Cadie's
"Tungkol sa star ng party na 'to. I'm so happy for her, matagal niya nang pinakahihintay ito. Alam ko, si Arsye mismo nagsabi sa akin tungkol sa kuwento nila," sabi pa ni Mathilda. Ngumiti sa kaniya si Kate at saka tumayo.
Nandito kami ngayon sa isa sa malaking selebrasyon sa buong bansa. Napakalaki ng party at alam ko na maraming ginastos dito. Pati ang mga empleyado nila sa Paris ay nagkakasiyahan din.
The engagement party of Carmie Alonzo and Achilliance Montinelli.
"Yeah. And ikaw, kailan mo balak magkaroon ng ganitong party?" tanong ni Kate Armalana kay Mathilda.
Marahan siya nitong hinampas sa braso. "Wala pa akong budget! Masyadong magarbo ito at saka si Cadie ang mauuna, duh!" sabi niya. Lihim na lang akong napangiwi. Natawa silang lahat, nananahimik ako rito, isasali pa nila ako sa usapan nila.
Nagsitawanan sila.
Kaming magkakaibigan ay nasa isang table lang. Nandito si Kate Armalana, Mathilda at... Geo.
Alam ko na mamaya-maya lang ay magiging present na rin ang iba. Maliban kay Keith, kakasabi lang ni Keith na nasa Chicago raw ito.
Informed din kami na ngayon magpapakita sa amin si Richsza, tsk. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Kate?
Dahil sinabi kong lahat ay nandito rin si Geo, akala ko ay buwan siyang mawawala pero umuwi siya nang tinawagan siya ni Mathilda. Dapat daw present din siya. Wala na lang din nagawa si Mathilda. I'm waiting for her to talk to me pero hindi niya naman ako pinapansin.
"Anong ako? Hindi ako mag-aasawa," walang emosyon na sabi ko sa kanila.
"Paki-lunok na lang soon, please," biglang sabi ni Geo sa akin. Inirapan niya pa ako.
"Lunukin niya na ngayon," sabi naman ni Mathilda.
Geo faked a laugh. "Bakit, nakita mo na ba the one mo?" tanong ni Geo sa akin. Ako lang ata nakapansin pero nang-aasar siya. Medyo nakaramdam na ako ng inis. Nag-iwas na lang ako ng tingin. Kanina niya pa ako hindi kinakausap tapos bigla siyang babanat ng ganiyan.
Hindi ko na talaga siya maintindihan. Hindi naman siya ganito noon.
"Oh, looking away, means yes," sabi naman ni Kate. Nagkatawanan pa talaga sila.
"Manahimik kayo, mananahimik din ako," sabi ko na lang sa kanila.
Dumapo ang tingin ko sa table nila. Nasa may unahan ito.
Nakita ko siya roon, kausap niya si Mr. and Mrs. Montinelli, her parents. Actually, kanina pa ako nakatingin sa table nila. Hindi ko lang maiwasan magandahan sa suot niya. She looks like a goddess in her long gown.
Pagkatapos ng party ay agad kaming umuwi. Si Geo ay umiwas sa akin. Hindi ko alam kung ano pa ba ang problema niya. Akala ko ba pagbalik niya ay mag-uusap kami.
Hindi ko na rin siya nilapitan para kausapin dahil baka sumabog na naman siya.
***
"There you are," I murmured. Nakita ko si Geo na naka-upo sa isang bench dito sa may park. May maleta siya sa tabi niya. Hindi ko naman naiwasang mapa-iling muna habang naglalakad na ako papalapit sa kaniya.
Nakatingala siya sa kalangitan, pinagmamasdan ang mga bituin. Totoo nga ang sinabi ni Mathilda, bumalik nga ito sa Japan pagkagaling niya sa party na 'yon. Hindi ko na kasi siya nakita pagkatapos.
Gabi na ngayon. Kagagaling ko lang sa Kahit Saan restaurant. I had dinner with that woman. The woman named Fe. I know that's it's Fe. Two letters.
Pero, I wanted to call her, Faith. Parang mas maganda lang kasi sa tenga ko kaysa sa tawagin ko siyang Fe but it's obvious that she won't want to be called Faith, she corrected me after I call her Faith.
Normal lang naman siguro since hindi niya naman pangalan 'yon.
Halos dalawang buwan na rin ang nakakalipas simula no'ng mabangga ko siya. That was the first time na naka-usap ko siya. Hindi nga lang naging maganda kasi, accidentally, nabangga ko siya. I will use that word kasi hindi ko naman talaga sinasadya. Bigla-bigla iyong pagtawid niya no'n.
