[LD2: I]

2317 Words
[LD2: I]     Ngayon ang balik ni Katy galing sa America kung san sya tumira kasama ang pamilya nya matapos malaman ng mga magulang nya kung anong nangyari sa kanya. Nasabi ni Katy na hindi sila nagkatuluyan ng tatay ng anak nya. Masyadong limited ang binibigay nya sa’kin information. Sasabihin na lang daw nya lahat sa’kin pagbalik nya.   Umalis kami ni Cliff sa dalampasigan para puntahan si Katy.   “Excited na kong makita ang bestfriend ko!” binasag ko yung katahimikan between me and Cliff. Ngumiti lang sya. Ayos na yun kesa naman wala syang reaksyon. Magsasalita pa sana ako ng biglang tumunog yung cellphone ko.   From: Katy.new   Bez, diretso ka na lang sa Romid Falo Hotel. May imi-meet kasi kong client. Pero sandali lang yun. Just text me kapag nandito ka na. Miss you! See ya later. Love lots!   “Sinong nagtext?” napansin ata ni Cliff na nakatitig lang ako sa cellphone ko.   “Si Katy. Sa Romid Falo Hotel na daw tayo dumiretso. Nandun na daw sya. Alam mo ba kung saan yun?” Hindi ko alam na may ganung hotel pala. Sabagay, wala naman akong alam pagdating sa mga hotel-hotel.   “Yeah. Alam ko yun. Bago lang yung hotel na yun pero balita ko gumagawa na sya ng pangalan not only here. Wala syang kakompetensya kaya nga balak kong magtayo ng hotel malapit sa Romid.” Kalmado lang si Cliff. May problema ba sya?   Kung hindi nyo natatanong, simula nung nawala si Tonsi mas lalo kong nakilala si Cliff. Makulit din pala sya. Palagi nya kong pinapatawa kapag nalulungkot ako. Sa tuwing naaalala ko yung mga pangungulit ni Cliff sa’kin napapangiti na naman ako.   Napatingin ako sa kanya habang nag-iisip. Ang gwapo nya talaga. Ay hindi, mas gwapo na sya ngayon. Mas lalong nadevelop yung katawan nya kaya kahit nakatuxedo sya eh kitang-kita yung kasexyhan nya. Sige, ako na ang manyak. Si Tonsi kasi hinawahan ako ng pagiging manyak.   *Deep sigh (-_-)   Naalala ko na naman si Tonsi. Siguro dapat hindi ko na sya iniisip ngayon lalo na’t si Cliff na yung nandito. Napangiti na naman ako. Nababaliw na ata ako ng hindi ko alam.   Sige, aaminin ko na. Dati hindi ko alam kung nagugustuhan ko na ba si Cliff o hinahanap ko lang talaga si Tonsi. Syempre ayoko namang gawin syang panakip butas. Kapag nga makikipagdate pa sya sa ibang babae naku nagpapaalam pa sya sa’kin. Well okay lang naman talaga sa’kin pero kapag nakikita ko sya na nagpapatawa ng ibang babae parang kinukurot yung puso ko. Akala ko naiinggit lang ako sa mga babaeng yun. Pero sa tuwing makikipagdate sya ulit ganun pa din yung nararamdaman ko. Kapag nandyan si Cliff ang saya ko pero kapag wala naman sya naiinip ako. Parang ang boring ng paligid.   Sa totoo lang bigla-bigla na lang syang sumusulpot kung nasaan ako. Yung tipong aalis sya ng company at sasabayan akong maglunch sa field sa school tapos babalik sya sa trabaho at susunduin ako pagkatapos  ng klase ko. Minsan nga kapag nagrereview ako para sa exam nagigising na lang ako na may kumot na ako tapos yung iba kong homeworks nasagutan na. Alam mo yung pakiramdam na binibigyan nya ako ng oras kahit sya mismo walang oras para sa sarili nya.   