DANIEL "Oh!" abot nito sa susi na may kasamang nakatuping papel. Kinuha ko ung susi pati na ung nakatuping papel nang dahan-dahan habang nakatingin sa kan'ya ng nagtataka. "Ano to? Love letter? Gano'n mo ko namiss?" tanong ko sa kan'ya. "G*go!" mura nito sanay irap. "Tignan mo nang malaman mo," saad n'ya sabay lakad papunta kay Nicole at umupo sa tabi nito. Nakita ko din sa mukha ni Nics na nagtataka s'ya. Binuksan ko ung papel habang nagtataka pa ding nakatingin kay Miggy. Tinignan ko ung papel at nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ko kung anong nakalagay. "Address? Palaquig, Zambales? Ano 'to?" tanong ko at akmang lulukutin ko nang pigilan n'ya ako. "Don't! If you want to see Denise, go to that address! She's there! That's the address where she is staying right now!" singal

