[LD 2: VIII] TORRENCE’S POV Hindi ako mapakali. Daig ko lang naman ang constipated sa likod ko dito sa upuan. “Tori say cheese!” sabi ni Hail habang hawak-hawak ang phone nya. Ngumiti lang naman ako. “Ugh! Hindi ka naman nakangiti. Dami mo na kayang shots sa’kin pero mukha kang constipated.” “Sino ba namang matutuwa sa ginagawa mo Hail. Phone mo yan pero puro si Tori ang laman. Yung totoo?” pagtataray ni Gail habang nainom ng coffee. Nagbabasa sya ngayon ng book na Hunger Games Catching Fire. “Tori you want to try their new pie? Strawberry pie with almonds, yieee. It’s so yummy.” Nagsmile lang ako. Wala naman ako sa mood kumain. “Okay fine, ayaw mo. Ako na lang” umorder sya ng pie na sinasabi nya. “Nasan na yung boyfriend ni Pen? I wanna go home. I’m so tired.” Isin

