Keziah's PoV: "Ate Kez, baka mabasag naman yung mirror kakatingin mo sa sarili mo." Ano namang ginagawa ng mahaderang batang to sa kwarto ko? I looked at her side at nakita ko ang nakakabata kong kapatid na babae. She's peeking at me. "It's none of your business, Scarlette." At humalukipkip pa. I continued staring at myself on the mirror. Ang ganda-ganda ko talaga. Isang dyosa. "Why? Sinabi ko bang business kita Ate? Actually, nag-aalala ako sa salamin. Kung tao lang yang mirror mo, paniguradong sawang-sawa na sya sayo." I groaned loudly. Ugh! This kid! Ang bata-bata pa pero mas mataray na sa akin. No way! Hindi ako makakapayag noh. "Tell me Ate, may pinapagandahan ka ba kaya hindi ka mapakali sa ayos mo?" With that, napabaling muli ang tingin ko sa kapatid kong nakapameywang na. "

