Penelope's PoV:
"Class Dismissed. You may now take your break." Was the last thing that our teacher said bago tuluyan lumabas ng room namin.
In an instance, nagsipagtayuan ang mga commoners kong kaklase. Tss. They're so noisy. Hindi naman halatang excited na excited silang magbreak time.
I'm still here sitting prettily on my seat. Kapag dyosa ka, may sarili kang time at schedule nang paglabas noh.
Tsaka lang ako nagsimulang maglakad papalabas nang makita kong clear na ang pathway ng door. Just like a Queen, walang sino man ang nagtangkang humarang sa dinadaanan ko. Good for them. Baka makasampal ako bigla ng dumb shits.
Pero automatic na nagbago ang mood ko nang makarating ako sa cafeteria. Agad na nagsalubong ang dalawa kong magandang kilay. Kung nakikita ko lang ang sarili ko, paniguradong hindi na maipinta ang beautiful face ko.
Ugh bakit naman kasi ganto huh? Bakit ang daming peeps ang nandito ngayon sa cafeteria? It's so kadiri naman kung makikipagsiksikan ako sa kanila.
Pang ibang level ang ganda, sexy, popularity, at yaman ko noh. Hindi nila ako kayang mareach. Therefore, hindi ko kailangang makipagsabayan sa kanila.
Nagsimula akong maglakad ng parang model. I walked elegantly towards the first in line in the VIP area. Tanging mga Top 30 lang ng school ang pwedeng pumila dito. I noticed that someone's on the line. Oh well, I don't care rin naman.
Agad na pumila ako sa unahan. "What? May angal ba kayo?" Nakataas-kilay kong tanong.
"W-Wala po Miss Penelope." Umiling sila bilang sagot at agad na nag-iwas ng tingin. I smirked. Good for them.
That's one of the perk of being the no.1 in the school's ranking. Ibang-iba ang trato sayo. Parang isang prinsesa na sinusunod na lahat. I really like it pa naman when I'm in command.
"1 Carbonara, 2 Caramel Pretzel Brownies, and 1 Diet Coke." At ibinigay sa kanya ang card ko. Maya-maya pa ay nandito na rin ang order ko. And take note, may tagabuhat pa.
Iginala ko ang aking tingin sa buong cafeteria. I'm looking for a nice seat. Agad namataan ng mata ko ang isang pamilyar na pigura ng tao. Nagsimula akong maglakad papunta sa kanya.
"Hello Dylan." Nakangiti kong bati sa kanya. Pero ang siste, ayun sumimangot lang sa akin.
"Go on, take a seat." Walang kaabog-abog nyang saad. Tss. Halatang ayaw na ayaw nya sa presence ko.
"Here." Binigyan ko ng tip na 1000 ang taong nagbuhat ng foods ko. Actually, I think hindi pa sapat ang binigay kong tip kung kaya't binigyan ko pa sya uli ng dalawang 1000.
"Let's eat." Masaya kong turan. Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. I prayed first before eating. Of course kahit may lahi akong demonyita, hindi ko nakalimuang magpasalamat sa mga blessings na natatanggap ko.
Hindi pa ako nakakarami nang pagkain sa carbonara nang mapansin ko ang isang tray na nakalapag sa table namin ni Dylan. I also heard the creeking sound of the chair, indicating na may umupo.
"What the? Bakit nandito ang babaitang yan kuya?!" I exclaimed. Mygoodness. Hanggang dito ba naman?
"Tss. Ang ingay naman ng bunganga mo. Ang sakit sa tenga." Masungit na saad ni Dylan at sinamaan pa ako ng tingin.
"And stop calling me kuya. Feeling ko ay ang tandang-tanda ko na eh ilang segundo lang naman ang pagitan nating dalawa." And rolled his eyes on me.
I slammed my hands on the table sa sobrang inis. Oh by the way, tama ang pagkakabasa nyo. Kapatid ko nga si Dylan. My fraternal twin to be exact.
Meet Dylan Raven Rivas. Just like me, he has the attitudes din. But of course, ako pa rin ang mas angat ang kamalditahan sa katawan. Lahat ng yun ay namana namin kay Mommy Yana noh.
"Obviously, she's my friend. I invited her to seat with us." Pag-eexplain nya. "May problema ba sa desisyon ko?"
"Meron talagang malaking problema. Alam mo namang mainit ang dugo ko sa kanya Dylan diba?" I said habang dinuduro-duro si Keziah.
The b***h just waved her hands on me na parang nang-aasar. Parang nakikita ko tuloy si Pennywise sa kanya.
"Relax Penelope. Ganon na ba ako kasexy at kaganda para pati dugo mo ay mainitan sa sobrang pagka-hot ko?" Nakangisi myang saad. She bit her lips and even gave me a wink.
I would be lying kung sasabihin kong hindi ako naapektuhan dun sa sinabi nya. For an unknown reason, I felt an unexplainable feeling with her action. Mabilis na isinawalang bahala ko yun.
