Fe's
I suddenly received a call from my brother. "Where are you?" tanong niya sa akin.
"Hindi ba sa iyo sinabi ni Mama? Nasa condo ko ako," sabi ko pa.
"Hm? Okay, on the way na ako..."
Nanlaki naman ang mga mata ko. It's been two days since dito muna ako nag-stay sa condo ko. Hindi naman ako nagkulong dito buong linggo. Kahapon ay hindi ako pumasok sa Montinelli's.
Ngayon naman ay naisipan ko nang pumasok. Hindi rin muna ako magpapakita kay Kuya Achill... sana kaso mukhang magkikita pa rin kami ngayong araw. Hindi rin sana ko nagpapahalata sa mga pinsan ko kasi talagang papaulanan nila ako ng tanong kung bakit ako hindi pumasok kahapon.
Kamusta naman 'yong sugat ko? Okay naman siya ngayon. Medyo sariwa pa rin ang sugat ko pero kaya ko pa naman maglakad ng maayos. May kirot nga labg din talaga.
Mainit din ang mata sa akin ni Fabella. Napapansin niya siguro na may plano kaming magkapatid at involved si Acelyn.
"Ah! 'Wag ka na pumunta rito! Paalis na ako, pupunta akong opisina, oo," sabi ko at napapikit pa ako. Yes. Handa na talaga akong pumunta sa opisina.
"Sige. Kita na lang tayo ro'n," sabi ni Kuya Boss. Tumango-tango na lang ako. Inayos ko na ang gamit ko. I wear my usual office attire, plain white polo with sleeves and one-inches above the knee skirts. I also wear my three-inches heels for my feet.
Matagal nang binili ang heels na 'to. Binili ito ni Kuya Boss pero hindi para sa akin, no'ng una. Napaismid na lang ako. Inayos ko na lang din ang tali ng buhok ko. Tiningnan ko ulit ang gauze sa sa may kanang binti ko. 2 inches lang naman iyong hiwa ko pero masakit pa rin! Nakatago lang ito sa ilalim ng skirts ko para hindi ito mapansin ni Kuya Boss.
Lumabas na ako ng unit ko. Pagdating ko sa lobby ay hindi ko naman lubos akalain na makikita ko siya.
Ang lalaking nakasugat sa akin. Formal ang suot niya, he's wearing a suit. Ang linis niya lang tingnan. Hindi niya naman ako napansin. Nauna siyang naglakad sa akin. Nakasunod lang ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa parking lot. Hindi ko naman talaga siya kasama, sakto lang na sa parking lot din ang punta ko. Kagabi ay humingi ako ng pabor kay Rhys na padalhan ako ng sasakyan dito.
Mabilis lang naman kausap si Rhys kaya nagpadala nga siya rito. Inabot na lang sa akin ang susi kagabi ng nagdala. Hindi naman na siya nagtanong kung ano ang rason.
Nagtungo na siya sa kaniyang sasakyan. Gano'n na lang din ang ginawa ko. Nagpakilala ba siya akin? Parang hindi naman, hindi ko pa nga alam ang pangalan niya pero wala naman na sigurong dahilan para malaman 'yon. Nauna ko nang pinaandar ang sasakyan ko sa kaniya. Nakita ko sa side-view mirror na nakasunod lang siya.
Ipinagkibit-balikat ko na lang 'yon at hindi ko na lang sana papansinin pero nakasunod pa rin ito sa akin hanggang ngayon. Hindi ko maiwasang mapakunot ng noo.
Sinusundan niya ba ako?
Nanatiling nakakunot ang noo ko hanggang sa makarating ako sa Montinelli's. Nakasunod pa rin siya hanggang sa may parking lot. Sinusundan nga niya talaga ako. Nakaramdam na talaga ako ng pagtataka. Bakit niya naman ako susundan?
I'm sure naalala niya pa rin ako. Ano kaya ang nasa isip niya ngayon? Like 'siya iyong babaeng tinulungan kong makaligtas sa holdaper two days ago.'
Pagkababa ko ng sasakyan ay agad kong tinawag ang atensyon niya. Hindi siya sa akin nakatingin pero gusto ko lang maniguro. "Hoy! Sinusundan mo ba ako?" tanong ko sa kaniya.
Agad namang kumunot ang noo niya nang makita ako. "It's you," sabi nito. Tumango naman ako sa kaniya. "What are you doing here?" Humakbang siya papalapit sa akin. Wait, hindi niya ako sinusundan?
Pero bakit siya nandito?
Wala sa sarili namang napatingin ako sa kaniya mula ulo hanggang paa, hindi kaya... dito siya nagta-trabaho? Gosh! Kailan pa? Hindi ko naman siya nakikita or nakakasalubong. Naging pamilyar lang sa akin no'ng nabangga niya ako.
Iyong balakang ko! Huhu. Okay naman na 'yong balakang ko ngayon. Hindi ko naman na masyadong iniinda.
Akala ko talaga ay sinusundan niya ako.
"Ako dapat ang nagtatanong sa iyo niyan, what are you doing here?" tanong ko sa kaniya. Nakakunot pa rin ang noo niya at hindi ako magpapatalo. Nakakunot din ang noo ko dahil katulad niya ay naguguluhan din ako.
Ano nga ba talaga ang ginagawa niya rito? Akala ko pa naman ay sinusundan niya ako.
"I'm working here," sabi niya sa akin. Napanganga na lang ako.
"You're, what?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. "Kailan pa?" Or isa siya sa mga nakapasa sa job interview kahapon? Hindi lang ako nakarating talaga dahil nga sa aksidente. Well, sa loob din ng dalawang araw na iyon, hindi ko maiwasang isipin kung ano ang nasayang ko nang araw na iyon dahil sa bigla-bigla na lang sumusulpot na holdaper.
"Kahapon, don't tell me you are working here too. Masakit pa ba iyong hiwa mo?" He looked down to see my thigh. Hindi ko naman talaga maiwasan na mapalunok. Iba ang bagay na tumatakbo sa utak o when he looked down and when he said the word, 'hiwa'. Parang gusto ko na lang talagang pagalitan ang sarili ko.
Pero, katulad niya... kahapon daw. It means, isa siya sa mga na-hire kahapon. Akalain mo nga naman? Sobrang liit lang talaga ng mundo.
"Y-Yes..." sagot ko na lang. Nag-angat naman na ng tingin sa akin ang lalaking iyon. Ano nga ba talaga ang pangalan niya? I tried to smiled at him.
Well, may inis pa rin naman akong nararamdaman sa kaniya dahil sa pagbangga niya sa akin no'ng nakaraan but I should be thankful to him. Kasi kung hindi siya dumating? Panigurdo, pinagla-lamay-an na ako sa mga oras na ito.
"Nice," sabi niya na lang sa akin.
"Uhm, ano"— napalunok muna ako bago nagpatuloy— "I just want to say thank you for saving my life the other day," sabi ko pa. He was just looking straight at me. Hindi naman siya ganoon kalapit sa akin mga isa't kalahating metro naman ang layo nito sa akin.
"You're welcome," sabi niya sa akin. "Next time, huwag kang lalabas mag-isa especially kapag gabi," dugtong nito. Napatango-tango na lang ako. Medyo nagulat pa ako nang bigla niya na akong talikuran.
Wala sa sariling pinigilan ko siya. "W-wait!" Nag-aalangan pa ako. Nilingon niya naman ako kaagad. I extended my arms to him. "I am Fe Montinelli, what's your name?" pakilala ko sa kaniya.
I actually don't have any idea kung bakit nagpapakilala ako sa kaniya? Siguro... dahil niligtas niya ako? Ewan ko! Basta nakakaramdam pa rin ako sa kaniya sa in-akto niya no'ng mabangga ako ng sasakyan niya.
"Hi, I'm Cadie Arciego," sabi nito sa akin. Napatango-tango naman ako sa kaniya lalo na nang abutin niya ang palad ko at nag-shake hands kaming dalawa. Parang may kuryente naman na nagsi-daloy sa mga ugat ko nang magtama ang balat naming. In fairness, hindi magaspang ang kamay niya. So, I guess, mayaman din siya?
Batayan na ba talaga ang gaspang ng kamay? I mentally rolled my eyes.
Nang bumitaw siya sa kamay ko ay tinalikuran niya na talaga ako nang tuluyan. Habang pinapanood ko siya na naglalakad papalayo sa akin ay hindi ko naman talaga maiwasan na makaramdam ng inis.
Hindi niya man lang ba napansin na Montinelli ang apilyedo ko? What's wrong with him? Tapos bigla na naman akong tatalikuran? Ang bastos talaga.
Napailing-iling na lang ako pagkatapos ay sumunod na rin ako sa kaniya. Nagdire-diretso lang ako papunta sa opisina ko. Nakita ko kaagad si Tabi sa loob niyon. "Can you tell me where you were yesterday?" bungad ng pinsan ko sa akin.
"Wala ka nang pakialam doon, Tabi. Umalis ka sa opisina ko," inis na sabi ko sa kaniya. Kahit naman sagutin ko siya in English ay maiintindihan niya pa rin naman kung ano ang sinasabi ko. Sanay lang kasi talaga ‘to sa English. Hindi naman siya sa Tastotel nag-aral at lumaki.
"You b***h out with Tharina. How dare you," nanghahamon na naman na sabi ni Tabi sa'kin. Hinarap ko siya ng diretso.
"You know, what, Tabitha? Wala akong panahon para makipag-usap sa iyo tungkol dito kaya kung maaari… umalis ka na," sabi ko pa. Umirap lang siya sa akin bago ako iwan mag-isa sa opisina ko. Iyong mga mata niya... naku, napakasarap dukutin.
"Knock, knock."
Napatingin ako sa pintuan ng opisina ko nang bigla itong bumukas at iniluwa niyon ang nakakatanda kong kapatid. Si Kuya Boss...