Tuwing may international meeting yan oras-oras tumatawag. Nagku-kwento ng kung anu-ano. Kung paano daw nagpapansin yung mga babae sa kanya pero hindi nya pinansin. At pagbalik na pagbalik nya dito ako agad ang pinupuntahan nya kahit wala pa syang tulog. Dati hindi ko alam kung bakit nya yun ginagawa, pero ngayon – ngayon nararamdaman ko na kung bakit.   Sa dami ng pinagdaanan namin – ilang beses akong umiyak pero nandyan sya para makinig. Hindi ko alam na nasasaktan din sya. Ang tagal nyang naghintay. Ang tagal nyang nagsacrifce. Ang tagal nyang nag-effort. Kung mapapasalamatan ko lang isa-isa yung mga nakadate nya ginawa ko na kasi kung hindi dahil sa kanila hindi ko mararamdaman na nagseselos na pala ako. Hindi ko marerealize na may nararamdaman na pala ako sa lalaking katabi ko ngayon.   Tulad ng sinabi ko two years ago, kung magmamahal ako ulit si Cliff na ang mamahalin ko at tingin ko ito na yung araw na yun. Sa totoo lang ha, ilang beses na syang nagtanong kung pwede nya kong maging girlfriend pero ilang beses ko din syang nireject. Paano na lang kung hindi na nya ulit ako tanungin? Kelangan ako na ba ang mag-initiate? I mean he did his part for so long. Kahit sino mapapagod pero sya nandito pa din. Pero what if napagod na nga sya? What if nagbago na yung feelings nya for me kung kelan alam ko na yung nararamdaman ko for him? Napaface palm na lang ako sa naisip ko.   “Hey, are you okay?” napatingin si Cliff sa’kin at hinawakan ako sa kamay. “Masama ba ang pakiramdam mo?” halata sa boses nya na nagwoworry sya.   Tiningnan ko sya habang tumitingin sya sa’kin at natingin din sa kalsada. Ngumiti lang ako at umiling then hinawakan ko yung kamay nya na nakahawak sa kamay ko. Nagulat ata sya sa ginawa ko pero bigla naman syang napangiti. Ito kasi yung unang pagkakataon na ako yung humawak sa kamay nya. Hindi ko alam kung ano ‘tong nararamdaman ko pero parang ang saya ko kahit kamay nya lang yung hawak ko.   He cleared his throat. “Hindi naman sa ayaw kong hawak mo ang kamay ko, pero sa tingin ko hindi ako makakapagdrive ng ayos kung hindi mo muna ko bibitawan.” Nakakatuwa sya, namumula sya habang nagsasalita. Tingnan ko lang sya na ganito yung itsura nya gumagaan na yung pakiramdam ko.   Tumawa ako ng malakas tsaka ko binitawan yung kamay nya. “Yan na ang first and last Mr. Airman.” Tapos tumawa ulit ako. Yung itsura nya parang kawawang tuta na iniwanan sa kalsada. Hindi ko napigilan yung pagtawa ko kaya hindi ko napansin na tumigil na kami sa parking lot ng Romid Falo Hotel.   “I guess pwede mo ng ituloy ang paghawak sa kamay ko Miss Felly.” Papalapit yung mukha ni Cliff sa’kin pero nagmadali akong bumaba ng kotse.   “Naughty Clifford!” tumatawa kong sabi. Kinuha ko yung phone ko para itext si Katy. Sobrang laki nitong hotel kaya for sure hindi kami magkikita agad ni bez.   To: Katy.new Where are you? Nandito na kami? *Message sent   Bumaba si Cliff at lumapit sa tabi ko. “Nasan na daw sya?”   *Message receieved   From: Katy.new Dito sa pool side and please cover your eyes. Surprise kasi kung anong itsura ko ngayon. Baka hindi mo ako makilala agad so please bez don’t cheat okay!   Napatawa naman ako sa sinabi ni Katy. Kelan pa naging big deal kung anong itsura nya? Siguro whale na sya ngayon. Ganun daw kasi kapag nanganak di ba?   