“Do we have already the main leads in this film? Nakapili na ba?” tanong ni Lorenzo sa secretary niya. Tapos na ang meeting niya sa nga investors at masasabing naging maganda ang negotiation at malaki ang pera na i-invest sa production. “Choosing pa lang po, boss. Actually, may nagugustuhan silang main lead but katulad nga po ng sabi ninyo ay kailangan pa rin mag-audition kahit ito ang napipiling cast ng production team.” Lorenzo has the biggest investment on this film kaya nasa kanya ang pinaka-desisyon. Of course, hahayaan niya na mamili ang production kahit may karapatan din siya kung sino ang mapipili. But he wanted to be fair. Kung karapat-dapat ba ito ay dapat makita nila kung gaano ito kagaling. “Tumawag po pala si Ma’am Victoria, kanina,” imporma ng sekretarya. Nagbago ba ang ihi

