at masayang binalingan ito ni eunice at hinalikan ito sa labi nadurog ang puso ko
nanghina ako kaya naman isinara kong muli ang pinto ng sasakyan ko pati ang bintana ng kotse nang sa ganon ay hindi nila ako makita mula sa sasakyan pinaandar ko ang sasakyan ng kotse ko
at nagmaneho wala na pala akong babalikan
nagmaneho akong muli pauwe sana sa mansyon
pero ayoko na magmaneho kaya nag check in nalang ako sa nadaanan kong hotel
at nag inom ng naginom
naalala ang mga sandali namin ni eunice
at ngayon hindi ko na sya kaya pang tignan muli at makita sobra akong nasaktan sa lahat ng nangyare saamin akala ko noon ay madali ko makukuha ang loob at tiwala nya pero nagkamali
ako tinira nya ako patalikod matapos ko lagukin ang alak ay pabagsak ko ito nilapag sa mesa
at maya maya lang ay may pumasok na babae sa
kwarto kinontak ko ito kaya nagpunta sya dito
at doon ay inaliw ko ang sarili ko
para kahit sandali ay mawala sa isipan ko si eunice
EUNICE POV.
nag daan ang ilang buwan hindi ako kinontak
pa ni greg at sa punto na yun ay lalo ako namuhi
sakanya pagkatapos nya guluhin ang nanahimik
kong buhay heto sya at kalilimutan nalang ako ng ganun kadali
nilagawan ako ni jerome walang araw na hindi sya sumubok na pasayin ako sa kabila ng malungkot kong pinagdadaanan at sya ang saksi sa lahat ng pinagdadaanan ko nakita nya ang lahat kaya naman hindi na ako nag atubili pa na sagutin si jerome ano paba ang hahanapin ko kay jerome mabait gwapo at higit sa lahat mapagkakatiwalaan naniniwala ako sa sarili ko na magiging masaya ako mula kay jerome
pero nagkamali ako nagdaan ang mga ilang gabi
ang sunod sunod kong pag iyak pangungulila kay greg mahal ko ang lalaking iyon na lalo na ngayon dinadala ko ang anak namin
hindi ko alam mung kelan na kaya ko sya puntahan at sabihin na magkakaanak kami
hindi ko alam kung kaya ko syang makasama muli sa kabila ng mga nangyare saamin
at ngayon nanatili padin akong malakas at lumalaban habang pinagbubuntis ko ang anak namin nakaupo ako sa sofa habang sinusuklay ang buhok ko sobra na itong nipis kaya itinatago ko nalang sa bonet para maitago
at dahil buntis ako hindi nadin masama
nang makita ako ni ate at nagsalita
ano kaba tanggalin mo yang bonet mo
ang init init sabi ni ate
medyo manipis kase ei sagot ko
tingin nga sabi ni ate pero agad akong tumayo
at magsalita
andyan na si jerome at sandali lalabas lang ako
sabi ko
at mabilis nagtungo sa pinto at binuksan ko ito nakita kong papalapit saakin si jerome ngumiti
ako dito at nang makalapit sya ay hinalikan ko sya sa mga labi nya at nagsalita ito
ready ka naba..??