"Dream on. Hindi ba't ikaw nga ang sobrang nag-iinit kapag nakikita ako?" Balik-tanong ko sa kanya. "Do you still remember what happened on the classroom?"
Kitang-kita ko kung paano nawala ang ngisi sa kanyang labi. "Stop bringing that scenario." She's clearly embarassed.
"What is she talking about Keziah?" Dylan interfere. Walang kaemosyon-emosyon ang mukha nya. Nagpalipat-lipat ang tingin nya sa aming dalawa.
"She removed the buttons of my uniform. Hinawakan nya rin yung dibdib ko Dylan!" Pagkukwento ko pa. I saw how Keziah's eyes widen in shock.
"H-Hey! Liars go to hell. Wag ka ngang magsabi ng fake news dyan." Nauutal nitong saad. I noticed that she became pale.
"Did you touched my sister's chest?" Mariing tanong ni Dylan. His lips forming a tight lip smile. Uh-oh. Ano ka ngayon Keziah? Alam kong may kaunting takot din sya kay Dylan.
"Yes pero——"
"That's it! Sasabihin ko to kay Mommy at kay Tita Samantha." My twin said with finality on his voice.
I can't help but to laugh nang makita kong parang pinagbagsakan ng langit at lupa si Keziah. Her face is so epic! Parang nalugi eh.
"Wait me here. I'll just to my friend go over there." Saad ni Dylan habang itinuturo ang isang direksyon. Akmang magrereklamo pa lang sana ako nang agad na syang tumayo at naglakad papaalis.
"Great. Now, I'm stuck with a demon like you." Naiinis akong napasandal sa upuan. Aish. Hindi ko alam kung sinasadya ba ng kapatid ko na iwan ako dito kay Keziah o hindi eh. Damn him. Lagot sya sa akin pagdating sa bahay.
"Hey! Bakit hindi mo ako pinapansin?" Nakakunot-noo kong tanong. I noticed that Keziah's eating peacefully. Hindi nya man lang ako tinatapunan ng tingin.
Naningkit bigla ang aking mata. Does that mean na hindi ako kapansin-pansin?!
She shrugged and shooked her head. It is crystal clear na sumuko na sya. Meaning, ako na naman ang nanalo sa round na to.
Keziah stood up dala-dala ang kanyang inumin. Isang ideya ang pumasok bigla sa aking isipan. I'm really brilliant.
Ayaw mo akong pansinin ha. Let's see then. I fixed my seat at agad na pinatid sya.
"Fuck." She cursed out. But damn. s**t happens. Sa sobrang bilis ng pangyayari, nalaman ko na lang na natapon na pala sa akin ang coke nya.
"Goddamn it Keziah!" Nanggigigil kong saad. Oh my god. I'm so wet na tuloy dahil sa kanya
Matalim na inirapan nya ako. "It's clearly not my fault Penelope. That's your karma dahil pinatid mo ako."
Nagpupuyos ang kalooban ko sa inis. Damn it! Hindi ako makakapayag ng ganto!
I stood up at mabilis na kinuha ang drinks ng taong pinakamalapit sa table namin. Agad na binuhos ko yun kay Keziah.
Now, we're even. Narinig kong napasinghap ang buong crowd dahil sa ginawa ko. They should be thankful at free silang makakapanood ng laban namin ng b***h na to noh.
"Taste my wratch Keziah. Nagsisimula pa lang ako." Agad na dumapo ang palad ko sa kanyang pisngi. Halatang hindi nya ine-expect ang ginawa ko.
"Just wait hanggang sa makaganti ako sayo Penelope. Sisiguraduhin ko na hindi ka makakalakad sa gagawin ko sayo." Ramdam na ramdam ko ang diin sa bawat salitang binibitawan nya.
"Mygoodness. I'm so scared!" I said sarcastically at umaktong natatakot. Pinasadahan ko sya ng tingin. She's really wet right now. Unlike me na medyo wet lang.
I can caught a glimpse of her body, including her delicious abs—— I mean, hindi kagandahang katawan.
"You should really be scared Penelope. By the way, alam kong masasarapan ka rin naman sa gagawin natin." Gumuhit ang mapaglarong ngisi sa kanyang labi.
Hindi ko maiwasang mapalunok. Damn. Ano bang plano nya? Kinabahan tuloy ako ng slight. But on top of that, naeexcite ako bigla sa sinabi nya.
I wonder kung anong gagawin namin na talagang masasarapan ako.
"Anong nangyayari dito?" Sabay na napalingon kami sa taong nagsalita. Parang nagslow-motion ang lahat nang masilayan ko ang isang lalaking akala ko ay sa mga movie at fairy tale ko lang makikita.
He's so handsome. Gosh. I think, inlove na ako sa kanya.
Oh my god. Finally, dumating na rin ang Prince Charming na matagal ko nang hinihintay.