Tatlong araw na ang nakalilipas simula nang mag-take ng leave si Rachell. Palai s'yang nihahatid ni Lorenzo sa places na gusto niya at minsan pa'y sinusundo. Humindi nga siya pero nag-insist pa rin ito na gawin iyon. Dahil sa ginagawa ng binata ay mas nagiging close ang relationship nilang dalawa. Sa totoo lang ay may gusto si Rachell sa binata, pero hindi pa sa point na gustong-gusto na. Tulad lang ito ng paghanga sa isang tao.
Nakangiti siya habang naglalakad sa alley ng Manhattan. Nakasuot siya ngayon ng winter coat dahil malamig at bumubuhos pa ang maliliit na butil ng snow na siguradong magtatagal ngayong season.
She remembered those times when she took solace in her own warm room on cold days, snuggled up, relaxing, and even sipping her coffee with marshmallows floating on it. Pero ngayon she was fascinated by the snow. Ewan niya ba pero napapangiti siya ngayon.
Pumasok siya sa isang book and cafe shop saka pumunta ng counter para um-order. She grabbed a book from one of the shelves and went to find a seat. Isang parihabanh mesa at stall kung saan nakaharap sa glass window at kitang-kita ang mga taong naglalakad sa labas.
Nakaka-drain talaga kapag adult na. You need to work in order to survive. Maraming realization si Rachell lalo na at nakita niya ang reyalidad ngayong hindi na siya nakakulong sa bahay ng kanyang magulang. Habang lumalaki ang isang tao ay lumalaki rin ang responsibilidad nito. Mahirap. Pero dahil may mga taong gustong tumulong sa kanya, nagawa niya ang mga bagay na hindi niya nagagawa at pagharap sa masalimuot na mundo. It was all because of that man.
The man who stop her supposedly wedding to his younger brother. The man who came with her in New York and man who unexpectedly became her close companion. Alam ng lahat kung bakit ito nandito, kung ano nga ba ang maging rason kung bakit sumama ito sa kanya. Tumaas ang sulok ng labi niya.
Lorenzo.
“Hey!”
Naputol ang pagmumuni-muni ni Rachell nang may umupo sa tabi niya. Lumingin siya at nakita si Gerald na nakangiti ng malaki.
“How have you been?” tanong ng binata pagkatapos ibaba ang dalang bag sa mesa. He saw her and even wave at Rachell but the latter was too occupied by something kaya pumasok na siya sa loob.
“Hey.” Rachell smiled. “I’m good. Ikaw? Are you done with your work?”
“Yes. Actually, maaga talaga akong uuwi ngayon dahil ayaw kong lumabas mamaya dahil baka mas maraming snow ang bumagsak. Ang hirap umuwi at malamig,” sagot ni Gerald.
Ibinaba ng waitress ang coffee nilang dalawa at ngumiti bago umalis.
“By the way, napansin ko na hindi ka fluent sa Tagalog. Are you not from Philippines?”
Rachell nodded. “Actually, I was born in California at pumunta lang kami ng Pinas for my engagement kaya natuto rin ako ng Tagalog.”
“Oh, so you’re engaged?” Medyo disappointed si Gerald sa nalaman.
“No. We broke it up. It’s a long story,” sagot ni Rachell. Ayaw niya naman sabihin dito kung ano ang nangyari. Katulad nga ng sinabi ni Lorenzo, she can’t just trust any person she met. Isa pa mukha daw playboy itong si Gerald.
“Oh. I have all the time.” Sumigla bigla ang mata ni Gerald sa sagot ng dalaga. So, she’s a free woman? She’s not in a relationship right now?
His smile faded when he remember the man— Lorenzo, who came from another unit. It might be her boyfriend. Kung makatingin nga sa kanya ay may pagbabanta.
“I don’t want to talk about it,” reply ni Rachell. Isa sa mga natutunan niya ay matutong humindi kung ayaw. Hindi kailangan na i-please mo sila kagaya ng ginawa niya noon da mga magulang niya. She always meet their expectation without noticing that the glow in her eyes was slowly fading dahil para na lang s’yang robot. She’s a human not a robot just to follow orders and serve.
“It’s okay. So, ano’ng work mo?” Paglilipat topic ni Gerald. Hindi naman siya tanga para hindi mapansin na ayaw ikwento ng dalaga ang tungkol doon. Gusto niya pa sana tanungin kung ano ang relasyon niya kay Lorenzo, pero baka tingin sa kanya ni Rachell ay pakialamera.
“I’m working as an interior designer. Actually, I took a break because I've been swamped with work lately. I don’t want to stress myself dahil baka hindi kayanin ng katawan ko,” she answers then sips her coffee.
“Wow! I thought you’re into business like a financer,” aniya ni Gerald.
“Nope. I don’t want it. Mas stressful siguro iyon.” Like his dad. Overtime palagi, umaalis palagi ng ibang bansa. Minsan niya na lang ito makita together with her mom.
Ilang oras pa silang nagkwentuhan bago napagpasyahan ng dalawa na umalis na.
Bago pa makatayo si Rachell ay tumunog ang mobile phone niya at excited s’yang kinuha ito sa pag-asang galing iyon kay Lorenzo at tama nga siya.
Lorenzo: Baka ma-late ako ng pagsundo sa’yo. Kung gusto mo na umuwi, uwi ka na. Don't skip meals and take care.
She purses her lips but replied to him, saying that she will. Tumingin siya kay Gerald at tumango dito. Mas kumakapal na ang snow sa labas at ang lamig na rin. The cold wind pierces through her skin as she bit her lips.
“Tara. May taxi doon,” yaya sa kanya ni Gerald at sumunod naman siya. Wala naman sigurong gagawing masama ang binata, ‘di ba? Same naman sila ng unit.
“Thanks.”
Gerald smiles cheekily. “No worries.”
---
Binagsak ni Rachell ang bag sa kama niya pagkatapos ay humiga. Dama niya na ngayon ang pagod but at least worth it naman dahil na-relax ang sarili niya.
She opened one of her social media accounts when he fetch her phone and the first thing she saw was the picture of a woman’s hand with a ring.
Namilog ang kanyang mata at tumingin pa sa user kung talagang si Maeve ang ang-post nito. Zi-noom niya pa ang picture.
Oh my gosh! Maeve is engaged! Napangiti si Rachell at agad na nag-comment ng congratulations. Ni-like niya rin ang post. Halos umabot ng six digits ang likes nito at may five hundred plus comments.
Sikat! Maeve is really famous sabi sa kanya ni Levine.
Then, something pop up on her mind kaya napatigil siya sa pagngiti.
Nakita na kaya ito ni Lorenzo? Ano kaya ang naging reaksyon nito? Probably he’s still hurting.
Paano nga ba ito makaka-move on kung hindi nito magawang i-delete ang picture ni Maeve sa mobile phone nito? Matagal niya nang nakita ang wallpaper ni Lorenzo.
Hindi niya mafo-force ang isang tao na magmove-on kung ito mismo ay hindi gumagawa ng hakbang kung paano.
Marami pa namang babae d’yan. Baka soon ay makita ito ni Lorenzo.
Eh, siya?
Napailing ng mabilis si Rachell at napabuntong-hininga. Why did she think it? Bakit naman napasama siya sa iniisip?
Eh, ano naman kung makahanap si Lorenzo ng iba? Paghanga lang naman ang meron siya at soon ay mawawala ito.
Tumayo siya at pumunta ng banyo. She’s going to prepare a half bath.
Pero mukhang hindi iyon ang mangyayari sa paghanga ni Rachell dahil hindi nito napapansin na hindi lang simpleng paghanga ang nararamdaman niya kay Lorenzo, bagkus ay sosobra pa doon.
Pero makakapasok nga ba siya sa puso ng binata kung may naglalaman pa rin sa puso nito?