tanong nya saakin
kaya naman masaya akong tumango
at hinawakan nito ang mga kamay ko
at hinalikan
tara na aya ni jerome
dinala ako ni jerome sa isang magandang restaurant kaya naman masayang masaya ako
hindi nawala ang pag alalay saakin ni jerome dahil sa buntis nga ako
nang makarating kami ngayon lang ulit ako
makaka kain sa ganito ang huling naalala ko pa ay kasama ko si greg kumain sa ganitong klase ng restaurant sabi ko sa isipan ko
at maya maya lang ay nagsimula na kaming mag order ni jerome at nang ilapag ito ay magkasama
kaming kumain dalawa
ipinasyal pa ako ni jerome sa kung saan saan
at masaya ako ng araw na iyon at inabot na kami
ng gabi nang makauwe hinatid ako sa bahay ni jerome at pinapasok ko muna sya sa loob at ipinagtimpla ng kape at naupo sya sa harap
ng mesa at mataman akong pinagmasdan
habang nakangiti lang sakanya
siguro kung ice creame ako kanina pa ako natunaw sa mga titig mo sabi ko kay jerome
kaya naman natawa ito
alam mo eunice ikaw ang magandang babae na nakilala ko sabi nya na nagpawala ng ngiti ko
dahil naging seryoso itong si jerome nang sabihin nya iyon
baka gabihin ka lalo kapag pinagpatuloy mo
yang pambobola mo saakin sabi ko
jerome at agad akong muli ngumiti sakanya
hindi ko alam na ang masayang muka ko kanina ay mapapalitan pa lang ng lungkot
nang bigla nagsalita si jerome
eunice will you marry me
nagulat ako sa sinabi nya
tinitigan ko sya sa mga mata nya
jerome tanging naisagot ko
kaya naman bigla nito dinukot mula
sa bulsa nya ang kahon at inilabas ang singsing at lumuhod sa harap ko habang ako naman ay nakaupo
napansin kong isa isa lumabas sa kwarto sila nanay at tatay at ang iba ko pang mga kapatid
nkita ko ang nanay kong naiiyak habang pinanonood kami ni jerome
at doon ay bumaling ako kay jerome ng tingin
na naghihintay sa sagot ko
at doon ay tumulo ang luha ko
napaka saya kong nakilala kita jerome
sabi ko at agad hinawakan ang pisnge nito
ayoko makita kang nasasaktan
ayokong makita kang lumuluha dahil saakin
sabi ko kaya naman mabilis nagpalakpakan
sila nanay at tatay
at muli ako nagsalita nang matapos ang palakpakan nila nanay
ayoko masaktan ka saakin jerome
humanap ka ng ibang babae na pagbibigyan
ng singsing na yan yung babaeng nararapat sayo
at hindi ako yun madiin kong sabi
maya maya lang ay nawala ang ngiti nya
nang sabihin ko yun
at napansin ko ang pag aalala nila nanagmy at tatay sa pagtanggi ko kay jerome
im sorry pero sya parin ang mahal ko
dugtong ko pa nakita kong nagilid ang luha nito
at dahan dahan tumayo at hiwakan ng dalawa kong pinsge at nagsalita
im always here for you no maytef what happen
madiin nyang sabi at hinalikan ako sa pisnge
at maya maya lang ay nagtungo na ito
palabas ng pinto at tuluyan ng umalis
nabing ang tingin ko kila nanay at tatay
mabilis ako nilapitan nila at niyakap nilang lahat
at nagsalita nag nanay ko
susuportahan ka namin sa lahat ng
desisyon mo anak rerespetuhin namin iyon
sabi ni nanay habang yakap nila ako
natapos ang gabing yun ay malalim kong pinag isipan kung ano ang dapat kong gawin
at nang malaman ko kung ano dapat
ay ang puntahan ko si greg at sabihin sakanya
na sya ang ama ng anak ko
kailangan nya ako panagutan kahit anong sakit
titiisin ko kahit gaano kahirap dadamahin ko
kung ano ang kahihinatnan ng lahat ng ito
kung masaktan ko man sya sa huli
ay hindi ko iyon sinasadya
at sa pagkakataon nato para ito sa anak namin
at hindi para sa aming dalawa
tinulungan ako ni nanay sa pag aayos ng mga
dadalhin kong gamit kaunti lang ang dala ko
dahil hindi ko naman kaya magbitbit ng madami
at uuwe ako ng manila at muling mamasukan na katulong sa mansyon sasabihin ko din kay greg
