Cadie’s “Sh*t,” mura ko na lang. Malapit na ako sa address na ipinadala sa akin ni Keith. Iyong phone ko bigla na lang nawalan ng karga ang baterya dahilan para mamatay ito. Buti na lang ay natandaan ko ang house number ng address ni Vera. Nakalimutan ko kasing magdala ng cord o charger. Maalala ko pa ba iyon sa oras na ito? Hindi naman traffic kaya hindi ako in-abot ng dalawang oras. Nang makapasok ako sa village na nasa address ay agad kong hinanap ang bahay nito. Hindi naman ako nahirapan dahil malapit lang naman ang bahay niya sa may main gate. Nang ma-iparada ko na ang sasakyan ko sa tapat ng bahay na iyon ay agad na akong nag-doorbell sa bahay nila. Agad naman akong pinagbuksan at nanlalaki pa ang mga mata ko nang si Vera na mismo ang bumungad sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko. G