At first, hindi ko inaasahan na parte siya ng Montinelli. Sa totoo lang ay hindi talaga mawala sa isip ko siya simula nang makita ko siya sa parking lot, wearing that office attire. She looks hot on it, or it's just me? Nang dumating naman ang engagement party ng chief executive officer ay hindi ko rin maiwasan mamangha sa kaniya.
I'm aware that she's beautiful kahit na may pagka-palengkera siya.
Ilang araw ang lumipas, palagi ko siyang nakikita ngunit hindi naman kami nagkakaroon ng pagkakataon na mag-usap. She's too busy and I need to be busy too. Kailangang masalba ang kompanya. Tuwing nakikita ko siya, diretso lang ang tingin at walang pinapansin na iba, maraming tanong ang pumapasok sa isip ko.
She looks like she devoted her whole life to the company. Does she have any boyfriend?
One day, an idea came up in my mind. I should tell her that I feel sorry for bumping my car into her. I told her that it was an accident. I feel sad too for cutting her skin too. I should have been more careful at that time.
Gusto ko lang mag-sorry kasi kino-konsensya ako. Pakiramdam ko, hindi niya pa rin ako pinapatawad. I don't know what's on her mind so I decided to talk to her, para na rin matahimik ako. Pumasok ako sa opisina niya't humingi ako ng tawad. She just told me that it's okay, pinatawad niya na raw ako.
And then, this day, nakita ko siya na naglalakad papasalubong sa akin. She has a smile on her face. That was... that was just too genuine.
Sa totoo lang, nagulat pa ako no'ng nalaman ko na nagdo-donate siya sa R's. Now, I have an idea, hindi na kami magtatalo ni Mathilda tungkol dito. Mathilda is also part of the group. Kapatid siya ni Arsye.
May tao kasing malaki kung mag-donate sa amin. Noon pa namin hinuhulaan kung sino ito. Ang hula ko ay isa sa mga Consejo, ang hula naman ni Mathilda ay si Alejandro.
Ayaw namang sabihin sa amin ni Keith kung sino 'yon. But we know that he knew. Ngayon, alam ko na kung sino.
It's not a part of the Consejo, or Alejandro, because she's a Montinelli.
I was amused. Doon pa lang, alam ko na may puso rin siya kahit unang impression ko sa kaniya ay masama ang ugali at palengkera.
I laughed at that thought. Gusto ko pa sana siyang maka-kuwentuhan ngayon gabi but Geo called me. Kararating niya lang ngayon, galing Japan.
Naipaliwanag niyon dahil sa katabi niyang maleta. Linggo na rin ang lumipas simula nang umalis ito. Umuwi nga siya pero hindi naman kami nagkaroon ng oras para mag-usap ng matino. Her last message to me was that once she comes back, she'll talk to me about what happened.
Iyong pagiging mainitin ang ulo niya at inis na inis siya sa akin, kaya palagi kaming nag-aaway. Hindi ko talaga siya maintindihan. Mabuti na rin siguro na umalis siya at nagpalamig.
Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyayari sa kaniya, eh.
Ilang linggo na rin simula nang malaman ko na magpinsan kami. Her mother and my mother are sisters. Hindi naman buo, pero magkapatid pa rin sila at pinsan ko pa rin si Geo.
Hindi ko pa rin ito nababanggit sa kaniya at sa tingin ko, ngayong gabi ang tamang panahon upang banggitin sa kaniya ang tungkol doon. Alam ko na magugulat siya katulad nang pagka-gulat nang malaman ko kay Anirema iyon. My mom's adopted daughter.
I dislike her because she seems to be taking the place of my sister, Vera. Pero when she stood firm and she spoke for me, naging okay kaming dalawa.
Dahil doon, humingi sa akin si Mama ng tawad kung pakiramdam ko raw ay nasasakal niya ako. I just told her how much I love her.
"Hey," tawag ko sa atensyon ni Geo. Agad siyang napatingin sa akin at napa-ayos ng upo. Ako naman ay ibinaba ko ang maleta na nasa bench din upang maka-upo ako.
Ilang minuto munang katahimikan bago siya nagsalita. "Cadie, gusto ko lang sana humingi ng tawad," sabi niya pa. Tumango naman ako. Dapat no'ng pag-uwi niya pa para um-attend sa party ng Montinelli siya humingi ng tawad.
But... hindi niya ginawa.