ang tungkol sa pinagbubuntis ko
nasa bus na ako suot ko ang isang bonet
at nakabalabal ang ang makulay na tela
sa leeg ko
manong para
sabi ko sa manong at dahan dahan bumaba
habang hawak ko nag tyan ko at nang makababa ay sumakay pa ako ng taxi patungo na ito sa mansyon at ilan sandali lang nkarating na ako sa tapat ng mansyon ilan sandali ko mataman
na tinitigan ang mansyon nila greg at pumasok
ako sa gate nang makita nakauwang ito at hindi naisara
agad akong kumatok sa pinto ng mansyon
pero walang nagbubukas kaya naman muli ko itong kinatok at doon ay nagbukas na ito
at isang batang babaeng katulong ang nagbukas
nito napatitig ako dito naalala ang sarili ko
sakanya noong bagong salta ako sa mansyon
napansin ko dumapo ang tingin nya sa tyan ko
at nagsalita ito
ano pong kailangan nila
sabi nito saakin
mamasukan akong katulong
sabi ko
naku po hindi na po kami naghahanap ng katulong sabi nito at akmang isasara na ang pinto at agad kong pinigilan ko ito
sandali lang
habol ko sakanya
hinahanap ko si greg
si luiz greg villanueva
ama sya ng anak ko
sabi ko sa katulong nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata at maya maya lang ay pinapasok na nya ako sa loob at pinaupo sa sofa
sandali po tatawagin ko si sir sabi nya
bago tumalikod
at ilan oras lang ay nakita ko nang papalapit
si greg sa gawi ko nakatitig ito saakin
at nang makalapit ito saakin ay nagkatitigan kami
habang ito naman ay inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa nya
anong ginagawa mo dito
tanong nya
kaya naman tumayo ako
buntis ako greg sabi ko
at tinapunan nya ng tingin ang tyan ko
nakita ko nga sagot nya
mataman ko muna syang tiningnan bago ako nagsalita
ikaw ang ama nito greg
madiin kong sabi
nakita ko ang pagseryoso ng muka nya
at tumitig ito sa mga mata ko
pero tumawa ito at binaling sa iba ang tingin nya
pinatatawa mo naman ako eunice
paano ako naging ama nyan
madiin nyang tanong saakin
naguluhan ako sa naging reaksyon nya
kaya mabilis ko sya sinagot
anong paano greg ikaw ang ama nito
sigurado ako sabi ko
talaga eunice
sabi nya habang nakangisi pa
bakit..? iniwan ka naba ng lalaking kasama mo sa probinsya kaya saakin mo pinapaako yan
madiin nyang sabi kaya naman mabilis ko to sinampal ng malakas at tumulo ang luha ko
wag kana maraming sinasabi dyan
anak mo to greg
madiin kong sabi sakanya
kaya naman nakita ko ang pag galaw ng panga nya at nagsalita ito
kahapon pinuntahan kita sainyo
nakita kong hinalikan mo ang lalaki mo
at masayang masaya kapa
tapos ngayon sasabihin mong ako ang ama nyan
sabihin mo nga saakin hindi kapa tapos gumanti saakin sabi ni greg
maya maya ay nanghina ako napaupo sa sofa
at yumuko napaiyak ako at umiyak habang nakatukod ang kamay ko sa muka ko
hindi ko na kaya greg
garalgar kong sabi sakanya
paano na ang anak ko kung hindi ka nya makikilala sabi ko agad naman sumagot ito
sige ipapa dna ko yang bata
tanging sabi nito at umalis sa harap ko
tinapunan ko ito ng tingin habang nakatalikod at palayo saakin
maya maya ay nilapitan ako ng batang babae na katulong sa mansyon at sinabing ihahatid nya daw ako sa kwarto na tutuluyan ko
sumama ako dito at inalalayan paakyat ng hagdan kaya nagtaka ako kung bakit sa
taas nya ako dinadala ei ang kwarto
ng mga katulong ei nasa baba
sandali mis hindi ata dito ang kwarto ko dati
dati na kase ako naging katulong dito sabi ko
ito po kase ang bilin ni sir greg sa kwarto
daw po nya kayo dalhin ko
kaya napalunok ako sa sinabi ng batang babae
ganun ba
sabi ko nalang
nakapasok na ako sa kwarto ni greg
na dati noong namamasukan pa akong katulong dito ay napapasok ko lang itong kwarto
sa tuwing pinapalinis saakin ni greg
inikot ko ang kwarto ni greg
isa isa ko tiningnan ang lahat ng gamit nya
at lahat ay malinis at ganoon padin ang mga ayos nito
maya maya lang ay tumunog ang phone ko
at mabilis ko ito sinagot
hello sabi ko sa linya
umalis ka daw
sabi ni jerome sa linya
oo andito ngayon sa manila
sagot ko
pinuntahan mo ba sya
tanong ni jerome
oo jerome im sorry pero nakapagdesisyon na ako
kailangan makilala sya ng anak ko
gusto kong si greg ang makilala nyang ama
mahaba kong sabi sa linya
okay i'll understand
sabi ni jerome
gusto ko maging masaya ang anak ko
kapiling ang papa nya jerome ibigay mo sana saakin ang pagkakataon na to
mahaba kong sabi
i told you eunice
im always be side you
no matter what happen
sagot ni jerome sa linya
ngumiti ako dito at nagsalita
maraming salamat sayo jerome at nakilala ko
ang tulad mo
sabi ko kay jerome
nang biglang bumukas ang pinto
at nakita kong nakatingin saakin si greg
at tinapunan ng tingin ang phone na hawak ko
kaya mabilis akong nagpaalam sa linya kay jerome at agad na ibinaba
lumapit si greg saakin at inagaw ang cellphone ko
akin na yan greg.. sabi ko
pero agad nya itong nilayo saakin
at tiningnan kung sino ang nakausap ko kanina
at nagsalita sya
jerome ang pangalan nya
sabi ni greg
please greg akin na ang phone ko kailangan ko iyan mataman muna nya ako tinitigan bago ibinalik saakin ang cellphone ko
sabihin mo nga saakin eunice ano ba talaga ang plano mong gawin sabihin na natin na saakin yang nasa pupunan mo pagkatapos ano ang mangyayare buti kung iiwan mo saakin ang batang yan magiging masaya pa ako
at siguradong babalikan mo na yang jerome
mahabang sabi ni greg saakin at agad akong sumagot
oo iiwan ko sayo ang bata pagtungtung nya ng dalawang taon iiwan ko na sya sayo
madiin kong sagot
tumitig si greg saakin ng masama dama ko ang galit ni greg sa sinabi ko
mabuti naman nagkakaintindihan tayo
pero may kondisyon ako
ayoko makikita ang pagmumuka ng lalaking yan
dito sa pamamahay ko tulad ng ginawa mo noon kay glen sabi ni greg
oo sige hinding hindi mangyayare yon
dahil sa huli naman ay kami padin ang magkakasama sabi ko kay greg
nakita ko ang pag igting ng mga panga nya
oo tama hindi mo na dapat gawin yan ulit
eunice dahil kung si glen ay hindi ko natuluyan
ay sisiguraduhin na yang lalaki na yan
ang pupuruhan
sabi ni greg saakin kaya naman napatitig ako mula sa mga mata nya
makakapatay ako eunice
dugtong pa nya at tumalikod na ito at akmang aalis na sa harap ko pero muli ito lumingon
at nagsalita uli't
at wag ka makikipag kita sakanya eunice
i warned you
sabi nito at umalis na sa harap ko
nakahinga ako ng maluwag nang makaalis
sya sa harap ko hinigpitan ko ang hawak ng phone ko kaya mo to eunice sabi ko sa isipan ko
nanatili ako sa mansyon tumulong ako sa mga katulong at nakiusap kay greg na ibalik
nya ako sa pagiging katulong dahil kailangan ko
ng pera para makabalik sa pag aaral
dahilan ko kay greg kahit ang totoo ay hindi talaga yun ang rason ko kung bakit
hanggang sa lumaki na lalo ang tyan ko
at nahihirapan na ako kumilos pero pinipilit ko
at kinakaya ko ang lahat sinasabayan pa ng pagkahilo ko na lalo nagpapahirap saakin
kung minsan dumudugo pa ang ilong ko
pero agad ko inaagapan ito bago pa nila ako mapansin at sa tuwing dumadating si greg
ay madalas ko ito nahuhuling pinagmamasdan ako pero agad din nya inaalis ito saakin
nasisiyahan ako sa tuwing nahuhuli ko sya sa ganong tema mahal padin ako ni greg ramdam ko yun
papaakyat na ako ng hagdan hawak ang malaki kong tyan nangbigla may humawak sa braso ko
at inalalayan ako paakyat nakita ko ang walang reaksyon ng muka ni greg na nakatingin saakin
at inalalayan nya ako hanggang sa kwarto
pumasok ako sa loob at inayos ko ang kama
nang lapitan ako ni greg at nagsalita
yung resulta ng dna ay nag match
sabi nya saakin
pagkatapos nya yun sabihin ay wala akong isinagot sakanya at tinuloy ang pag aayos ng kama nang muli ito magsalita
any way malapit na ang kabuwanan mo
kailangan mo na huminto sa pagtatrabaho dito
sa mansyon sabi nya
hindi pwede kailangan ko makapag ipon
madiin kong sabi sakanya
paano naman ang anak ko kung may masamang mangyare sayo agad nyang sagot saakin
kaya napatigil ako sa pag aayos ng kama
at bumaling kay greg at sumagot
muka lang may mangyayare saaking masama kapag nasa tabi kita
pero ang totoo mas ligtas ako kapag ikaw ang kasama ko mahaba kong sabi kay greg
napauwang ang labi ni greg nang sabihin ko iyon
pero maya maya lang ay umalis ito sa harap ko
at lumabas ng kwarto
sumapit nanaman ang gabi at nagsuot na ako ng pantulog dahan dahan din akong nagsuklay ng buhok ko at mataman nakatitig sa salamin
tinititigan ko ang muka ko na parang mag nagbago saakin namumutla ang muka ko
at ang dating mamula mula na labi ko
ay naging putla nadin kaya agad akong humawak
sa tyan ko at hinimas ito at kinausap
alam kong masigla ka jan at hindi gaya ni mama
wag ka mag aalala konting tiis nalang anak ko
makikita mo na ang papa mo
babae ang anak ko base sa prenatal ko
at may weekend check up din ako
madalas ako nagpupunta dito
kahit ayaw ni greg na magpunta pa ako
at tatawag nalang daw ng doctor at papuntahin
ay talagang hindi ako pumapayag kahit pa madalas kami mag away
matapos ko magsuklay ay pumuwesto na ako
sa kama at nahiga pinilit ko makatulog
pero gaya nga ng nangyayare saakin tuwing gabi
ay madalas akong bangungutin sa gabi
at nang maulit nanaman ngayon gabi ay mabilis
ako bumangon sa kama at binalingan ang kama
hindi nanaman umuwe si greg
ganito ang gawain nya madalas pa ang hindi nya pagtulog dito kumpara sa pagtulog nya
nagtungo ako sa pinto para lumabas ng kwarto
at para kumuha ng tubig at uminom
nang mapansin ko ang dulo na kwarto
na nakabukas ang ilaw ang alam ko ang kwarto
na iyon ay walang tao guest room iyon
kaya nagtaka ako nang maisip na baka doon natutulog si greg kaya dahan dahan akong lumapit dito at napansin kong hindi ito naisara ng maayos kaya dahan dahan ko ito tinulak ng daliri ko at umuwang ito kaya sinilip ko agad ang kwarto at nakita ko mula sa kama
nakahiga si greg at may babaeng nakaibabaw dito nanlumo ako sa nakita ko
namugto ang mga mata ko at ilan sandali lang
ay bumuhos na ang luha ko
ilan sandali ko pa sila pinanood nakita ko
ang muka ng babae maganda ito at maputi at makinis makapal lang ang mga make up nito
walang tigil ang luha ko habang pinanonood sila
matinding sakit ang naramdaman ko nang oras na yun at hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas para makaalis sa kinatatayuan ko
maya maya ay nahagip ako ng tingin ni greg
at mabilis nyang tinabig ang babae sa ibabaw nya
at doon ay nagalaw ko agad ang sarili ko
at kumaripas ng takbo papasok sa kwarto
isinara ko ang pinto at nilock
napa upo ako sa tabi ng pinto
at doon ako umiyak nang umiyak
ayoko na sabi ko sabi ko sa isipan ko pagod na pagod na ako narinig ko ang yabag sa likod ng pinto na mukang may tao doon
pero hindi ko ito pinansin dahil alam kong si greg yun kaya nagsalita ako dahil alam ko nasalikod lang sya ng pinto at maririnig nya ako
kung saan ka masaya ibibigay ko sayo
garalgar kong sabi
kahit ang sakit sakit na greg
halos ikamatay ko na itong ibinibigay mong bangungot sa buong pagkatao ko
pilit padin kita iintindihin
kase isa lang ang pinanghahawakan ko sayo
ang mga pinangako mo
mabilis ako tumayo at nagtungo sa kama kinuha ko din ang kumot at agad ibinalot ko sa katawan ko