LIANE Sa lumipas na ilang buwan marami ang nangyari sa buhay ko, namin ni Daniel. Hindi na nga halos kami naghihiwalay na dalawa dahil simula nung may nangyari sa amin, hindi na talaga n'ya ako inaalis sa paningin n'ya. Kung pwede nga lang ata na magresign ako at lumipat sa kompanya nila ay baka pinagawa na n'ya sa akin. Wala atang linggo na hindi kami dalawang natutulog sa iisang kwarto. Magaling lang ata talaga itong si Daniel na mag control pero kahit ganon, umiinom din naman ako ng pills. Sa nagdaang din buwan ay ikinasal sila Harold at Krystal, masayang masaya ako no'n dahil sa wakas! Mukha kasing matagal na nilang gustong magpakasal pero may pumipigil pero ngayon mukhang wala na talagang makakapigil. Sa bahay naman namin, mas nagiging malapit na si Denver at Didin kaya naman hin