Bigla akong binlind fold ni Cliff na ikinagulat ko.   “What are you doing Mr. Airman?” I asked my him while folding my arms across my chest.   “Sumusunod lang sa utos ng kaibigan mo! Ano bang pumasok sa isip nya at tinext nya pa talaga ko para lang sabihing siguraduhin kong hindi ka magchi-cheat. Ang weird nyo talagang magkaibigan.” Nang-aasar pa sya pero sinunod naman nya si Katy. “Nasaan nga daw ba sya?”   “Sa may pool side daw. Swear kapag pinagtripan lang ako ni Katy masasabunutan ko sya!” naiinis ako. Kanina lang nagmomoment ako tapos heto ngayon may pablindfold blindfold pa syang nalalaman.   Naramdaman kong hinawakan ni Cliff ang dalawa kong kamay. “Kung ano mang plan ni Katy hindi naman siguro masama yun.” Relax lang yung boses ni Cliff. Wala na naman akong choice. Wag lang akong madidisappoint sa mga kalokohan ni Katy.   “Don’t let go of me Clifford or else pagbubuhulin ko kayo ni Katy!!!!!!” alam kong hindi sya nate-threatened pero so what. Dahil naglet go na ko kay TOnsi eh pagti-tripan na naman nila ko?   May katagalan din kaming naglakad ni Cliff at hindi ko alam kung nasaang lupalop kami. Maya-maya naramdaman kong bumitaw si Cliff.   “Nandito na ba tayo?” tanong ko sa kanya pero hindi sya sumagot. Thanks Cliff, kelan ka pa naging bingi? Ano ba ‘tong pakiramdam ko, para akong magkakasakit. “Cliff, Katy hindi na nakakatuwa ‘to. Kapag hindi pa kayo nagsalita tatanggalin ko na ‘tong blindfold!” seryoso naman ako sa sinabi ko. Malay ko ba kung may nangyari kay Cliff tapos hindi talaga si Katy yung nagtetext sa’kin. What if nanakaw yung phone nya tapos tinext ako tapos nakita si Cliff tapos kinidnap sya.   Napapraning na ko. Kung magiintay pa ko ng kahit isang minuto ng nakablindfold swear mababaliw na ko. So hindi ko na inintay yung sagot nila Katy at Cliff, tinanggal ko na yung blindfold ko at nagulat ako sa nakita ko. Ay hindi pala, nagulat ako kasi wala kong makita. In short madilim. Okay, heto na yung k********g part. Makatotohanan na talaga ‘to at hindi ako natutuwa.   “Katy! Katy kung nandyan ka lumabas ka na or else hindi na kita mapapatawad!” Hindi ako umalis sa kinakatayuan ko dahil hindi ko alam kung malapit lang ako sa pool tapos malaglag ako eh hindi ako marunong lumangoy. “Cliff! Katy! Kahit sino! May tao ba dyan?” nagsisimula na kong kabahan. Sana wala namang masamang nangyari sa kanila. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyari sa kanila.   Papaiyak na sana ako ng biglag bumukas yung ilaw. Sa sobrang pagkabigla ng mata ko sa liwanag eh napapikit ako. Maya-maya nakarinig ako ng tumutugtog. Saxophone ata yun. Hindi ko alam kung dito yun o nabibingi lang ako.   Pagdilat ng mata ko nakita ko si Katy. Lalapitan ko na sana sya kaso biglang naglapitan yung mga waiter na may dala-dalang red rose at iniaabot sa’kin isa-isa. Tumingin ako kay Katy na may what’s-going-on-look dahil hindi ko alam kung anong nangyayari. Unang-una mas gumanda si Katy ngayon so sa tingin ko walang reason kung bakit kelangan nya pang mahiya sa itsura nya.   Maya-maya tumapat ang spotlight sa pool at nagulat ako. May nakasulat dun na ginamit ang petals ng rose.   “Will you be my girlfriend?” <3   Napatakip ako sa bibig ko. Teka ang OA ko,baka naman hindi para sa’kin ‘to. Tumingin ako sa paligid pero wala akong ibang taong nakita bukod sa mga waiters, yung tumutugtog ng saxophone at si Katy. Teka, nasaan si Cliff?   Tumingin ako kay Katy then I raised my brow pointing my index finger to the pool. Yung itsura nya parang painosente. Naghihintay ako ng explanation pero bigla syang lumingon sa likod nya at tumabi. Nakita kong may nakatayong lalaki sa likuran nya na natatakpan ng bouquet of red roses yung mukha.   Alam kong si Cliff sya dahil sa suot nya pati dun sa suot nyang relo. SYang-sya talaga. Pero ano ‘tong ginagawa nya?   “Mr. Airman, you owe me an explanation!” tinanggal nya yung bouquet sa mukha nya at nagwinked sa’kin. Okay, that’s too much! Pinapakilig nya ko masyado. Habang naglalakad sya papalapit sa’kin bumibilis yung t***k ng puso ko.   Tumigil sya sa harapan ko kasabay ng pagtigil ng mundo. OA no? Ewan pero ganun yung pakiramdam ko eh. Parang kinacapture yung moment namin ngayon. Pero mas nagulat ako nung lumuhod sya.   “I know you rejected me several times pero never akong sumuko. This time hindi na ko tatanggap ng no from you or else papakasalan kita on the spot.” Tapos tumingin sya sa’kin.   “You’re crazy!” natawa lang ako sa sinabi nya. Ano bang akala nya? Tatanggi pa ba ako? Akala ko nga hindi na nya ako ulit tatanungin.   “Torrence, for the nth time, will you be my girlfriend?” iniabot nya sa’kin yung rose at parang iniintay nyang kunin ko yun.   Ngumiti ako at naluluha kasi naman never ko ‘tong naexperience sa buong buhay ko. Naalala ko na naman nung naging kami ni Tonsi, sapilitan pa yun at wala akong nagawa pero hindi naman ako nagsisi. Pero yung ngayon, kay Cliff, iba. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ‘to pero hindi ko na hahayaan masayang lahat ng ginawa nya. Hinigit ko sya patayo at kinuha yung bulaklak. Gulat na gulat yung mukha ni Cliff na parang hindi makapaniwala.Tumango lang ako at binigyan sya ng magandang ngiti.   “Is that a yes?” hinawakan nya ako sa dalawang kamay. ANg lamig ng mga kamay nya. Ninenerbyos pa sya eh ilang beses na nya akong tinanong pero ito yung pinakabonggang way nya na kahit na sinong babae eh hindi makakatanggi.   “Ayaw mo?” bigla nya kong niyakap at binuhat. Nagpalakpakan ang mga waiters dun at pumasok na sa hotel. “Pwede ba Clifford ibaba mo ako or else babawiin ko yung sinagot ko!”   Hindi na naman nya pinaulit yung tanong ko dahil ibinaba na nya ako agad. “Hindi mo alam kung gaano ko kasaya ngayon Torrence. Promise, ah hindi gagawin ko na lang pala. Ipapakita ko sa’yo na hindi ka magsisisi sa pagsagot sa’kin. Gagawin ko lahat para maging masaya ka.”   Hinawakan ko ang dalawa nyang pisngi. “Dati mo na napakita Cliff. Dati mo na naparamdam. Dati mo na nagawa. Kung may gagawa man dito ng mga sinabi mo eh ako yun.” Niyakap nya ako ng mahigpit ng marinig kong nagsalita si Katy.   “Hey, can I join you? Gusto ko din ng hug!” tapos nakiyakap sya sa’min ni Cliff.   Nag-okay sign si Cliff kay Katy at nagwinked naman si bez. So magkasabwat pala sila. Nakapagplano sila behind my back. Congrats to them at nagtagumpay sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD