Kinaumagahan. Nahirapang inimulat ni Rachell ang mga mata. Ang bigat. Oo nga pala. Nakatulog siya habang umiiyak. Dahan-dahan s’yang umupo sa kama at tumingin sa gilid. Wala. Walang Lorenzo ang bumalik. Napakuyom siya ng kamao. So, sinamahan ng binata si Victoria. Napahinga siya ng malalim at sinubukan na huwag umiyak. Fix yourself, Rachell. Tumayo siya at inipit ang buhok bago pumunta sa banyo. She grimaced when she saw hee face in the mirror. “You’re so ugly,” she commented while caressing her swollen eyes. Nakakahiya kung makikita s’yang ganito sa labas. Napabuga siya ng hangin at naligo. Ang tamlay niya at parang ayaw gumalaw ng katawan niya, pero gusto n’yang umalis. Nakaayos na din ang mga gamit niya sa maleta. Tiningnan niya ang kabuuang katawan sa full body mirror sa closet