"Apology accepted," mabilis na sambit ko sa kaniya.
"Y-You know, you've been my bestfriend since college. Nahiya ako sa mga in-akto ko, lalo na iyong pagb*tch out ko kay Rin," sabi niya. Tumango na lang ako sa kaniya.
"Apology accepted," sabi ko na naman. "I just need an idea of why you acted like that."
Napabuntong-hininga siya. "Habang nasa Japan ako, na-realize ko na mali ang mga ginawa ko. Bestfriend kita, dapat naging open ako sa'yo, kaso natakot kaagad ako na mawala ka."
Napakunot ang noo ko. Hindi ko siya maintindihan. Anong ibig niyang sabihin?
Nilingon ko siya at nagtutubig na ang kaniyang mga mata.
"Why are you crying?" Hinarap naman ako ni Geo.
"I love you," sabi niya sa akin.
"I love you too," mabilis na namang sagot ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin tapos bigla niya akong niyakap. “Whenever I get tired since then, you're there for me. I can count on you. I love you, my friend..."
Nang sabihin ko 'yon ay bigla siyang napahagulhol. What's wrong with her?
"I love you Cadie," she whispered to me. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. "Not just being your friend. You know, the reason why I was acting like that? Lalo na no'ng nalaman ko na magkasama kayo ni Rin? I got jealous! Nagselos ako kasi mahal kita, mahal kita, Cadie! Noon pa, hindi lang pang-kaibigan. Mahal kita kung sino ka," umiiyak na sabi niya sa akin.
Hindi ko naiwasang mapanganga. Napatayo siya. "Hindi ba obvious?! Mahal kita, Cadie. Matagal na. Hindi ko lang nasabi sa iyo kaagad dahil natakot ako."
Agad akong umiling-iling sa kaniya. "Hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo, Geㅡ"
"Alam ko! Alam ko, Cadie!" she sobs. "Alam ko kung ano itong sinasabi ko sa iyo. Mahal kita, noon pa! Matagal na!"
Napatayo na ako. "Geo, pag-isipan mo nga 'yang mga pinagsasabi mo. We can't be together," sabi ko sa kaniya.
She has no idea.
She faked a laugh and wipe her tears away. "Bakit, hindi? Kasi magkaibigan lang tayo? K-Kasi hanggang doon na l-lang 'yon? I-Ikaw ba? Wala ka man lang bang nararamdaman sa akin?" Agad akong umiling sa kaniya.
"Sa simula pa lang, kaibigan na ang tingin ko sa'yo," pagsasabi ko sa kaniya ng totoo. Nag-iwas naman siya ng tingin sa akin.
Napapalatak siya. "Hindi b-ba tayo puwedeng maging C-Carmie at Achill?" sabi niya. Umiling naman ako. Naramdaman ko na may hinanakit sa boses niya. Basag na basag ang boses niya.
"Hindi," sabi ko pa sa kaniya. "I'm sorry, hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa iyo," sabi ko pa.
Napasinghap na lang din siya. "Sabi ko na nga ba..."
"Isa pa, hindi talaga tayo puwede, magpinsan tayo, Geo. Magpinsan tayo." Natigilan siya sa sinabi ko.
"What are you talking about?" singhal niya.
"Your Mom and my mother are sisters. Kaya pala ayaw sa iyo ni Mama dahil galit siya kay Tita Lagros," sabi ko. Lagros is the name of her mother.
Kinunotan niya lang ako ng noo. "That's not true..." iiling-iling na sabi niya.
"It's true, ask your mom, then," sabi ko pa sa kaniya. Hindi lang siya makapaniwala habang tinitingnan ako. Pinanlalakihan niya rin ako ng mata.
"Huwag mo 'kong susundan," aniya bago niya ako talikuran dala-dala ang maleta niya. Napasinghap na lang din ako. Napahilamos na lang ako ng mukha ko at napa-upo na lang muli sa bench. Katulad ng sabi niya ay hindi ko siya susundan dahil baka lalo lang siyang ma-pikon. Baka lalo lang siyang magalit sa akin.
Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon kay Geo. Hindi rin ako makapaniwala sa mga sinabi niya sa akin.
Damn.
Ilang minuto lang akong na-upo roon bago ako nagpasyang umalis. Sa condo ko ako dumiretso. Habang nasa elevator ako ay hindi ko maiwasang isipin siya nang makita ko ang numerong labing-pito. Nandoon ang condo unit niya. Kahit may problema ako kay Geo ay hindi ko maiwasang mapangiti.