LIANE "Kailan ka pupunta doon?" tanong ko kay Daniel habang nasa byahe kami pauwi ng bahay. Kasusundo lang nito sa akin at napag usapan nga namin ung about sa wedding ni Kim na ilang araw na lang ay magaganap na. "Kasabay ko sila Miggy na pupunta doon, bali bukas. Tapos babalik ako dito para sunduin ka," tugon n'ya kaya napatango tango ako. "Hm.. okay lang kayang isama ko si Denver?" nag aalangang tanong ko. Tumingin naman s'ya sa akin bago sumagot. "Okay lang naman siguro. I'll ask Henry para mapanatag ka. Hindi pa rin s'ya okay?" Ilang linggo na din ang nakalipas simula nung nandoon sa bahay sila mama. Ilang linggo na din na nakakulong ung kapatid ko sa kwarto. Dati pag dadating ako, nandoon iyon sa kwarto at naglalaro sa phone n'ya ng mga mobile games o kaya naman nanunuod ng mo

