Nagpalipat-lipat ang tingin ni Rachell sa dalawang lalaki na nakaupo sa mahabang sofa, pero ang laki ng pagitan sa gitna. Actually, wala s’yang kaalam-alam na pupuntahan siya nito lalo na si Lorenzo. Ang awkward ng atmosphere sa apartment niya at feeling niya ang sikip dahil sa dalawang lalaki na ‘to. “A-Ano bang gusto niyo? Juice? Water? Coffee?” tanong niya sa dalawang hindi nagpapansinan. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa dalawa habang papunta rito at sure s’yang magkasabay ito. “Water,” sabay na sagot ng dalawa. Tumingin ito sa isa’t-isa at sabay rin nag-iwas tingin. Rachell grimaced and stood up to fetch water. Baka kulang pa ang tubig sa tensyon ng dalawa kaya dadalhan na lang niya ng pitsel. “What time are you gonna stay here?” tanong ni Gerald at nag-dekwatro. Nilibot niy

