LIANE "Girl! Okay ka lang ba?" tanong ni Odette sa akin nang makita ako nitong nakatulala na naman. Ilang linggo na ang lumipas at napapaisip pa din ako kung tama ba ang ginawa kong hindi pakikipaghiwalay kay Daniel, isip ko ang may sabi nito pero ang puso ko sinasabing tama lang ang ginawa ko dahil mahal namin ang isa't isa pero mali 'di ba dahil may asawa pa s'ya. "Hoy!" nabaling muli ang tingin ko dito. "Okay ka lang?" tanong n'ya at tumango ako. "Oo naman. May iniisip lang," saad ko sabay tipid na ngumiti sabay harap sa laptop ko na nakabukas na wala namang laman. Huminga ako ng malalim at naisip na wag na munang isipin ang nangyayari, magtatrabaho muna ako dahil baka maapektuhan ito kung iisipin ko iyon nang paulit ulit. "Labas muna ako," paalam ko na ikinatango nilang dalawa.

