanila kung gaano ko sil