"How are you? Kamusta lakad niyo ni Pareng Adam?" natatawa pang tanong ko sa kaniya.
"Well..." Napabuntong hininga si Kuya Boss ko kaya hindi ko maiwasan na mag-alala na naman.
"Sad ka pa rin? I know na gagana itong plano. Mapapakasalan mo siya," magpapagaan ko sa loob niya. Nag-stay lang siya sa opisina ko ng ilang minute hanggang sa nagpaalam na ito sa akin. Ako naman ay nagsimula nang magtrabaho.
Hours later, napansin ko na may email pala ako mula kay Keith Armalana.
EMAIL MESSAGE:My friend is now working there. His name was Cadie Arciego, mabait siya. Take care of him.
Napakunot ang noo niya. IT MEANS NA ANG LALAKING IYON ANG TINUTUKOY NI KEITH ARMALANA NA GUSTONG MAG-TRABAHO SA AMIN? Bakit napakaliit ng mundo?
Sobrang liit lang talaga...
Sana maliit din ang mundo namin ni...
Sana...
Cadie's
Fe Montinelli...
Sa apilyedo niya pa lang ay halata naman na isa siya sa nagma-manage ng kompanyang ito at malaki rin ang posisyon niya. Now, I am searching about Montinelli Company.
Binasa ko naman ang isang article tungkol sa Montinelli na nakita ko sa internet.
The Montinelli Company was founded in Paris, France. The Montinelli Company was founded in Paris, France. They now have large corporations handling business in the Philippines.
Since Harry Montinelli married a Filipina, their family has frequently visited that country.
This business is the biggest and one of the most popular in the world.
They own a large number of buildings and resorts worldwide.
Elison Montinelli was named Chief Executive Officer in 1970.
Elison got married to a Filipina named Aileen Vega.
In 1992, he delegated the CEO or chief executive officer to his first child. Montinelli, Achiles.
Achiles married years later, and he decided to stay with his wife in Tastotel City.
Achiles, like Elison, handed over the position to his firstborn in 2015, Achilliance Montinelli.
Achilliance Montinelli is well-known throughout the world. He's one of the most attractive bachelors. He went to Tastotel University and is friends with Keith Armalana and Misael Consejo...
Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa at napatango-tango. Nang makarating ako sa parte ng article kung saan nababanggit ang miyembro ng pamilyang iyon ay nakita ko roon ang pangalan at litrato ni Fe Montinelli. She's the one and only sister of the current CEO. Well, I have an idea kung sino ba si Achilliance.
Kaibigan siya ng kaibigan ko, si Keith at nakikita ko siya sa college campus noon.
Sa Tastotel din naman siya nagtapos.
Itong kapatid niya ang hindi? Hindi ako sigurado. Achilliance is two-year older than Fe.
Now, while l'm staring at her photos, unti-unti ko siyang naalala. Unti-unti siyang naging pamilyar sa akin. Nakikita ko nga siya noon pero hindi ko naman siya pinapansin. Sobrang laki ng campus namin. Tsk.
Bakit nga ba ako nagsasaliksik tungkol dito? Natawa na lang ako sa sarili ko. Nandito na ako sa condo ko. Maganda naman ang naging first day ko sa trabaho ko. Nararamdaman ko na tatagal ako. Pero hindi ko lang talaga lubos akalain na makakasama ko araw-araw sa isang building ang babaeng iyon. Sino pa ba? Edi ang babaeng nagpakilala lang sa akin ngayong araw.
Hindi ko rin lubos na akalain na magpapa-salamat siya sa akin. Kala ko kasi... hindi na.
Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. It's from Geo. Yes, ang tinuturing kong kaibigan ko.
Hindi ko naman iyon sinagot. May sama ng loob ako sa kaniya. Kahapon, balak ko nang sabihin sa kaniya ang mga nalaman ko, eh, nilayuan niya pa ako. Ganoon pala ang gusto niya? Sige, hindi ko siya pipigilan. Hindi ko rin siya susuyuin. Wala akong balak. Lalo na't hindi ko naman alam kung saan siya nanggagaling.
But still... she's not just my bestfriend. We're cousins. Ngayon talaga, alam ko na kung bakit ayaw ni Mama kay Geo. Dahil din sa may sama ng loob si Mama sa nanay ni Geo.
Dahil hindi ko sinagot ang tawag ni Geo ay nakita ko na nag-iwan lang ito ng mensahe.
From: GeoI'm going to Japan tomorrow. Mawawala muna ako ng ilang linggo. My Mom didn't know this. Hindi rin muna ako magpaparamdam. Alam ko na sa iyo niya ako hahanapin. Huwag mong sabihin kung nasaan ako. Sabihin mo lang na nasa maayos akong kalagayan. Sorry din pala sa mga inasal ko. Pagbalik ko, gusto kitang makausap.
Napabuntong na lang ako sa sinabi niya sa akin.
To: GeoSige.
I replied. Inilayo ko na lang ang cellphone ko sa akin. Pinatay ko na rin ang laptop ko ay nagpasyang matulog.