Two weeks and two days later. Nagkaroon ng family lunch ang mga Mondragon kasama ang mga babaeng iniibig ng kanilang anak. One week before pa ay bumalik si Lorenzo kasama si Rachell na agad na kinausap ni Louisa at Maeve. Of course, they wanted to know what happened at isinalaysay naman agad iyon ni Rachell, maliban lamang sa ginawa nila ni Lorenzo. Maeve was still not convinced na iyon lang ang nangyari. Napailing na lamang si Rachell dahil mukhang alam na alam ng babaeng iyon na may something pa. Iba talaga ang radar. The women are the one cooking in the kitchen. Nagpresinta na si Louisa na silang tatlo ang magluluto para sa kanilang mga asawa at nobya. Syempre naman at game na game si Maeve kahit hindi ito masyadong maalam kaysa naman kay Rachell. She just washed the dishes and cut s

